Chapter 23

11.4K 376 26
                                    

Chapter 23

ALEXIS


"Alex, kung gusto mo mag-shopping ikaw nalang pumunta hindi na ako sasama." Sabi ko at aakmang aalis na nang hawakan nito ang collar ng uniform na suot ko.

"Nerd, baka nakakalimutan mong nakasalalay ang pagiging scholar mo." Sabi nito sabay ngisi.

Napairap ako nang wala sa oras at walang nagawa kundi sumunod dito at hayaan nalang ang isip batang sui Alex na masunod.

Hindi naman masyado kalakihan ang mall pero may apat na palapag ito.

Nasa ikalawang palapag kami sa pagkakaalam ko at nasa loob kami ng maraming mamahalin na perfumes.

Sa kaliwa ay mga perfumes na pambabae habang sa kanan naman ay ang perfumes ng mga lalaki at ngayon ko lang napagtanto na marami ng mga estudyante na nakatingin sa akin-este kay Alex o kaya sabihin nalang natin na sa aming dalawa sila nakatingin.

Nag-iwas nalang ako nang tingin at nagbigay ng sapat na distansya kay Alex para iwas issue.

****

JULIAN

Nang mag-aya si Kath na kumain sa nagbukas na restaurant kani-kanina lang ay hindi na ako sumama sabi ko, "Magpapahangin lang ako sa garden busog pa naman ako at kung kailangan niyo ako nasa garden lang ako." 'Yan ang sinabi ko sa kanila pumayag naman sila kaya naglakad na ako patungo sa garden ilang oras nalang at didilim na. Uulan ata?

Naupo o kaya nag-indian seat ako sa ilalim ng puno at binuksan ang phone ko. Hindi ko alam na may tao palang natutulog sa puno kaya tinignan ko siya.

Natukso ako sa taglay nitong kagwapuhan kaya nilapit ko nang maayos ang sarili ko para makumperma kung sino ito.

Tinignan ko lang siya at kung titignan mo siya habang natutulog parang matagal mo na siyang kilala.

"Staring is bad, Miss. Baka matunaw ako." Bigla nitong sabat na nagpagulat sa akin. Hindi ko na namalayan na gising na pala ito. Umayos ito ng pagkakasandal sa puno at si Mr. Clinic pala ito.

"Bakit ice cream ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"'Wag ka ngang maingay alam mo namang natutulog ang tao." Saad niya na ikinagulat ko.

"Wow! Tinitignan nga lang kita-"

"Oh? May I know why are you staring at me?" Tanong niya na ikinayuko ko.

"I remember someone on you." Mahinang sagot ko okay na para hindi niya marinig nang mabuti.

"Bakit? May kamukha ba akong artista? Sino? Si James Reid ba?" Tanong niya sabay ngisi.

"Hindi." Sagot ko agad at tumayo na. Aalis na sana ako nang tawagin ako nito ako.

"Julian, nandito sa akin ang bag mo!" Sabi niya sabay pakita ng bag ko na dala-dala ng isa niyang daliri.

Hindi na ako tumuloy sa binabalak kung umalis at kinukuha ko na ang bag ko kaso inilalayo ito ni Jake.

"Oops! Muntikan na." Saad niya nang muntik ko na makuha ang bag.

Inilagay niya sa likod ang bag ko kaya pilit na kinukuha ko ito sa likod niya sa 'di inaasahan na pangyayari na-out of balance si Jake at nasama ako sa pagtumba niya.

"Argh!" Daing ko nang bumagsak kami pero mas malakas ang impak nang pagkakatumba ni Jake.

Inayos ko na ang sarili ko nang malaman ko na nadaganan ko pala si Jake at ngayon ay nabitawan niya na ang bag ko.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon