Chapter 11

15.6K 471 19
                                    

Chapter 11

ALEXIS

"Just watch."

Lahat kami ay nag tinginan ng mga girls na nakakunot ang mga noo.

Kumuha si Jake ng mesa at idinikit sa mesa namin, si Kurt naman sa kumuha ng mga upuan.

"OMG! Tigilan niyo nga 'yan! Baka pagalitan tayo ng may-ari ng restaurant na 'to," kinakabahang saad ni Tiffany.

"Hindi. Si Kurt ang bahala sa kanya ang restaurant na ito," kampanteng saad ni Jake na nakakibit balikat. What? Sa kanya?

"Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Bea.

"Sa 'yo ang restaurant na 'to?" tanong ko kay Kurt at isang ngiti ang kumurba sa labi nito at dahan-dahang tumango.

"Pwede na ba tayo kumain nagugutom na ako," singit ni Sophia kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"What?" tanong niya.

"Alam mo na?" sabay-sabay na tanong namin.

"Long story kaya kumain na muna tayo," sabi ni Sophia at kinuha na ang mga pag-kain niya.

"So sayo ang restaurant na ito Kurt?" panimula ko habang kumakain. Ramdam ko ang awkward sa paligid lalo na't kasama namin ang boys.

"Kay Ate ang restaurant na 'to kaso may restaurant rin siyang inaasikaso sa Cebu kaya ako minsan ang nag-aasikaso nito with the help of my cousin na manager ng restaurant na 'to." Paliwanag nito.

"Oh Cool! Ang sarap ng mga foods niyo dito," sabi naman ni Liz.

"Thank you," sabi ni Kurt at kumagat nalang ng choco stick niya.

"Bakit nga pala hindi kayo mag-kasama?" tanong ko.

"Magkasama nino?" tanong niya.

"Nang Silver Wolfs," sabi ko kaya napa-'ah' siya.

"May mga sariling mundo kasi ang mga 'yun at minsan nandadamay kapag may ginawanag kalokohan kaya napag-isipan muna namin maghiwa-hiwalay," sabi niya sabay kamot ng batok.

"Your friends are so kaka!" komento ni Stella kaya bigla nalang kumuha ng table napkin sina Sophia at Tiffany at pinunasan ang mga ilong nila kung may-dugo ba.

"Kaka?" Takang tanong ni Kurt dito.

"Yeah. Kakainis." Sagot ni Stella at ngumisi. Parang walang takot ito kahit na parte ng grupo si Kurt.

"I know. Gano'n talaga." Mahinahon na sagot ni Kurt at kumain nalang. Napasulyap siya kay Jake na tahimik na kumakain kaya tumikhi. ito para kunin ang atensyon.

"Jake, you're weird today. Pansin na 'yon ng grupo." Sambit nito dahilan para mapalingon sa kanya si Jake.

"Wala ka na do'n, Bro. Sa 'kin lang 'to." Ngiti-ngiting sagot ni Jake at nagpatuloy sa pagkain.

"But if you want a clue. There is an important person who saved my life."

"Who? I mean, iba ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa pagiging friendly mo hindi tungkol sa-Wait! Nag ligtas sa buhay mo?" tanong ni Kurt at tumango naman na naka-pikit si Jake.

"Kailan ka pa niligtas atsaka lahat ng tao natatakot sa atin at ni isa walang lumiligtas sa buhay natin kundi tayo lang," paliwanag ni Kurt.

"Just don't mind my story. Stop thinking too much, Kurt. Kumain ka na lang." sabi ni Jake at nag-smirk.

"Alright! So 'yun iyong dahilan kung bakit ka nag-bago?" tanong ni Kurt. Kumain muna si Jake ng hotdog bago sagutin si Kurt.

"Maybe? I don't know. I'm still the Jake you used to know, Bro."

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon