Chapter [71]

6.3K 188 6
                                    

Chapter [71] - Comatose

"Ah siya pala ang nag-sabi," sabi ko na ikinatigil ni Stella at galit ang mga mata na tumingin sa akin.

Nagulat ako ng biglang kinuha ni Stella ang shoulder bag niya at walang sinasabing umalis ito kaya napatayo ako at sinundan si Stella na galit na nag-lalakad habang nakayuko ang ulo.

Mabilis na nahabol ko naman siya kaya niyakap ko ito at isiniksik naman niya ang sarili sa dibdib ko at humagulgol na ng iyak.

"What do you mean 'Ah siya pala nag-sabi' at parang okay lang sayo na nadisgrasya si Alexis? Hindi porke't ayaw niyo sa kanya ay okay lang sa inyo? Sa akin kasi hindi! Napakahalaga ni Alexis sa buhay ko at pinag-uusapan dito ang buhay ng kaibigan kong hindi natin alam kung may pag-asa pa itong mabuhay! Malakas ang pagkakasapol sa kanya at malakas na bumagsak siya sa lupa at marami ring nawalang dugo sa katawan ni Alexis," sabi nito sa akin at sinalo ang mga kamay niya na sinusuntok ang dibdib ko.

"Shh! Gulat ang naging reaksyon ko ng malaman ko ang balita---"

"Hah! And now you're telling me na ikaw ang unang nakakuha ng balita na hindi sinasabi sa akin! Now what? Namatayan na ako ng pinsan at ayaw kong mamatayan ng kaibigan. Please ayaw kong maranasan ang sunod-sunod na pag-kamatay ng mga taong malapit sa akin at kung mang-yari nga 'yun, papatayin ko nalang ang sarili ko dahil ang sakit! Hindi ko na kaya."

"H-hey! Hindi mang-yayari 'yan, Stella. Mahalaga sayo si Alexis 'yan ang sabi mo kaya maging matatag ka. Hindi pa naman nalalaman kung wala na ito. May pag-asa pa, Stella. Masakit makitang umiiyak ka," pag-tahan ko kay Stella at niyakap siya.

"Ang sweet naman ni Dela Cruz kay Stella Cruz. Aysus! Nilalanggam ako," ani boses ni Julian kaya napakalas kami ni Stella ng yakap at nawala ang ngiti ni Julian na makitang umiiyak si Stella. Napalitan ng galit ang masayang mukha ni Julian at lumapit kay Stella at itinago ito sa likod at dinuro ako.

"Sinaktan mo ba siya? Gusto mo makatikim ng mag-asawang sampal, suntok at sipa? Gusto mo?" galit na tanong nito at inangat ang kamao.

"Hey! Hindi umiyak si Stella ng dahil sa akin at hindi ko kasalanan ang pag-iyak niya," sabi ko at kita ko na inangat ni Stella ang kanyang ulo at tinignan ako ng masama. W-what? Ano'ng problema niya at nakatingin siya sa akin ng masama?

"Julian---"

Hindi na naituloy ang sasabihin ni Stella nang mag-ring ulit ang kanyang phone kaya kinuha niya muna ito at ilang hakbang lang ang layo niya.

Stella Point of View,

Sasabihin ko na sana kay Julian ang nangyari kay Alexis nang mag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito at ilang hakbang na lumayo sa kanila bago sinagot ang tawag ni Dad.

"Kamusta na siya?"

[She's Dead.]

Nanghina ang tuhod ko kaya napaluhod ako at nag-simula ng tumulo ang mga luha ko. "H-hindi maaari. Nag-papatawa lang kayo, hindi po ba?"

[Sana nag-papatawa lang ako, Stella.]

"Dad, saang hospital 'yan? Gusto ko siyang makita! Please."

Tinignan ko ang phone ko at wala na sa kabilang linya si Dad kaya itinukod ko ang mga palad ko sa lupa at nag-simula ng humagulgol. Hindi ko na kaya. Bakit siya pa?

Biglang may yumakap sa akin dahilan para lingunin ko ito at kita ko sa mga mata niya ang sakit. "A-arthur, wala na siya at hindi ko kaya," sabi ko at lumalabo na ang mata ko dahil sa luha ko.

"Stella, anong problema?" tanong ni Jake na kakadating lang at lumapit kay Julian na tulala.

Tinulungan ako ni Arthur na makatayo at pinahid ko muna ang mukha ko at pag-angat ko ng tingin hindi ko aasahan na kumpleto sila. Wala nga lang si Alexis para makumpleto ang Teenager Girls.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon