Chapter [45]

9.5K 265 18
                                    

Chapter [45] - Wrong Timing

"Gusto mo?"tanong ni blue sa akin at binigyan ako ng chocolate pillows.

Kinuha ko ito at ngumiti lang siya na parang nang-aasar pa.

Pinaandar ni dark ang kotse at pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating na kami sa destinasyon namin at sa mall lang pala ang pinuntahan namin.

Wait! Bakit kami nandito sa mall? Wag nilang sabihin na kaya sila pumunta dito ay para manood ng sine?

"Anong gagawin natin sa mall?"naguguluhang tanong ko at lahat naman sila ay napatingin kay dark.

"Hindi mo sinabi sa kanya dark?"tanong nila at umiling naman si dark.

"Ako nalang magsasabi."sabi ni violet. So alam niya kung bakit kami nandito. Tumango naman si dark bilang pagsangayon.

Ikinuwento ni violet sa akin kung bakit kami nandito sa mall at napangisi naman ako ng sabihin niya na ibabalik ko ang style ko dati, oo dati log style bilang gangster.

"Thanks for the explanation pero maynakakalimutan ka pa..."sabi ni blue habang ngumunguya ng popcorn.

"Àno naman yun?"tanong ni violet at naka-kunot noong tinignan si blue.

"Manonood tayo ng sine pagkatapos ng pag-aayos kay Alexis!!"masayang sigaw niya.

"Libre mo!!"sigaw nilang lahat kay blue, "Yun lang ang problema ko naibili ko na ng popcorns at iba ang pang-sine ko hehe."sabi nito at napa-roll eyes naman si violet at nagkibit-balikat nalang at sumandal sa braso ni Bryan at hinayaan naman niyang matulog sa braso niya si violet.

Dumeretso na kami sa salon at saktong lumabas ang taong nag-ayos sa akin para mag-mukhang gangster ako.

"Gangster Style."bored na sabi nito sa baklang nag-ayos sa akin noon.

"Naku! Bilhan niyo ko ng HOT pandesal ah," sabi nito at sinimulan na ako ayusan. Ito talagang baklang 'to ang takaw Hindi na nga mabawas-bawasan ang kanyang katabaan kakain ng kakain na naman, well I don't care sinasabi ko lang naman ang KATABAAN niya.

"Babe gusto mo yung 3 pandesal ko dito?" tanong ni blue at pinakita ang pinagmamalaki niyang tatlong pandesal at tulo laway naman itong si bakla.

"Naku! 'Wag ka! Meron ako niyan," sabi niya habang nakanguso.

"E bakit nagpapabili ka pa sa amin kung may pandesal ka na?" tanong ni sky.

"Heh! Kulang pa sa 'kin ang pandesal ko kaya magsi-shoo-shoo! na kayo para matapos agad ako dito at makakakain ako pagkatapos," sabi nito at pinalabas na ang boys natulog muna ako habang nakikinig sa Kpop music sa salon.

"Wooh! Kamusta na ang reyna?" tanong ng kung sino mang nagsalita.

"Akin na pandesal ko," alam kong boses ito ni bakla.

"Bakit nakapikit 'yan? Gisingin mo kung ayaw mong pakainin kita ng bato," sabi ni violet. Wala kasi itong tiwala kay bakla dahil sabi niya may nakita siyang kausap nito na kalaban namin at may-inabot na isang maliit na sachet kay bakla sabi ng mga kasama ko, 'baka shabu lang 'yun' at sabi naman ni violet, 'mukhang poison powder 'yun na ginagamit ng rank 3 e'.

Idinilat ko na ang mga mata ko bago pa maglabas ng baril si violet at tumayo na ako dahil tapos na pala si bakla sa pag-aayos sa akin.

"Thank god! Nahihilo ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni violet at nginitian ko lang siya ng 0.1%

"Tara na, bakla bayad na namin 'yang pandesal, bye!" sabi ko at nakatuon ang kanyang tingin sa pandesal na ibinili sa kanya at tumango-tango siya.

"Hey," pagtawag sa akin ni blue at inakabayan ako kaya sinamaan ko naman siya ng tingin kaya agad niyang inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon