First day of School

4.2K 107 1
                                    


Maraming nakipag kaibigan sakin. Siyempre noong una, isa isa kaming nagpakilala sa harap ng class. Block section kami kaya araw araw daw kaming magkikita sabi ng professor. Wala kasing nahalo samin na irregular.

May isa lang akong type na maging kaibigan, siya si Ebony, matangkad din siya 5'7 ako, siguro nasa 5'5 din siya magkasing edad din kami 15 years old din siya gaya ko.

Siya lang gusto kong maging kaibigan kasi yung iba, kung hindi jejemon magsalita sobrang hahangin naman. Marami rin ang mga sosyalera. Pero naisip ko gusto ko iba naman, dati kasi mga barkada ko puro anak ng mga pulitiko at mayayaman talaga. Pinili ko si Ebony maging kaibigan kasi maganda, mukhang mayaman pero simple lang.

"Brian hello nice to meet you, I'm Ebony"
ngumiti ako at inabot ang kamay niya at nakipagshake hands. Naging kaibigan ko siya kaagad. Hindi na ako nag entertain pa ng iba at nginingitian ko nalang sila kapag nagpapakilala sila.

Natapos ang klase at sinundo ako ni tita Letty sabi niya siya muna maghahatid sundo saakin at hahanap pa siya ng papalit at mapagkakatiwalaan na magiging driver ko.

Lumipas ang dalawang linggo at naging okay naman ako sa school. Si manong Bert muna ang pumalit kay tita Letty na maghatid sundo saakin habang wala pa silang nahahanap na maging personal driver ko.

Sabado nagyon at nasa garden ako ng tinawag ako ni manang Betty.

"Maam Brian tawag po kayo ni señora Letty nasa office po siya sa 3rd floor" nginitian ko siya at tumango.

"Hi tita pinapatawag niyo daw po ako?"

"Ahh yeah.. upo ka muna" umupo naman ako agad at tumingin sakanya.

"Tungkol ito sa birthday mo. Next week na. Ano balak mo? mag iinvite kaba ng mga friends mo? gusto mo ba magpahanda ako dito sa hacienda? or gusto mo mag mall? maghanda sa school?"

"Ahmm. Aask ko po muna sila mommy kung makakauwi ba sila, kung makakauwi man po sila ngayong 16th birthday ko.. ahmm, celebrate nalang po tayo sa labas tita" napatingin ako sa calendar na nasa ibabaw ng table ni tita. Araw ng sabado yung birthday ko kaya wala akong pasok.

"Okay tanong mo sila then sabihin mo agad sakin ha? para mapagplanuhan natin ng maayos." yun lamang at umalis na ako, pumunta kaagad ako sa kwarto ko na nas 4th floor at tinawagan sila mommy.

Dalawang beses ko sinubukang tawagan si mommy pero hindi niya sinasagot kaya si daddy nalang ang tinawagan ko at natuwa ako dahil agad agad niya itong sinagot.

"Hey daddy!! thank you for answe--"

"Hello baby, sorry I'm busy right now, nasa meeting ako tatawag nalang ako maya bye bye" nagmamadaling sabi ni daddy saka niya ako binabaan. Napabuntong hininga nalang ako. Inantay ko maghapon ang tawag ni daddy pero wala akong natanggap. Kumakain kami ng hapunan nang tinanong ako ni tita Let.

"Oh bat ka tahimik diyan?"

"Ahhh.. wala po tita. Hindi ko pa po kasi nakakausap sila mom at dad."

"Wag ka mag aalala, try ko silang tawagan mamaya. Kumain ka ng marami, at nga pala, bukas magmamass tayo ha?" sunday nga pala bukas tumango nalang ako at nagfocus sa pagkain ko.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora