Chapter [75]

6.9K 178 10
                                    

Chapter [75] - Dangerous Weapon

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng gamit ko ng tawagin ako ni Terron sa kwarto kaya lumabas ako at nag-punta sa salas.

Nakita ko ang mga magulang, kapatid ko pati na rin sila Cloud at Terron sa lapag at kumakain ng snacks. Nanonood rin sila ng horror movie. Pababa na ako ng naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang nag-message.

From: Unknown Number

We're going back in Philippines too. The other gang invite us to a cover fight. Hey! This is Joanna/Violet. ^-~

Hindi ko na nagawang mag-reply ng hilain na ako ng kapatid kong si Julius sa salas at bigyan ako ng popcorns.

"Sulitin na natin ang last day natin sa Canada," sabi ni Cloud at napangisi naman sa ako sa sinabi ni Cloud.

"As if naman makakauwi ka," sabi ko at napasinghap naman si Cloud at tinignan ako ng nanlalaki ang mga mata.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata na nag-mamakaawa. "I, Cloud Lee, take you and asking you to marry me. Echos!" sabi niya at nag-peace sign kaya nabatukan ko siya at binatukan naman siya ng kapatid kong si Julius at si Terron habang natatawa sila Mom at Dad pati na rin si Kuya.

"Please naman e! Isama mo na ako pabalik sa pilipinas. Huhuhu! Doon kasi may forever ako dito mukhang wala," sabi niya at humagulgol pero wala namang luha na lumalabas sa mga mata niya.

"Paano kung ayaw ko?" tanong ko na ikinatigil ni Cloud sa pag-iyak ng hindi totoo at nag-indian sit at tinuro ako ng hintuturo nito.

"Papakasalan kita sa ayaw at sa gusto mo," sabi nito na ikinalaki ng mata ko at kukunin na sana ni Julius ang nakatagong dagger sa ilalim ng damit niya ng bawiin ni Cloud ang sasabihin niya. "'Di joke lang! Friend tayo 'diba? 'Wag ka ng magalit," sabi niya at ipinakita ko naman sa kanya ang kamao ko.

"Pahalik ka palang pasuntok na ako," sabi ko.

"Pasuntok ka palang nakatakbo na ako," sabi nito at tumayo at kumaripas ng takbo sa kusina. "Tita, mag-kakape lang po ako a," sabi nito at sumigaw rin si Mom ng 'Sige, Cloud!' at nakarinig kami ng pagkatok kaya pinabuksan ito ni Mom sa isang maid.

"Si Joanna po ito ang matalik na kaibigan ni Princess Alexis sa pilipinas," sabi ng maid at napa-'ohh?' si Mom at tumayo at pinagbuksan ng pinto ang giniginaw na si Violet.

"Hello po, Tita. Nandito po ba si Alexis my beast friend?" tanong niya at natawa naman si Mom at tumango at pinapasok na siya. Hinubad nito at sobrang kapal na suot nitong jacket at nang makita ako ay dinambahan niya agad ako ng yakap.

"Gutom na ako, pag-lutoan mo 'ko. Namiss ko na luto mo," bulong nito habang nakayakap sa akin kaya napakunot ako ng noo.

"Nilutoan kita dati?" tanong ko at kumalas naman ng yakap sa akin si Violet at nagpakita ng malungkot na mga mata.

"Wala ka pang maalala kahit kaunti? Nilulutuan mo 'ko dati, Alexis," sabi nito at napalingon kay Cloud na lumabas sa kusina at napakaway naman ito dito at kumaway rin pabalik si Cloud dito.

"May mga nabanggit na mga pangalan sa panaginip ko noon at sa tingin ko ay isa iyon sa mga alala ko pero marami pa ring butas," sabi ko at tumango naman si Joanna at tinapik ako sa balikat at lumapit sa akin.

"Maalala mo rin ang lahat, Black," bulong nito at tumayo na. "Magpapaalam na po ako, Tita. Hindi pa ako mag-tatagal dahil may napag-usapan kami ng cousin ko na mamasyal," paalam nito at tumango naman si Mom at sinundan ito hanggang pinto. Nag-suot na ito ng makapal na jacket at lumabas na ng mansion. Alam na ni Mommy na nandito si Joanna dahil nag-punta na rin dito si Joanna pero mga isang oras lang at umuwi rin.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon