Chapter 6

4.5K 109 0
                                    

6 pm

Dalawang oras na nang umalis sila mommy at daddy, huminto na rin ako sa pag iyak. Hindi ko ugaling magcheck ng phone pero dahil sa wala na akong maisip pang gagawin kinuha ko nalang yung phone ko sa loob ng bag.

2 messages*
5 missed calls*

Mommy-
Baby ingat ka diyan, we're really sorry at hindi namin natupad ang pangako namin na magstay for 1 week diyan. See you soon anak at sana wag ka ng magtampo samin ng daddy mo. I love you anak.
Ano nga pala gusto mong pasalubong? text mo ako anak pag nabasa mo na to ha? we love you!

hindi ako nagreply dahil masama parin ang loob ko.

"Pasalubong.. so kailan naman kaya nila maibibigay yung pasalubong na sinasabi niya." nasabi ko nalang sa kawalan.

Hindi ko na chineck pa yung isa pang text message at nahiga nalang ulit at saka pumikit ng may biglang may kumatok.

"Times up na sa pagmumukmok Brian" si tita. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Eyy. bat naman umiyak ka pa.. di ka pa nasanay sa mommy at daddy mo. Kawawa ka naman talaga oo." pabiro kong pinagsarhan ng pinto si tita at tumawa siya. Mapagbiro talaga si tita kaya tumawa nalang din ako. Ganyan si tita, mapang asar at parang barkada lang.

"Hoy buksan mo yang pinto biro lang oy" sabi niya habang tumatawa padin, binuksan ko ulit ang pinto at pumasok naman siya.

"Ano na Brian.. tara na sa baba at kain na tayo ng hapunan"

"Hapunan 6?" pagtataka kong tanong.

"Nasa probinsya po kasi tayo at tska nasanay narin ako na maaga kumain. Siguro hindi ka pa sanay ngayon pero masasanay karin." pagpapaliwanag niya.
Lumabas na kami at bigla akong humikab. Tumawa naman si tita.

"Oh kita mo inaantok kana, wag kang mag alala 6:30 tulog na tayo"

"No way tita matulog ka mag isa mo" sabi ko sabay irap. Nagtawanan nalang kami habang pababa ng hagdan.

"Wow" bulalas ko dahil sa dami ng pagkain na nakahanda sa long table. "Bat ang dami naman ata tita" hindi ako sanay kasi nga kadalasan mag isa lang ako kumakain at para sakin lang ang naluluto, pero ngayon.. may crab, pusit, menudo, adobo, inihaw na bangus at baboy at iba pa.

"Icecelebrate natin ang pagdating mo siyempre at tska pagbbreak namin ni Francis" sabi niya sabay upo at kuha ng pagkain. "Oh manang betty kain nadin kayo tawagin mo na yung iba at sumabay na kayo samin"

"Alam mo ba tita,  Betty rin pangalan ng  katulong namin sa maynila at-- wait! nagbreak na kayo ni tito Francis?!" ng marealize ko yung unang sinabi ni tita. Tumawa naman siya.

"Oo, magtatrabaho siya sa Canada inaaya ako na magpunta dun pero siyempre ang maganda mong tita hindi sumama"

"Why? sayang naman" malungkot kong sabi pero mas lumakas pa ang tawa niya.

"Anong sayang dun ha Brian para mo namang sinabi na siya nalang choice ko" naiiling niyang sabi.

"Eh kasi tita Let mukha naman siyang mabait, tapos..tapos...parang ambilis naman ng relasyon niyo" nag aalangan kong sabi.

"Exactly! kaya ko hiniwalayan ang mokong na yun kasi nga bago palang kami iiwan na ako! kaya edi gora siya sa Canada kung gusto niya diba! basta ako dito lang ako sa hacienda"

"Bakit parang ang bitter ng pagkakasabi mo tita" biro ko, tumawa narin ang mga kasambahay na nakikisalo na saamin.

"Hoy hindi ha. At Brian marunong ka na sa mga bitter bitter ha" sabay irap sakin. Nagsalita naman si manong Bert na ikinatawa ng lahat.

"May mahal kasing iba si madam Letty, yung si Tino" tumawa sila at tumawa rin ako dahil naalala ko yung tino na tinawag kanina ni mommy na nagbukas ng gate matabang lalaki na wala ng ngipin.

Natapos ang gabi ng hindi ko inaasahan. Naging masaya at maingay na kabaliktaran ng nakagawian ko. Narealize ko tuloy na siguro nga mas magiging masaya talaga ako dito sa hacienda.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now