Chapter 23

3.6K 91 0
                                    


"Siya kasama ko? No way Ate Lauren ayoko sa kapatid mo masyado siyang mahangin at pakealamero." lumuwag ang pagkakangiti ni Lauren.

"Sige na, wala ng laman ang ref at wala ng maluluto, marami rin kasi ako ipapabili kaya please tiisin mo nalang ang kapatid ko."

"Magdrive nalang ako pahiramin mo ako ng sasakyan mo o kaya tataxi nalang ako Lauren—"

"Please naman, wag mo pahirapan sarili mo at isa pa marami akong ipapabili, kung hindi lang sumakit ang ulo ni Yaya Betty hindi naman kita pipilitin na siya nalang kasama mo, nag alala rin naman kasi ako sayo kaya pasasamahan nalang din kita." bumuntong hininga si Eunice. 'Tama nga naman, hindi ko pa nararanasan mamili ng mga groceries, at mahihirapan ako sa pagbubuhat ng mga bibilhin' tumango siya ng marahan.

"Thank you sis."

Nagsuot siya ng Tshirt at shorts at tinernuhan nagtsinelas lang siya. Ipinusod rin niya ang buhok niya.

"Ilang items lahat ng bibilhin mo? bilisan mo sa pamimili dahil may lakad ako. Kung hindi lang ako pinilit ni Laurence hindi kita sasamahan." sabi ni Brad habang nagmamaneho ng sasakyan papunta sa mall na may kalayuan sa bahay nila.

"Hindi rin sana ako papayag na ikaw ang kasama ko kung hindi lang din ako pinilit ni Laurence na magpasama sayo." sabi niya habang nakatingin sa dinadaanan ng sasakyan.

"Really? bakit nga pala maka Laurence ka parang hindi mo siya amo."

"Mabait kasi siya  ni hindi niya pinapaalala na amo siya at katulong lang ako, at isa pa, ikaw na mismo ang nagsabi na hindi ako mukhang katulong."

"At ikaw narin ang nagsabi na katulong ka hindi ba. Kaya umakto ka na isa kang katulong at amo mo ako, hindi ako makapaniwala ipinagmamaneho kita ngayon." iiling iling na sabi nito, bumuntong hininga si Eunice nagtitimpi siya na masigawan ang kasama.

"Oh? hindi ka na makapagsalita? asan na katarayan mo? nalulon mo na ba mga iba mo pang sasabihin?" sabi nito at tumawa pa.

"May mental disorder ka ba? may sira kaba sa ulo? bakit ka ba nakikipag usap sakin? pinasama ka ni Laurence saakin para ipagdrive ako at tulungan ako sa mga bibilhin, tigilan mo na ako okay? habang patagal ng patagal naboboring ako sa mga sinasabi mo eh, talo mo pa ang mga babae, hilig mong makipag away eh no?" tumawa ng malakas si Brad maya maya itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada, walang ngani nganing hinila niya si Eunice at hinalikan ng madiin, nakahawak ito sa kaniyang batok at ang isang kamay naman nito ay nakapulupot sa dalaga. Hindi makagalaw si Eunice, pinanatili niyang nakatikom ang labi niya. Nang tumagal sumuko narin si Brad at binitawan siya. Ngumisi ito.

Nagipon ng lakas si Eunice at saka sinampal ang pangahas na lalaki.

"How dare you!! wala kang karapatan para halikan ako! at wala kang karapatan na hawakan ako! walang hiya kang gago ka! go to hell!" sigaw nito. Ngunit hinawakan uli siya sa braso ng lalaki.

"See? kung katulong ka man dapat niyakap mo na ako at ikaw na mismo ang humalik sa akin. Hindi ko alam kung anong sikretong meron ka pero simula ngayon bawat galaw at kilos mo inaasahan mong nakikita ko." pinanlakihan niya ito ng mata at binawi ang kamay.

"I hate you!" bulyaw niya.
Ngumisi lang ang lalaki at pinaandar na ulit ang sasakyan.

Nang makarating sila sa mall ay agad bumaba ang lalaki, pinagbuksan niya ng pinto si Eunice.

"Andito na po tayo madam Eunice." pang aasar nito at saka yumuko pa. Linagpasan lang siya ni Eunice at nagtuloy sa mall.

Si Brad ang nagtutulak ng cart na at si Eunice ang nag abala sa pagtingin sa listahan, specific na items naman ang naroon, nakalagay din kung anong brand at ilan ang bibilhin niya kaya hindi na siya nahirapan. Sa mga matataas na items na hindi niya abot tinutulungan siya ni Brad. Naisip tuloy niya okay na sana ang magpantasya na kasama niya ang asawa niya sa pamimili ang kaso hindi niya magawa dahil mortal enemy ata niya ang kasama niya ngayon.

Hindi na ulit sila nag usap ni Brad hanggang makabalik sila sa bahay. Agad naman nang usisa si Lauren kung kamusta kasama ang kapatid niya sa pamimili.

"Gusto ko ng tumalon palabas sa sasakyan, papunta palang kami sa mall pinainit niya na ulo ko." kwento niya, tumawa naman si Laurence na parang kinikilig sa mga nangyari.

Kinaumagahan nagpaalam si Laurence na aalis pansamantala, may aasikasuhin daw siya.

"Happy birthday Eunice!!" bati ni Nanay Betty, ngumiti siya at niyakap ang ginang.

Normal naman ang nangyari maghapon, naglinis sila, nagluto nagdilig ng halaman, naghugas at kung ano ano pa.

Kinagabihan, pasado alas onse na at tulog na tulog na si Nanay Betty lumabas si Eunice at nagtungo sa likod ng bahay umupo siya at tumingala sa liwanag ng buwan, maya maya hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya, pinunasan niya ito nagulat siya ng may tumikhim sa likuran niya. agad niyang tinuyo ang mata niya gamit ang palad niya.

Umupo si Brad sa tabi ng dalaga, walang umimik sakanila sa lumipas na limang minuto, maya maya may iniabot si Brad na maliit na kahon. Pinagmasdan lang iyon ni Eunice.

"Regalo ko sayo, happy birthday." nagulat si Eunice dahil alam ni Brad na kaarawan niya.

"Tanggapin mo nalang, peace offering narin yan sa mga sinabi at ginawa ko sayo." sabi nito. Nang hindi parin niya ito kinuha ay humarap ito sakanya. Binuksan niya ang kahon at tumambad sakanya ang isang kwintas. Kinuha iyon ni Brad at bago pa siya tumutol isinuot niya ito sa dalaga.

"Ayan bagay na bagay sayo." komento nito at maya maya tumawa ito ng marahan.

"Kung ganyan ka lang sana simula nung dumating ka dito edi sana hindi na tayo nagkasagutan pa." kumurap kurap ang dalaga at nag iwas ng tingin.

"Sa-salamat. Pano mo nalaman na birthday ko ngayon?" nagkibit balikat ang binata.

"Sinabi ni Lauren."

"Ahhh..inutusan ka niya na ibigay to?" tumingin ito sakanya.

"Mukha ba akong utusan niya? siyempre hinde, sinabi lang niya na birthday mo, sabi ko sige, tapos namalayan ko nalang sarili ko na nagpunta sa mall at bumili ng ganyan." ngumiti si Eunice at nakita iyon ng binata. Saglit niyang tinitigan ang mukha ni Eunice at saka ito bumuntong hininga.

Ngumiti si Eunice "Salamat. Hindi ko akalain na makakatanggap ako ng gift ngayon..at galing pa sayo." ngumiti rin si Brad.

"Bat nga pala umiiyak ka? birthday na birthday mo malungkot ka, dapat diba nakangiti ka at nag eenjoy ka." nag iwas muli ng tingin si Eunice.

"Wala naisip ko lang tumatanda na ako. At nag enjoy ako. Nag enjoy ako sa paglilinis at pagluluto." tumawa si Brad.

"Ikaw lang ang nag eenjoy sa gawaing bahay." komento nito.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Eunice, bumaling siya sa katabi.

"May beer ba kayo? o wine? o kahit anong inumin?" ngumiti si Brad, tumango ito umalis siya at pagbalik may dala dala na itong apat na beer.

Nang matapos nilang uminom si Eunice na mismo ang lumapit sa mukha ni Brad, hinalikan niya ito, nagulat si Brad pero gumanti rin agad. Nang maghiwalay sila ay pareho silang naghahabol ng hininga.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt