Chapter 7

4.3K 95 1
                                    

Lumipas ang isang buwan at naging maayos at masaya ang pamamalagi ko dito sa hacienda. Ikinatuwa ko ang laging pagsama sakin ni tita Letty sa plantation ng mga mais, mangga, at kahit mga talong at iba pang mga gulay, lahat na ata ng gulay sa bahay kubo na kanta ay may tanim dito. Natuto narin akong makisalamuha sa ibang mga tao sa loob ng hacienda.

Lagi naman ako nakakareceive ng call at text messages galing sa mommy at daddy ko. Nawala narin ang tampo ko sa kanila kahit pa hindi rin nila natupad ang pangakong dadalaw noong katapusan. Pero ganun pa man naging masaya ako. Minsan nag aya si tita Letty na magpicnic sa burol, medyo may kalayuan ito sa mansyon pero sulit naman noong makarating kami doon.

Isang buwan pa ang mabilis na lumipas at eto.. pasukan na.

"Nakuuu.. manang mana ka talaga saakin Brian. 15 years old ka palang pero ang sexy sexy mo na!" nakasuot ako ngayon ng school uniform namin. Black shoes na may heels na 3 inches, mini skirt na color navy blue, long sleeves na color white na may ribbon na kakulay ng skirt. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang reflection ko sa salamin. Kinuha ko ang phone ko sabay kuha ng picture.

"Aba nakuha mo pang magmirror shot ha" natatawang sabi ni tita.

"I will send it to my mom and dad tita, para naman makita nila na eto at college na talaga ako.. gallery.. send.. o ayan nasend na." tinignan ko ulit ang reflection ko sabay sulyap kay tita.

"Tita thank you lagi ka andyan para sakin." sincere kong sabi kay tita na ikinagulat niya sabay ngiti.

"Aba. Dimo naman sinabi na magddrama ka pa pala Brian, baka nakakalimutan mo 2 hours ang byahe.. baka gusto mo sa sasakyan ka na magdrama" nakangiting biro ng tita ko.

"Tsk nasa mood na ako para magdrama tita eh. Tsk tsk. Sige na nga tara na sa sasakyan tita" natatawa narin ako.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now