Chapter 26

3.8K 96 1
                                    


"Anak, I'm so proud of you." sabi ni Susan, nasa isang restaurant sila ni Brian para magcelebrate sa pangunguna ng VSC. (Villa Shoe Company)

"Thank you mom." ngumiti si Brian, maya maya ay nagring ang kanyang cellphone. Apologetic siyang ngumiti sa kaniyang mommy.

"It's okay sagutin mo na at baka importante yan."

"Hello Day?"

"Ma'am Brian sorry kung nakaistorbo ako sa date niyo ni ma'am Susan importante lang po." sabi ni Duday.

"It's okay, go ahead ano yun?"

"May nakapagsabi po sakin na maglalabas ng bagong shoe design ang Cinco." sabi ni Duday. Tumaas naman agad kilay ni Brian.

"I think panahon na para ilabas rin natin ang bagong design, namedia na ba nila ang plano nila?"

"Not yet ma'am tama lang po timing natin kung maglalabas tayo ng bago, kung ipupublic po natin na may bago tayong design ngayong araw mauunahan po natin ang Cinco." ngumiti si Brian sa narinig.

"Okay Duday, alam mo na kung anong gagawin mo."

"Sure ma'am Brian, bye ma'am, update nalang po kita kung nagawa ko na. Enjoy your dinner ma'am." nang ibaba nito ang kanyang cellphone ay ikinwento nito sa kanyang Ina.

"Mas ready ka pa samin anak, kaya proud na proud ako sayo." ngumiti siya sa tinuran ng kanyang Ina.

'I trusted you Brad, binigay ko sayo lahat, ngayon tingnan natin ang galing mo sa ganti ko sayo' isip isip niya.

"That's bullshit!! pano nila nalaman na maglalabas tayo ng bagong design! ngayon inunahan pa tayo sa media!!"

"Calm down sir pwede tayong lumaban sa designs." galit na binalingan siya ni Brad.

"Calm down? nakikipaglaro saatin ang Brian Villa na yan!! alam niyang maglalabas tayo ng bagong design kaya inunahan tayo!! the fuck!! nauubusan na ako ng pasensya sa Villa na yan!!" nag alangan na magsalita ang sekretarya niya.

"What!! Shit! kung may sasabihin kapa pwedeng sabihin mo na!"

"Ah- eh kasi sir yung Top magazine hindi na raw iffeature ang designs natin, Ang VSC daw po ang iffeature nila ngayong taon." nasuntok ni Brad ang table niya. Tumayo ito sa kinauupuhan niya at umalis sa opisina.

"Oh badtrip ka ata." tanong ni Rob sa kaibigan niya.

"May kumakalaban sa Company namin at nalaman kong babae pa. Mukhang alam niya lahat ng nangyayari sa kumpanya. Nahihiwagaan lang ako sa pagkatao niya bakit parang sinasadya na labanan ako."

"Easy lang, masyado kang seryoso, baka naman nagkataon lang, at tandaan mo, business is business, siyempre laban talaga ang pag uusapan." inis na napabuntong hininga siya kasi may posibilidad na tama ang kaibigan, baka coincidence lang na maglalabas din ang kalabang kumpanya.

"Iha masyado kang focus sa trabaho, wala ka ng panahon sa love life mo, you're 25." natigilan si Brian sa pagbabasa ng mga report, maya maya ay ngumiti siya.

"Wala po akong balak mag boyfriend muna, priority ko ang company mom, at ikaw siyempre." ngumiti si Susan sa narinig.

"Sabi nila gwapo raw ang may ari ng Cinco Shoe Company at still.. single pa daw. I met his father at mababait sila." nagtaas ng mukha si Brian.

"You mean nakilala mo ang parents ni Brad?" huli na ng marealize niya ang nasabi, kumunot ang noo ni Susan.

"Magkwento ka nga sakin, feeling ko marami akong hindi nalalaman." nagpakawala siya ng hininga, nagdalawang isip pero narealize niyang dapat nang malaman ng kaniyang mommy ang nangyayari. Ikinwento niya lahat sa kaniyang mommy, pinigil niyang umiyak sa harap ng kaniyang Ina.

"Brian anak.. naalala mo nung nambabae si Arman? gusto ko ring gumanti noon, nanlalake ako, dahil sa pag ganti ko mas lalo pang lumala ang nangyari, hindi sa kinakampihan ko siya anak. Pero panahon na siguro na kalimutan mo ang nangyari at mag move on sa buhay, pinapangako ko sayo anak pag nagawa mo iyon, marerealize mong tama ako." ngumiti si Susan at iniwan siya, dun na umagos ang luhang pinipigilan niya.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now