Chapter [80]

6.5K 179 35
                                    

Chapter [80] - Program

Mabilis kong idinilat ang mata ko ng maramdaman ko ang presensya ng lamig ng aircon.

Sh*t! Nilalamig na ako.

Mabilis akong tumayo at agad na nanlaki ang mata ko ng maglanding ang mata ko sa isang taong natutulog sa tabi ko.

Wala rin siyang kahit anong comforter kaya naisipan ko na maghanap sa cabinet niya. Aish! Nakatulog pala ako sa kwarto ni Sungit.

Tumayo na ako at kumuha ako ng dalawang kumot ng makakita ako sa cabinet ni Sungit at binalutan ko ang sarili ko at bumalik sa tulog pero nakakapagtaka dahil dalawa ang kinuha ko kaya ibinigay ko nalang ito kay Sungit at natulog.

Hindi ko na binigyan ng malisya ang pagtatabi namin sa higaan niya. Magpapanggap nalang ako na nahilo ako kaya wala akong choice at natulog ulit sa tabi niya.

***

Nakaramdam nalang ng pagtayo ng isang tao sa tabi ko pero hindi ko idinilat ang mga mata ko at nagkukunwaring natutulog pa rin.

"Aish! Hindi pa rin nagigising ang babaeng 'to?" mahinang tanong ni Sungit at dirediretsong pumasok sa CR ng kwarto niya.

Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na tumayo at tumakbo sa kwarto ko.

FYI SUNGIT MAY PANGALAN AKO!

Kinuha ko ang phone ko sa ibaba dahil naiwan ko pala ito kagabi at bumungad sa akin ang iilang messages sa akin ni Violet at Lolo.

Ang una kong binuksan ay 'yung message sa akin ni Violet.

'Hi, Leader. Always keep safe. :)'

Nireplayan ko naman siya.

'I will.'

Sunod ko namang binuksan ay ang message sa akin ni Lolo.

'Your first mission; is to visit Monteverde Academy at 5 pm.'

I reply...

'Copy.'

Dumiretso ako sa kusina para magluto ng breakfast ko. Buti nalang kompleto ang mga pagkain sa kusina ni Mister Sungit.

Pagkatapos kong lutuin ang bacon ay kumain na ako at hinugasan ang pinagkainan ko pagkatapos. Hindi pa bumababa si Mister Sungit sa kanyang lungga kaya naisipan kong manood ng T.V sa kwarto ko at nag-iwan ng sticky note sa lamesa niya para makita niya.

Dahil bored na bored ako at pangit ang palabas ngayon sa T.V ay naisipan ko munang mag-ikot-ikot sa mansion ni Mister Sungit.

Hindi ko alam pero napunta ako sa likod ng mansion ni Mister Sungit kung saan may swimming pool.

Nakaramdam ako ng tuwa sa nakita ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag langoy sa swimming pool. Meron naman nito sa mansion ni Lolo pero dahil nga malamig ang lugar na 'yun ay hindi ako nagtatagal.

Naisipan kong maglakad-lakad muna sa gilid ng swimming pool at tulalang nakatingin sa tubig nito.

"Alexis!!! Huhu may-ahas, ang gwapong ako takot sa ahas wala kasi akong sandata. Hindi ako ready!! Seriously! Masiyado na ba akong gwapo para pati ahas lapitan ako?"

Nakaramdam ako ng hilo ng may maalala ako sa isip ko. Isang boses. Boses ni Cloud.

Biglang dumidilim ang paningin ko pero pilit kong ginigising ang sarili ko sa pagkahilo pero huli na ako ng maramdaman kong mahuhulog na ako sa pool at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa malamig na tubig at kinain na ng kadiliman.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon