Chapter 20

12K 345 12
                                    

Chapter 20

ALEXIS

Nagising ako sa higaang hindi ko inaasahan na matutulugan ko dahil sa pagod at 'yun ay ang higaan ni Freak.

Maingat na bumangon ako sa higaan at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto

Malinis.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at napatayo ng tuwid dahil nakaramdam ako ng presensya ng tao sa likod. Napapikit ako ng mariin ng makakilala na kung sino ito nang hindi nililingon.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Alex na mukhang bagong gising lang.

"Nope. Definitely not. I
Look, I didn't mean to sleep here today but I was just tired that I didn't realize that I already fell asleep." Banggit ko.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan at tumikhim si Alex at lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Personal space, Bro.

"Change the bed sheet first before you leave or else say goodbye with your scholarship." Ani nito at tuluyan ng lumabas.

Tinignan ko ang wrist watch ko at may 30 minutes pa ako magpalit ng bed sheet ni Freak at makabalik sa dorm para mag-ready sa pag-pasok sa school.

"Uh by the way, pakibilisan kasi ipagluluto mo pa ako ng breakfast." Napaigtad ako sa gulat dahil hindi ko inaasahan na nakasilip si Alex sa pinto pero hindi ko pinahalata at pansin ko lang ang pag-smirk nito.

"Sunugin ko mamaya breakfast mo eh." Mahina kong bulong sa sarili at nag-martsa papasok sa kwarto ni Alex.

"I'm only giving you 5 minutes to finish that thing, Nerd. One... two." Bilang nito at imbis na mataranta at manginig sa takot ay dahan-dahan kong tinanggal ang sheet sa kama nitong master bed at nilibot ang tingin para hanapin kung saan nakalagay ang iba pang bed sheet ni Freak.

"It's inside my closet, Nerd." Rinig kong banggit nito at hindi na siya ngayon nakasilip sa unang pinto dahil nakasandal na ito sa pader malapit sa pinto ng kwarto niya. Is he trying to help me? Napairap ako sa tanong ko.

Tumango lang ako at tinignan ang loov ng closet ni Freak at kumuha ng bagong bed sheet. As if naman may germs ako sa katawan para palitan ang sheet.

"I'm counting, Nerd." Sambit nito at pinasadahan ko lang ito ng tingin at napairap sa hangin.

Pagkatapos ko mag-change ng bed sheet ni Freak ay naisipan kong tapusin na ang last mission ko bago ako makabalik ng dorm agmt 'yun ay ang pagluto para sa tamad na si Alex.

Since may sarili silang kitchen sa HQ nila ay hindi na ako nahirapan para maghanap ng mailuluto.

Hindi nagtagal ay natapos din ako at hinanda sa table ang mga pagkain at hindi na inantay na sumulpoy sa Freak at humanap ng daan paalis sa lugar at dahil ako naman ang naglinis sa bawat sulok ng HQ ay naging familiar ako sa dinadaanan ko hanggang sa makarinig ako ng tawanan at sinundan ko 'yun.

Napatigil ako nang malaman na ang ibang silver wolfs pala 'yun at mukhang napansin naman nila ang presensya ko at unang napalingon si Jake sa gawi ko at gulat ang unang expression na ipinakita nito dahil siguro sa hindi niya inaasahan na makikita niya ako dito sa ganitong oras.

Saglit na nagkatitigan kami ni Jake sa isa't isa pero ako ang unang umiwas, "How's your hand, Nerd?" Tanong ni Jake at tumango lang ako.

"Anong nangyari sa kanya, Bro?" Tanong ni Kurt kay Jake at sinenyasan niya naman ito na mamaya na ang sagot niya.

Pansin ko lang na bigla silang nanahimik kaya napaangat ako ng tingin at lahat na sila ay nakatingin sa gawi ko-hindi dahil sa likod ko sila nakatingin na parang may tao silanh tinitignan kaya sinundan ko kung saan sila nakatingin at napatikom ang bibig nang malaman na si Alex ito.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon