Chapter 12

3.8K 103 1
                                    

Brian's pov

Kanina pa ako nagtitimpi ng galit, pagdating ko ng kwarto nilock ko ito at saka nagtititili dahil sa inis.

"Super yabang nakakabadtrip!" sabay hagis ng isang unan at ng isa pang unan. Natigil lang ako ng magvibrate ang cellphone ko na nakalapag lang sa table malapit sa kama ko. Napatingin muna ako dito at napaisip kung sino ang nagtext, sino kaya..daddy? si mommy? kinuha ko ito at mali ako ng hula. "Tama, bat ko pa naisip na sila ang magttext eh imposible naman iyon, talagang tinotoo na wag ako itext eh dahil lang naman sa galit yun."

From Ebony-

Birthday ko ngayon dimo man lang ba ako babatiin? labas tayo, lagi mo akong hinihindian pwede bang sumama ka naman kahit ngayon lang? my treat, wag ka na magdala ng gift, basta punta ka okay na for me, so? punta ka ha!

Napabuntong hininga ako at tinawagan ang kaibigan ko sa college.

"Oh Brian! buti naman at tumawag ka. Before anything else and for your information hindi ako nag aaccept ng NO today. Itetext ko sayo yung address ng meeting place natin. Okay?"

"Ebony next time. I promise—"

"Hep! kung hindi ka pupunta it's okay, 1 year lang naman na bago mag graduation kaya naman 1 year nalang din na hindi kita papansin sa school or sa room, ibblock ko narin ang number mo kasi every time naman na nagiinvite ako tinuturn down mo. So okay bbye na."

"Ang arte mo eh no. Alam mo naman kasi na hindi ko hilig lumabas— i mean hindi NA hilig lumabas."

"Ah basta, it's your choice naman kung gusto mo talaga masira friendship natin for almost 3 years!"

"Oo na, send mo sakin yung address. Paalam ako kay tita." tumili naman sa tuwa si Ebony sa kabilang linya. Bumaba ako pagkatapos at hinanap si tita.

"Tita, pwede po ba akong magpaalam?" nagulat naman si tita dahil ngayon lang ako nagpaalam sakanya. Kadalasan kasi siya pa mismo nag aaya na lumabas.

"Huh? san lakad mo?"

"Birthday po kasi ni Ebony, yung minsang dumalaw dito sa mansyon."

"Oo si Ebony kilala ko nga. Siya lang naman kaibigan mo eh, what time? ano oras ka makakauwi?" sunod sunod na tanong ni tita.

"Actually hindi ko po alam kung anong oras matatapos, sa bar po kasi—"

"BAR! aba hinde..kailangan may kasama kang pupunta, papasamahan kita kay manong Bert, yang mga bar bar na yan maraming loko loko diyan." napangiti ako dahil sa pag aalala na pinapakita ni tita sakin, pag aalala na hindi ko naranasan sa mga magulang ko.

"Opo tita, thank you, mas okay nga po sakin na may kasama para may dahilan ako na umuwi ng maaga."

"O sige kakausapin ko si manong Bert nasa likod lang ata yun. Anong oras kayo aalis?"

"2 hours yung byahe, so 4:00 po ako aalis." bumalik na ako sa kwarto ko para maghanda ng gagamitin kong damit.

Harry's pov

"Sige nanaman po tiyo, ibigay niyo nalang po sakin to, pagkakataon ko na po to para makausap siya ng kaming dalawa lang, please po tito, sige nanaman po." nalaman ko kasing si manong Bert ang magddrive kay Brian sa lakad niya, nakikiusap ako na ipasa nalang sakin yung trabaho tutal marunong naman ako magdrive, may driver's license naman ako at alam ko naman mga pasikot sikot sa labas ng hacienda.

"Kung ano ano naiisip mo, madamay pa ako sa mga kalokohan mong bata ka, at ano naman sasabihin ko kay maam Letty niyan ha."

"Sabihin niyo nirarayuma kayo magandang dahilan nayun para di kayo makapagdrive tiyo please naman po." sabi ko sabay katok ng tatlo sa kahoy, binatukan niya ako.

"Mga kalokohan mo talagang bata ka." sabi ni tiyo sabay kuha ng kanyang telepono.

"Hello señora..oho..eh yun na nga po.. bigla po ako inatake ng rayuma..ay hindi ho..di naman po malala..ayy nako okay lang ho..ay eh andito naman ho tong pamangkin ko na nagmamaneho narin ho sainyo dati pa.. ay oho señora..pag bar po pag uusapan magaling po ito sa mga martial arts kayang kaya ho ipagtanggol si Brian kung sakali.." titig na titig ako kay tiyo habang nakikinig. "Oho señora.. sige señora salamat." binatukan niya ulit ako bago magsalita.

"Oh ayan na, manalangin ka nalang na hindi malaman ni Betty to kundi pareho tayong lagot. Ang dami dami kasing babae diyan si ma'am Brian pa natipuhan mo parang may pag asa ka naman doon."

"Bakit naman po walag pag asa, dahil po ba masungit at mataray siya?"

"Anong mataray, mabait yung si maam Brian, yung estado ng buhay mo at estado ng buhay niya ang tinutukoy ko. Amo natin siya kaya ano naman pag asa mo dun." iiling iling na sabi ni tiyo.

"Alam mo tiyo puso ang pinapakinggan sa pagmamahal, ikaw na mismo ang nagsabi wala sa itsura, wala rin sa estado, nasa pagtibok ng puso yan, at siya ang tinitibok nito." sabi ko sabay turo pa sa aking dibdib, binatukan ulit ako.

"Puro ka kalokohan ewan ko sayo. Ingatan mo siya ha, wag mo akong ipapahamak sa kalokohan mo. Andyan naman kasi si Duday lagi ka pang binibigyan ng ulam naghahanap ka pa ng iba, siya na nga lumalapit sayo ayaw mo pang pagbigyan." umasim naman agad ang mukha ko, pinagtawanan lang ako ni tiyo.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now