Chapter 25

3.7K 97 1
                                    


"Ate Lauren? pwede bang makuha ang address ni Rob? yung kaibigan ni Brad." kausap niya ito sa telepono.

"Sure, may condo unit iyon, kuha ka
paper sis and write it down nalang." kumuha ng papel at ballpen ang dalaga at isinulat ang address ni Rob. Yun kasi lagi ang paalam ng nobyo sakanya. Pupuntahan niya ito dahil tatlong araw ng hindi umuuwi ang binata.

Nang makarating siya sa Apartment na tinitirhan ni Rob huminga siya ng malalim. Nagdoor bell siya at nagulat ng may lumabas na babae, mukhang mataray ito, nakaroba lang ang babae at nahagyang nakataas ang kilay.

"Who are you?" mataray na sabi nito. Hindi naman nagpakita ng kahinaan si Eunice kahit nanlalambot na ang mga tuhod niya.

"I'm looking for Brad, is he inside?" taas noong tanong niya. Tinignan lang siya ng babae at saka ngumiti.

"Oh, I think kilala na kita, ikaw yung katulong tama ba? Illusyonada ka, feeling mo ba seseryosohin ka ni Brad? oo maganda ka, may looks kang maipagmamalaki, but I'm sorry darling hindi tanga si Brad na pumatol sa isang cheap na katulong." hindi pinansin ni Eunice ang babae at dere deretso sa loob ng unit, natuptop niya ang kanyang bibig sa nakita, may isa pang babaeng katabi si Brad, tulog na tulog ang binata nakayakap ito sa babae, lumipad ang paningin nito sa isang babae dahil hinila siya nito palabas ng condo unit, dahil sa gulat hindi siya nakapagsalita at tumulo ng tuluyan ang mga luha niya, wala na siyang pakealam kung magmukha siyang kaawa awa. Bumuntong hininga ang babae.

"Ikaw naman kasi, sa dami ng lalaki bat si Brad pa, hindi siya nagtatagal sa iisang babae, nakita mo naman diba, kaming dalawa pa ang nagpasaya sakanya sa buong magdamag." humagulgol na si Eunice, pati yata ang babae ay naawa na sakanya.

"You're beautiful, kahit sinong lalaki ay papatulan ka, hindi lang siguro si Brad ang para sayo, umuwi kana dahil baka may makakita pa sayong umiiyak, sabihin pa na inaaway kita." malumanay na sabi nito sakanya at saka pumasok na sa loob.

Naiwan siyang umiiyak, hindi na ata niya makakayanan ang sakit na nararamdaman niya. Kahit nanghihina ang mga binti niya pinilit niyang umalis sa lugar na iyon.

Pagdating niya ng bahay ay agad niyang kinwento kay Yaya Betty ang nangyari, nag empake na siya at nakapagdesisyon na babalik na sa pamilya niya, wala na siyang pakealam kung ituloy man ng kaniyang Ina na ipakasal siya kay Adolfo.

Nang makarating siya sa bahay nila ay sumalubong ang kaniyang Inang umiiyak, nagsorry ito sa lahat ng pasakit niyang naibigay sakanya. Sinabi rin nito na pinahanap siya ngunit hindi siya natagpuan, hindi narin siya nito ipapakasal sa kung sino sino at hahayaan siyang siya ang kusang magpakasal sa kung sinong lalaking gusto niya. Alam narin daw ng tita Letty niya ang paglalayas niya at lubos itong nag alala, nagbigay rin daw ito ng pera para sa isang business na nanaisin nilang ipatayo, hindi daw ito ginalaw ni Susan dahil gusto niyang si Brian ang magmanage ng kung ano mang business na iniisip ng dalaga dahil may tiwala daw ang Ina sakanya.

Nag aral si Brian, nagfocus siya sa pag aaral at nang makapagtapos ito ay nagpatayo ng isang Shoe Company, balak niyang gantihan ang Shoe Company na pagmamay ari na ngayon ni Bradley Cinco.

"Mataas po ang sales ma'am, wala pong duda nangunguna napo ngayon ang VS Company (Villa Shoe Company) nais po itong ifeature sa Top magazine, nga pala ma'am may meeting po kayo with Mr. Chan mamayang 3pm." sabi ni Duday ang secretary niya, asawa na ito ngayon ni Harry, noong nag aaral siya ay nakatanggap si Brian ng tawag galing kay Harry, ibinalita nito na nag open na ang PNP at magttraining na siya, nasabi rin niya dito na magpapakasal na sila ni Duday, kaya naman ng makapagpatayo siya ng Shoe Company hindi siya nag alangan na kunin si Duday na maging secretary niya. Nasa Maynila nakaassign si Harry kaya naman tinanggap rin ito ni Duday.

"Thank you Day." nginitian niya ang secretary niya.

"Sir number 3 na ngayon ang Cinco Shoe Company, bumagsak po ang sales kaya tayo pumapangatlo, nabalitaan ko rin sir na magkasundo raw ang may ari ng VS Company na siyang nangunguna at Wei Company na siyang pangalawa." naikuyom ni Brad ang mga palad niya, hindi siya makakapayag, mataas ang expectations ng parents niya sakanya. At nang ang mga magulang niya ang nagmamanage ng company ay ito ang nangunguna, hindi ito papayag na ngayong siya na ang may hawak sa company ay siya namang bumabagsak ang sales nito. Kinuha nito ang kaniyang telepono.

"Hello Lauren."

"Oh napatawag ka?"

"I need a new design, maglalabas ako ng bagong sapatos, ikaw na ang bahala sa design, i trust you." natuwa naman si Lauren sa narinig. Bumaling si Brad sa kanyang secretary.

"Sige na i have to go, gawin mo na agad ang designs, gumawa ka ng at least 10 designs, pipili nalang kami dun." ibinaba na niya ang kanyang telepono.

"May idea kaba kung sino ang may ari ng VS Company?" tanong nito sa Secretary.

"Kilala po ng lahat si Mrs Susan Villa at si Mr Arman Villa, bumagsak po dati ang business nila at napunta sa iba ang company nila. Nabalitaan ko rin po na naghiwalay ang mag asawa at nasa Hongkong na si Mr Arman may pamilya na po siya sa Hongkong. Sa ngayon daw po ang mag inang Villa nalang ang nagpapatakbo ng business nila kaso ang may ari daw po at ang Chief Executive Officer ay ang anak nilang babae at Chief Financial Officer naman si Mrs Villa. Kaso hindi pa pinapakita ang mukha ng CEO ng VS Company ang pangalan lang niya sir. Si Miss Brian Eunice Tan Villa." mahabang salaysay nito.

"Eunice?" takang tanong ni Brad.

"Yes sir, ang kaso mas kilala siya bilang Brian, hindi po niya ginagamit ang pangalang Eunice. Bakit sir?"

"Ganun ba. Wala may kilala lang akong nagngangalang Eunice. Thank you maaasahan ka talaga." sabi ni Brad, ngumiti at tumango lang ang secretary niya.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now