Chapter [55]

8K 214 21
                                    

Chapter [55] - Date?

Nagising ako sa isang alarm clock pero ng idilat ko ang mata ko at nakita ko si Julian na tumayo habang hawak ang kanyang phone at lumayo ito, phone call.

Bumangon na ako at umupo sa gilid ng higaan ko. Nakita ko naman na nagulat si Julian ng humarap siya pagkatapos niya sagutin ang tawag.

"Uhm. Good morning, Alyx!" sabi nito at inilagay sa ilalim ng unan niya ang phone niya at ginaya ako sa pag upo sa gilid ng higaan niya.

"Morning," sabi ko at tumayo na, "Sino ang tumawag?" Napangiti naman si Julian sa tanong ko at nakita ko kung paano namula ang mukha niya.

"Jake. Magdi-date kami pero ang ipinag taka ko kung bakit umaga kami mag dedate," sabi nito.

"Bakit? Gusto mo bang gabi kayo mag-date?" tanong ko pero umiling siya. Naalala ko pala na may laban kami mamayang gabi kaya hindi pwedeng idate ni Jake si Julian sa gabi. Malapit na pala ang madugong laban.

"Maligo na 'ko pupuntahan ko pa kasi ang kaibigan ko dahil may kukunin ako," sabi ko at tumayo na. Tumango naman siya at nahiga ulit.

Pumasok na ako sa C.R at nag simula nang maligo. Pag katapos ko maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko at sinuot ang isang itim na bathrobe nakaramdam ako ng exited ng makita ang tattoo ko sa braso at dahil naka bathrobe ako hindi nila makikita ang tattoo ko.

Lumabas ako at tulog pa rin ang mga kasama ko. Tumungo ako sa closet kung saan ko inilagay ang mga damit ko at ganoon rin sila Julian. Pumasok ulit ako sa banyo para mag bihis at pagkatapos ko mag bihis ay lumabas ako at wala na akong nakitang mga tulog sa kanilang mga higaan.

"Alexis! Tapos ka na ba?" rinig kong tanong ni Julian.

"Oo!" pabalik kong sagot habang sinusuklay ang buhok ko.

Bumaba na ako at nakita ko sila sa sala. "O? Saan naman ang alis mo, Alyx?" rinig kong tanong sa 'kin ni Stella.

"Pupuntahan ko lang sila Blue may bagay lang akong kukunin," sabi ko habang nag susuot ng sapatos at nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag tango ni Stella at siguro naalala niya si Blue nang mag-Skype kami sa Academy.

Lumabas na ako at hinanap ang room unit #225 at malapit lang pala ito sa kaharap ng dorm ng katabi namin kaya nag doorbell na ako.

Agad naman akong pinagbuksan ni Bubbly na may hawak pang baril na may silencer.

Sa pagpasok palang ay bubungad sa 'yo ang mga nakapaskil na mga armas sa mga pader pati na rin sa center table kung saan may mga plastik doon na naglalaman ng isang violet na likido, poison.

"Nabasa mo na pala ang message ko sayo," kahit nakatalikod ako ay kilala ko ang boses na 'yon.

"Kagabi pa. Pero may inimvestigate pa 'ko kaya ngayon ko kukunin ang mga weapon na sinasabi niyo," sabi ko at naupo sa isang sofa.

"Si Killer at Blood, nasaan?" tanong ko dahil si Blue, Sky, Violet, X, Bubble at Leader lang ang nakikita ko.

"Nasa HQ Laboratory gumagawa ng poison bullet," sabi ni Leader at may hinagis sa akin na agad kong nasalo. My favorite GSG (Gold Silencer Gun) pero ng tignan ko ang laman kung may bala ay nag taka ako.

"Kakalagay ko lang ng bala nito a? Ba't nawala?" tanong ko at may ibinigay si X sa akin na bag at naglalaman ito ng mga bala.

"'Yung mga bala na nakalagay diyan ay dinala ng dalawa para lagyan ng poison bilang lang ang bala na may poison kaya 'wag mong ubusin," sabi nito habang may ipinapasok akong bala.

"Thanks for them," bored kong saad.

"May silencer pistol akong ginawa baka gusto mong magamit," sabi naman ni Sky sa 'kin at may hinagis sa akin na agad ko namang nasalo at ng subukan kong paputukin ay hindi ito nag ingay.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon