Chapter 24

3.5K 90 0
                                    


"Eunice.. do you trust me?" biglang tanong ni Brad.

"Ha? ahh..Oo naman." sagot ng dalaga. Ginagap ni Brad ang kamay ng dalaga.

"Minsan lang akong nakaramdam ng ganito, wala akong pakialam kung katulong ka, ang mahalaga sakin ay ang nararamdaman ko, gusto kong iparamdam sayo ang pagtingin ko sayo, naniniwala ka ba sa love at first sight? i think yun ang nangyari sakin, sa tingin ko unang kita ko palang sayo alam ko nang may espesyal kang parte sa buhay ko, diko maipaliwanag, sa tuwing nakikita kita diko maiwasang matitigan ka, nacucurious ako sayo, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko..Eunice tell me everything, gusto ko wag kang magsisinungaling saakin, gusto kong malaman ng tungkol sayo..yan ba talaga ang pagkatao mo?" natigilan si Eunice sa lahat ng narinig niyang pahayag ng binata.

"O-oo eto talaga ako." tinitigan siya ng binata ng para bang binabasa ang pagkatao at naiisip niya saka ito ngumiti.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

"Te-teka ang bilis mo naman Brad." bumitaw ito sa pagkakahawak ng binata.

"Sige, hayaan mo akong manligaw sayo. Kahit yun nalang Eunice, bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka. Handa akong maghintay." ngumiti ang dalaga at saka tumango.

"Sige na baby, tulog kana. Thank you."  alanganing ngumiti ang dalaga.

Makalipas ang isang buwan, handa na si Eunice na sagutin si Brad. Sa tingin nya mahal na niya ang binata, ngayon lang kasi siya nadama ang kakaibang kasiyahan sa buhay, ang takot niyang maiwan ng minamahal ay nawala na ng dahil kay Brad, feeling niya iba si Brad, pakiramdam niya hindi nito kayang iwan, at lokohin siya, sapat na ang pinakita at pinadama ng binata sakaniya, lahat din ng pag alinlangan niya ay napawi dahil sa lalaki, kayat ang tiwala niya ay nakuha ng buong buo ng binata.

"Masaya ka ata ngayon Eunice." komento ni Nay Betty. Ngumiti naman si Eunice.

"Sasagutin ko na po si Brad Nay Betty, malaki po tiwala ko sakanya, masasabi ko po na mahal ko na talaga siya." kwento nito.

"Ganyan talaga ang pag ibig, handa mong isakripisyo lahat ng nasa saiyo." tumango ang dalaga sa sinabi ni Nay Betty.

"Tama po kayo Nay."

"Nga pala iha, sasabihin mo na ba sakaniya na isa kang anak ng kilalang pamilya? na isa kang Villa?"

"Yun po ang hindi ko muna sasabihin Nay, masaya po ako ngayon, ayokong pag nalaman nya pilitin niya akong bumalik sa pamilya ko." tumango tango ang ginang.

Kinahapunan ng dumating si Brad ay sinundan niya ito sa kwarto niya.

"Hi." bati nito.

"Hello baby, masaya ka ata ngayon?" aniya.

"May sasabihin sana ako sayo Brad." sabi niya, matiim naman siyang tinignan ni Brad.

"Sinasagot na kita Brad, i love you." natigilan si Brad maya maya ay hinapit nito ang beywang ng dalaga at saka hinalikan ng madiin. Napangiti si Eunice sa inakto ng binata.

"Thank you baby, napakasaya ko. Thank you for trusting me. I love you too baby." nakangiting sabi nito.

Hindi matatawaran ang kaligayang nadama ng dalaga sa piling ni Brad, nirerespeto rin niya ang gusto nito, naging masaya sila halos araw araw ay sinosorpresa siya ng binata, tinutulungan rin siya nito sa mga gawain niya at wala ni isang problemang dumating sakanila, nagkakaintindihan sila sa halos lahat ng bahay. Makalipas ng isang buwan ay ibinigay na ng dalaga ang lahat sa lalaki, hindi ito nagdalawang isip na ibigay ang kaligayahan ng isang lalaki na maibibigay lang ng isang babaeng katulad niya. Magkatabi silang natulog, sabay kumain, at sabay ring maligo.

Dalawang buwan na sila ng biglang nanlamig ang pakikitungo ni Brad sakaniya, hindi ito umuuwi ng halos dalawang araw, minsan nalang din siya nitong sinasabayan at halos nagmamadali sa lahat ng bagay, may lakad daw kasi siya. Ngunit kahit ganoon ang binata ni minsan hindi ito kinwestyon ng dalaga, pinilit niyang intindihin ang nobyo nito nanatiling maalaga at mapagmahal. Hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahan.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon