Chapter 15 (2/2)

3.2K 93 1
                                    


"Tito wag niyong kakalimutan na kunin yung number ni Eunice ha? ha tito ha?" pagpapaalala ni Harry sa kanyang tiyo kinabukasan.

"Ayan ka nanaman umagang umaga, nabalitaan ko umiyak si Duday ano ginawa mo sakanya?" pag iiba ni mang Bert.

"Tito puro ka Duday eh, pwede bang Eunice naman kahit ngayon lang." napipikon na sabi ni Harry.

"Eh ikaw puro ka Eunice eh, wala kang pag asa dun itigil mo na yang kahibangam mo, nabalitaan ko babalik na yun ng maynila narinig ko si ma'am Letty kahapon may kausap siya sa telepono." bumuntong hininga ito "Ayan nagmukha tuloy akong tsismoso, ah basta itigil mo na yan. Alis na ako ha. sige sige." sinundan lang ng tingin ni Harry ang tiyo niya hanggang makaalis ito. Hindi niya akalain na saglit lang na panahon niya nakausap ang dalaga ngayon napag alaman niya aalis na daw ito. Saglit siyang natigilan.

Mag aalas tres na at dahil hindi na makapag antay si Harry nagpasya na siyang sumugod sa mansyon.

"Señora kamusta ho?" bati niya kay Letty.

"Oh napadalaw ka dito, kamusta ang manggahan? okay naman ba? wala naman bang problema?" pagtataka ni Letty sakanya.

"Ahh oho señora, ahh eh si señora Eunice ho andyan po ba?" nag aalangang sabi nito.

"Eunice?" ngumiti ito sakanya. "Tatawagin ko ba?" ngumiti ulit ito.

"Ah eh kung okay lang ho sana señora."

"Okay lang." hindi na maipaliwanag ni Harry ang ngiting nasa mukha ni Letty.

"Manang Lucy tawagin mo nga si Brian sabihin mo madali punta siya sa likod." sumunod naman agad ang kawaksi ng mansyon.

Nakatayo lang si Harry sa likod ng mansyon malapit sa pinto. Nang dumating si Brian, awtomatikong ngumiti ang binata. Saglit namang natigilan ang dalaga pagkakita sakanya.

"Pinapupunta raw ako ni tita Let dito sa likod, asan siya?" pagtatakang tanong ni Brian dahil hindi niya inaasahang si Harry ang madadatnan niya. Luminga linga ito sa paligid.

"Ahh hindi ko alam kung saan siya nagpunta eh, pero..pero ako talaga nagpatawag sayo." ngayon lang siya ninerbiyos ng ganito, natotorpe na ata siya. Tumaas ang kilay ng dalaga.

"Ganun ba..sige upo muna tayo." naglakad na si Brian patungo sa garden set na naroon, sumunod naman ang binata.

Nang makaupo sila huminga muna ng malalim si Harry.

"Ahh eh, alam mo ang hirap magsalita, ang ganda mo kasi at nakaganyan ka pa na ayos" uutal utal na sabi niya na mas lalong nagpataas ng kilay ni Brian, tumawa siya pero yung pilit na tawa.

"Wag mong piliting tumawa, para kang tanga, dimo bagay." sabi ni Brian. Dahil sa narinig sumeryso si Harry.

"Kukunin ko sana yung number mo señora Eunice."

"Bakit?" tipid na sagot ni Brian.

"Basta.. i mean kung okay lang sayo, gusto ko sana hingiin yung number mo."

"Bakit nga." pag uulit niya.

"Para sana itext ka."

"Huh? Why? sabihin mo nalang ngayon, hindi ako mahilig magphone at hindi ko pinamimigay yung number ko ng basta basta."

"Bago ka sana bumalik ng Maynila eh gusto ko sana magkaron ng contact sayo Eunice."

"What? Ako aalis? wait lang ha, from the top, nagpunta ka dito para kunin yung number ko, para magkaroon ka ng contact sakin kasi aalis na ako at pupunta ng Maynila ganun?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Sabi ni tiyo Bert narinig niya si señora Letty na babalik na raw kayo sa Maynila,  teka baka naman binibiro nanaman ako ni tiyo, last time kasi—"

"Kay tita niya narinig kamo?" pagpuputol niya.

"Oo sa tawag daw pero di ako sure mapagbiro si tiyo kaya.. nakakahiya naman. Pasensya na sa abala, alis na ako señora." naguguluhang sinundan ni Brian ng tingin si Harry. Napakurap kurap siya dahil sa nangyari biglaang nagpunta dito ang lalaki, ngayon naman aalis ng ganun ganun lang.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon