Chapter 2

6.5K 138 0
                                    

Brian's povs

Mag iisang oras na rin siguro ako nagmumukmok dito.
Dahil sa narinig ko sa daddy ko wala nakong magagawa pa kundi ang magmukmok nalang dito sa kwarto ko. Diko din alam bat hindi nila ako maintindihan. Naisip ko tuloy, noong bata ba sila hindi ba sila nag inom? nagboyfriend? naglakwatsa? Sa tingin ko naman "normal" lang yun para sa age ko.

Dahil sa inis hinagis ko yung family picture namin na nahagip ng aking mata. Feeling ko kasi pinapalayas nila ako dahil lamang sa simpleng kadahilanan. Mas lalo pa akong nainis ng maya maya may kumatok sa aking pintuan.

"Ano!" bulyaw ko.

"Miss Brian, tawag po kayo ng daddy at mommy niyo. Punta daw po kayo sa sala may ipapakilala daw po sila sainyo"
sabi ni betty, isa sa mga matagal ng namamasukan sakanila.

"Sige" inis kong sabi. Nagbilang muna ako ng sampo bago tumayo. Well, gaya ng iba way ko rin ito para kumalma.

Pababa nako ng hagdan ng may narinig akong tawanan galing sa sala, napaisip tuloy ako kung sino yung bisita. Pagdating ko sa sala nakaupo doon ang lalakeng diko kilala. Kaedaran siguro ng mommy nasa 40+? or 50 narin siguro.
Sabay sabay silang napatingin saakin. Si mommy ang unang nagsalita.

"baby meet your tito francis. Gf niya si tita Letty mo" sabi ni mommy at kumindat pa. Nagulat at napangiti ako sa narinig ko kasi sino ba naman ang hindi. 35 years old na si tita Letty at ni minsan hindi pa yun nagkakaboyfriend. Nakalimutan ko tuloy yung inis at galit ko.

"Really?" yun nalang nasabi ko sabay upo sa tabi ng mommy ko.

"Yes baby, so hindi mo na maasar na nbsb ang tita letty mo" natatawang sabi ni mommy. Kaso nagtaka ako bat nga pala wala dito si tita letty at saka pano nakapunta dito ang bf niya kung siya nga mismo wala dito.

"By the way where's Tita Letty?" tanong ko.

"Oh she's actually here awhile ago anak, umalis lang saglit pero don't worry babalik din yun" sabi ni daddy.

"Dito muna sila magsstay ni Francis, 1 week sila dito then sabay sabay na tayo pupunta ng Bicol" medyo alanganing sabi ni mommy.

"Bicol? so next week niyo na ako palalayasin?" dere deretsong sabi ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi ng mommy ko.
Si mommy naman tumikhim ng malakas  sabay senyas na may bisita.

"Hindi pagpapalayas ang ginagawa namin sayo Brian. Sasamahan ka namin doon ng mommy mo sa unang linggo, then after that luluwas din kami ng maynila. Si tita Letty mo ang magbabantay sayo doon after that."

"Bat sasamahan niyo pako kung ganun ding iiwan niyo lang din naman ako wag na lang da--"

"Tignan mo attitude mo Brian! Yan ang reason namin ng mommy mo kaya ka namin pinapupunta sa probinsya!! masyadong bad influence ang mga barkada mo dito!!" pasigaw ng daddy ko sakin kung kayat tumakbo ulit ako paakyat sa kwarto ko. Umiyak ako ng umiyak.

"Sorry Francis, masyadong spoiled ang batang yan, ngayon lang naitatama at nasisita yung pagkakamali niya kaya siya ganyan" nahihiyang sabi ni Susan sa kanilang bisita.

"Mga kabataan talaga ngayon. Tsk tsk" si Arman na nangingiwi nalang sa pinakitang asal ng kanyang nag iisang anak.

"Don't worry..alam kong magagawan ng paraan ni Letty yan" Sagot naman ni Francis na nakangiti lang.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now