Chapter 9

4K 97 4
                                    


3 years later..

19 years old na ako at simula noong hinatid ako dito hindi na ako binisita ng mom at dad ko dito sa hacienda. Nakakatanggap lang ako ng tawag and text messages nila. Sawa narin ako sa mga excuses nila, na kesyo may mga meeting, na kesyo makikipagkita sa mga important client, at may mga important meetings sa ibang bansa. Napansin ko rin na nawalan na ako ng importansya sakanila kaya naman ibinuhos ko nalang ang oras at atensyon ko sa aking pag aaral, ang pagmamahal at pagbibigay halaga sa tita Letty ko na laging andyan para saakin. Tapos na ang 3 years ko sa college at buwan na ng Abril ngayon. Ibig sabihin may 2 months na vacation nanaman.

"So! last last year nag aral ka magdrive, last year naman nag aral ka mangabayo..ano naman kaya gustong pagkaabalahan ng dalagang pamangkin ko ngayon?" malambing na sabi ni tita Letty habang kumakain kami ng agahan.

"I think luluwas po muna ako ng maynila gusto ko pong isurprise sila mommy at daddy." biglang natigilan si tita Let pagkatapos ko itong sabihin. Hindi siya nagsalita. "Tita may problema po ba?"

"Ha? oh.. nothing Brian." sabi niya saka ngumiti ngunit saglit lang at sumeryoso ulit.

Letty's pov

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Brian kaya tumawag agad ako kay Susan.

"Hello?"

"Oh, Sis musta? asan si Brian?"

"Gusto ni Brian na magbaksyon diyan sa maynila." deretsong sabi ko.

"Sis sabihin mo na wala kami dito ng daddy niya. Mag isip ka nalang ng paraan, tulungan mo naman ako sis, hindi ko na kayang saktan pa si Brian da--"

"Susan kung ayaw mong masaktan si Brian sabihin mo nalang sakanya ang hiwalayan niyo ni Arman! naaawa narin ako sa bata na sa tuwing nakikita ko siyang napapatitig sa larawan ng pamilya niyo! maawa ka naman sa bata!"

"At ano sasabihin ko Letty. Ha? na ang daddy niya may kabit sa hongkong? at may anak na din na iba? na Brian anak good news may step brother ka na 1 yr old sa hongkong ganun ba?!" napapikit nalang ako sa sinabi ng kapatid ko na pansin ko rin na nahihirapan na sa sitwasyon, pero labis kong ikinabigla ang sumunod niyang sinabi.

"Letty may lalake na rin akong kinakasama, hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa ginawa saakin ni Arman. May anak na dalawa ang kinakasama ko ngayon, Sis please alagaan mong mabuti si Brian. Im really sorry sa nagawa ko."

Brian's pov

Pagkatapos naming kumain ng agahan napansin kong hindi kumikibo si tita Letty at umakyat agad siya sa kanyang kwarto. Naisipan ko na ikuha siya ng mga rosas sa garden na paborito niyang nilalagay sa vase para ilagay sa kwarto niya, napansin ko kasi na baka may problema siya dito sa hacienda.
Pagkatapos kong kumuha ng rosas nilagay ko ito sa vase at nilagyan kaonting tubig. Papasok na sana ako sa kwarto ni tita dahil bukas naman kaso bigla akong natigilan dahil sa mga narinig ko. Maya maya diko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Binaba ko nalang yung vase na hawak ko sa pinto at saka ako nagmadaling bumaba ng bahay. Nang makarating ako sa labas napansin ako nila manang lucy at manang betty.

"Oh maam Brian nagustuhan po ba ni maam Letty yung mga rosas? saan nga pala tungo niyo maam?" tanong ni manang lucy, tinulungan kasi nila ako kanina sa pagkuha ng mga rosas, buti nalang at nakatalikod nako nang mapansin nila ako.

"Sa manggahan po manang" sagot ko at nagmadali na sa pag-alis.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن