Chapter 11 (1/2)

3.8K 101 0
                                    


Harry's pov

"Tito Bert daan muna po ako sa mansyon para makapagpasalamat kay señora Letty, sasabay napo ba kayo saakin?" bumaling ako kay tito Bert na abala sa pag aayos ng damit, lumingon naman siya saakin.

"Una kana hijo, aayusin ko pa itong mga damit ni Betty, malamang nagdidilig iyon, dadalhin ko itong mga damit niya mamaya, kukunin ko narin yung mga maruruming damit niya para malabhan na dito sa bahay." sabi niya habang abala parin sa pamimili ng damit.

"Napakaswerte po ni Aling Betty sainyo tiyo, bat nga po pala hindi nalang kayo tumira sa mansyon?"

"Aba eh sayang naman tong bahay na to kung hindi rin ako titira dito, at saka malapit lang naman ang mansyon, konting lakad lang, ehersisyo narin. Aba'y ganun talaga kapag nag asawa kana, aalagaan at mamahalin mo ang iyong kapareha sa buhay. Ikaw kailan kaba mag aasawa? bente tres ka na rin wala ka pa bang nobya?"

"May liligawan palang ho, kaso mukhang mataray at mukhang suplada ang dating,  pero sigurado ako type rin ako nun, maniwala po kayo saakin. Balak ko nga po siyang hanapin mamaya eh, lilibutin ko po itong hacienda matagpuan lang siya." pagtingin ko kay tiyo nakatingin lang siya sakin na parang naguguluhan.

"Nasa hacienda kamo?" tanong niya.

"Oho, isang magandang binibini, matangkad at sexy pa." naimagine ko siya bigla.

"Si Duday?"

"Tiyo hindi ako magaaksaya ng panahon kay duday hindi ganun yung tipo kong babae. Tsaka mas mukhang lalake pa yun sakin eh, matangkad siya pero hindi siya maganda, gwapo siya gwapo, at yung korte ng katawan..hmmm hindi ehh mukhang lalake talaga eh. At tska wag niyo nga ako pinapartner dun tiyo mamaya kasi mag assume pa yun edi patay naman ako." ang tinutukoy ni tiyo ay isa sa mga nagbabantay at nag aalaga ng maisan dito sa hacienda. Hindi naman mapigilan ni tiyo ang matawa.

"Puro ka talaga kalokohan, hindi dapat itsura ang tinitignan mo sa babae, dapat yung puso at ugali, mabait si Duday at tuwang tuwa pa nang malaman niyang bumalik ka dito, mukhang patay na patay nga sayo eh, tsk tsk lumayas ka na nga dito at magpunta ka na sa lakad mo, pakisabi narin kay Betty na mamaya maya dating ko dun sa mansyon."

"Duday kayo ng duday eh, ang sagwa. O siya alis na po ako tiyo." paglabas ko ng pinto nakita ko si Duday na palapit  dito sa bahay, may hawak na plato na may laman na ulam iniabot niya saakin sabay hawi ng buhok niya at inipit sa kanyang tainga, nagpasalamat naman ako at saka pumasok ulit ng bahay hindi naman napigilan ni tiyo na mapahalakhak, nag antay pa ako ng limang minuto at saka lumabas para masigurong wala na si Duday.

***
Thank you po sa mga bumabasa sa gawa ko kahit alam kong boring siya. First time ko pong gumawa ng kwento, at dahil naumpisahan ko na siya tatapusin ko po ito kahit anong mangyari.. thank you po ng marami :)

-gildoza

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now