Chapter 22

3.5K 85 0
                                    

"Ang sexy mo naman." ngumiti si Lauren sakanya, ngumiti rin siya, likas na masiyahin ang dalaga, panay din ang daldal nito, nagkwento ito kay Eunice tungkol sa mga designs niya, kung bakit designer siya ngayon, kung ano ang nag udyok sakanya at yun ang naging trabaho niya at kung ano ano pa. Maya maya..

"I know hindi ka katulong talaga, i mean hindi lang dahil sa looks mo, kundi sa mga galaw mo rin, kaya tinanong ko si yaya Betty, she told me everything, wag mo siyang pagagalitan ha, mapilit talaga ako, at wag kang mag alala, safe lahat ng secrets mo sakin, madaldal lang ako pero hindi ako nagkakalat ng secrets."
huminga siya ng malalim, at saka ngumiti.

"Sorry nagsinungaling ako.. wala na kasi akong choice, gusto ko ng pagbabago sa buhay ko, at gusto kong tumayo sa sarili kong mga. paa, ayokong umasa sa iba."

"It's okay, ang cool nga ng ginawa mo eh, you're 19 pero napakastrong mo." nagkwentuhan pa sila ng ilang minuto maya maya dumating si Brad natigilan ito pagkakita kay Eunice, hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng dalaga, maya maya ay tumingin ito kay Lauren.

"Pwede ko bang mahiram ang car mo? just for now mas maliit ng iyo kaya pahiram ako." nanghihiram ito ng sasakyan kay Lauren may pupuntahan lang daw ito saglit, pumayag naman si Lauren at sinabi kung nasaan ang susi ng sasakyan niya.

"Malilintikan ka saakin Bradley Cinco ingatan mo yang sasakyan ko!" sabi nito sa kapatid.

'Shit! bakit ba pag kaharap ko siya bigla akong natutulala!'

Naikuyom ni Brad ang palad niya.

"Safe ang kotse mo sakin." tinitigan pa niya ng isang beses si Eunice at saka umalis.

Hindi nakaligtas kay Lauren ang titig ni Brad kay Eunice. 'Aba may gusto ka kay Eunice ha.' isip isip nito. Ngumiti siya ng makahulugan kay Eunice.

"Bakit?" tanong ni Eunice.

"Ha? nothing, tara swimming, race tayo ha."

"Oh Brian—Eunice ano yan?"

"Pinag aaralan ko po yung mga ingredients at procedure sa pagluluto ng mga simpleng ulam." sabi nang hindi sumusulyap kay Betty. Abala siya sa pagbabasa at pagbubuklat ng isang libro tungkol sa pagluluto.

Ngumiti si Betty at tinabihan ang dalaga.
"Kung gusto mong matuto sige ikaw ang magluluto mamaya, tuturuan kita, mas matututo ka ng ganun kesa sa pagbabasa lang." bumaling si Eunice sakaniya.

"Napakabait niyo po talaga Nay Betty, sorry po kung natatarayan ko kayo dati." lumuwag ang ngiti ng ginang.

"Naku wala iyon hija, napakalaking tulong ang naibigay ng iyong pamilya sakin kaya wala iyon." Niyakap niya si Betty.

"Diba mag gogrocery kayo ngayon?" Tanong ni Lauren kinaumagahan.

"Oho ma'am Lauren, isasama ko ho si Eunice sa pamimili para naman maranasan niya." Ngumiti si Lauren sa narinig.

"Great!! Yaya Betty may ipapakiusap po sana ako sayo, at sana pagbigyan niyo ako."

"Oo naman ma'am, sabihin niyo po, ano po iyon?"

"Brad, samahan mo si Eunice mamili sa supermarket." Utos niya sa nakababatang kapatid.

"What? Mukha ba akong katulong sayo para utusan mo." Naiinis na sabi ni Brad.

"Bakit mukha bang katulong si Eunice?" Kumunot ang noo ni Brad.

"Hindi siya mukhang katulong pero katulong parin natin siya, at higit sa lahat hindi niya kailangan ng kasama, magtaxi siya kung gusto niya, o kaya ikaw nalang ang sumama sakanya, wag ako tigilan mo ako." Tinaasan lang siya ng kilay ni Lauren.

"Samahan mo siya."

"Ano bang problema mo sis, nagme menopause ka na ba? Tigilan mo ako."

"Samahan mo siya.. May gusto ka ba sakanya little brother at ganyan ka umasta, iniiwasan mo ba siya ha, wala kasi siyang kasama kaya samahan mo na, kailangan niya ng kasama hindi niya kayang mag isa dahil—"

"Fine!! Sumasakit ang ulo ko sayo manang Laurence! Ganyan ba kayong mga babae puro kayo daldal!" Ngumiti si Lauren.

"Dali magpalit kana. Marami akong ipapabili kaya kailangan niya talaga ng tulong mo." Bumuga siya ng hangin at saka napilitang magpalit.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon