Chapter [67]

6.8K 194 9
                                    

Chapter [67] - Mansion

Nakaramdam ako na may tumatapik sa pisngi ko kaya idinilat ko na ang mga mata ko at si X pala ito kaya naupo ako ng maayos at kinusot-kusot ang mata.

"We're here in Canada! Omo! I can't believe," komento ni Violet at inunlock ang seat belt niya at tumayo na at ganoon din ang ginawa ko.

"Are we already in Canada?" I ask at napa-chuckle naman si Violet sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mag-lalanding pa lang ang eroplano, exited lang si Violet," wika naman ni Sky sa likod kaya mahinang tumawa si Violet at nilingon ko naman si Blue na kausap ang dalawang canadian na katabi niya.

Lumanding na ang eroplano kaya pinauna muna namin ang mga lalabas dala ang mga gamit nila at sunod na lumabas kami. Hindi ko na napansin si Cloud dahil sa dami ng taong lumabas at siguro nauna na itong lumabas.

Wala naman kaming mga bagahe na dala kaya nagdi-diretso kami papuntang exit pero bago 'yun ay nag-request si Violet na kumain at saktong may dala akong pera pang Canada kaya makakabili kami ng pagkain.

"Bryan, nasaan nga pala ang box ng donuts?" tanong ko at nginuso niya si Violet kaya nilingon ko si Violet na tinuturo ang tiyan niya.

"I already eat your donuts," sabi nito na nakangiti.

"Mga vegetarian lang ang dapat kumain sa mga restaurant at may dala ba kayong pera?" tanong ko at umiling naman sila.

"Do'n nalang tayo sa mga lalaking maghahatid sa atin sa mansion ni Lolo magpabili ng makakain. I'm pretty sure na marunong mag-salita ng tagalog 'yun kaya hindi na kayo mano-nosebleed," sabi ko at nag-simula ng maglakad papunta sa exit at sinundan naman nila ako at pumara ng tatlong taxi dahil hindi kami kasya sa isang taxi lang.

"Where are we going, Ma'am and Sir?" the canadian driver asked.

"Canadian Coffee Shop, please," sabi ko at nilingon naman ako ni X na katabi ng driver.

"Are you sure na nandoon nag-aantay ang mahahatid sa atin?" tanong ni Bryan at nagpakita ako ng ngiti.

"Malaki na ang ibinago ng Canada pero kabisado ko kung saan ang coffee shops na malapit sa mansion na paborito ni Lolo," sagot ko.

"By the way, Sir. Do you know Zackaman Smith?" tanong ko sa driver ng taxi.

"Yes! I know him. He's the owner of Smith Company and He has a grandchild heiress who living in Philippines," tumango-tango naman ako sa sagot ng driver.

"I see. Did you know where Mr. Zackaman Smith mansion is?" tanong ko at tumango naman ang taxi driver at ipapadiretso ko nalang sana ang taxi papunta sa mansion ng maalala ko na maraming nakakaalam kung kailan at kung anong oras ang pag-landing ng eroplano na sinasakyan ko at paghindi ako nakita ng mga reporter sa airport ay aantayin naman nila ako sa harap ng mansion ni Lolo para lang makuhaan ako ng interview kaya hindi ko nalang pinadiretso sa mansion at itinigil nalang sa exact place na sinabi ko.

Nakita ko naman ang mga limang kalalakihan na lumapit at nagbigay ng bayad sa tatlong taxi at umalis na ito.

"Kami ang maghahatid sa inyo sa mansion, princess," sabi nila at nag-bow.

Tumango lang ako at naglakad na papunta sa itim na sasakyan at bubuksan ko na sana ng unahan ako ng isang lalaki at siya na ang nagkusang nagbukas nito kaya pumasok nalang ako at sumunod na pumasok ang iba.

"Anong pangalan niyo lahat?" tanong ko at nagtaas naman ng kamay ang driver.

"I'm Heryl, princess," sagot nito kaya napairap ako dahil sa pag-tawag nila sa akin ng princess. Sunod naman nagtaas ang katabi ni Heryl.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon