Chapter 13

3.7K 112 4
                                    


Thank you po ulit sa mga bumabasa :) maraming maraming salamat po. Nakakatuwa rin kasi gumagana ng maayos yung utak ko at naparami ako ng sulat ngayon.

thank you again! ♥
———————

Brian's pov

"No tita hindi ako papayag si manong Bert po ang maghahatid saakin remember?" gulat na gulat ako dahil si Harry ang magiging driver ko bigla. Mag alas kwatro na at nakasuot na ako ng black dress na hapit, nakalugay lang ako at naka 3 inches na sandals.

"Ano bang problema dun Brian? may rayuma si mang Bert at si Harry maingat sa daan at masasabi kong magaling siyang driver at isa pa may kakayahan pang ipagtanggol ka kung magkaproblema man sa loob ng bar. Ano bang problema mo kay Harry?"

"Wala naman po tita pero pls try to understand.. sanay napo ako na si mang Bert ang nagddrive sakin kung may dinaramdam siya edi ako nalang, tsaka tita decent bar ang pupuntahan namin tita walang gulong magaganap."

"Brian bar ang pupuntahan mo, hinding hindi kita papayagang umalis mag isa, at alam mo nakakahalata na ako Brian ha, may gusto ka ba kay Harry ha? bat mo siya iniiwasan?"

"Ako tita magkakagusto sakanya? no way! hindi ko rin siya iniiwasan." maiisip ko palang nanggagalaiti na ako.

"Oh edi yun naman pala eh, bumaba kana at nag aantay siya sa sasakyan. Bilisan mo na." wala na akong nagawa pa, huli na para umurong kasi nasabi ko na kay Ebony na pupunta ako.

"Kala ko hindi na po kayo tutuloy ma'am Brian." nakangiting sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto, inirapan ko lang siya at sumakay na, iniisip ko ngayon lang naman to at makakaraos rin ako sa mapang asar na lalaking to.

30 minutes na ang nakalipas ng magsalita ulit siya habang nagmamaneho, napansin ko rin ang panay tingin niya sakin.

"Ang ganda niyo ngayon ma'am Brian, i mean mas lalo po kayong gumanda."

"Pwede bang magdrive ka nalang at wag ka ng masalita." sagot ko, inihanda ko narin ang sarili ko at tinitiyak kong hindi ako magpapatalo sa pang aasar niya.

"May tanong lang ho ako, bakit po ba galit na galit kayo sakin? try niyo po ako kaibiganin maam Brian at hindi po kayo magsisisi."

"Aba't ako pa talaga ang kakaibigan sayo ha? hiyang hiya naman ako sayo no. At nagtanong kapa kung bat lagi akong galit eh ikaw nga tong ang yabang yabang na akala mo kung sino kung makalapit at makipagkwentuhan sakin."

"Edi ako nalang ang makikipagkaibigan sayo. Try mo minsan makinig at ngumiti, okay yung taong may sense of humor."

"Ano! ano tingin mo sakin walang sense of humor ganun? sinasabi ko na nga ba eh, hindi talaga dapat ako pumayag na ikaw ang magiging driver ko, kala mo kung sino ka!" bulyaw ko, wala na akong pakealam kung ano man ang gawin sa akin ng lalaking ito, ang kaso pinagtawanan lang niya ako na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"Try mo ngumiti minsan, for sure mas maganda ka kapag nakangiti." tumingin pa siya sakin at ngumiti.

"Alam mo? naiinis na ako pwede tumigil kana?"

"Yeah..obvious naman na naiinis ka, lagi ka naman naiinis eh." tinignan ko ulit siya ng masama itinaas naman niya ang kanyang kanang kamay at ang kaliwa ay naiwan sa manibela.

"Okay okay titigil nako." para mawala ang inis ko bumaling nalang ako sa bintana at sa mga nadadaanan namin.

Maya maya sa wakas nakarating rin kami sa bar.

"Oh bat bababa karin?" pagtataka kong tanong.

"Bilin po ni señora Letty na bantayan kayo sa loob, para maipagtanggol kayo kung magkaproblema man."

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now