Chapter 44

160 3 1
                                    


Chapter 44

Let's End This

Narinig ko na sumarado ang pinto sa likod ko at nanlaki ang mata ko pagkakita ko kung sino ang nagsara nun.


"Anong ginagawa mo dito?!" Napaatras ako ng makita ko kung sino ang pumasok sa kwarto ko. 


"Shane, I need to talk to you.." Pakiusap niya saakin. Lumapit siya saakin pero lumayo ako.


I don't know what's with me but I felt so betrayed. Masama pa rin ang loob ko na pinagtaguan nila ako. "Cyrus.. I don't want. Umalis ka na, hindi pa ako okay. Everything felt so fast. Magulo ang utak ko." 


"Pero Shane, I can explain everything from start to finish.. Gusto ko lang humingi ng tawad sayo. Kung bakit nagkaganito." Nakatayo siya sa sulok at malungkot ang kanyang mukha. Si Cyrus Lee ba itong kausap ko na kaibigan ko dati? or alias Lee na tinatawag nila sa Red Dragon Gang?


"Paano ka nakalabas sa kulungan? Akala ko ba dinakip ka? Paanong nandito ka sa harapan ko at makipag-usap saakin?" Sunod na sunod na tanong ko sakanya.


"I was bailed Shane dahil hindi ako ang bumaril sayo.." He sighed. "I know, I'm sorry for leaving your brother alone, pero I had to go out." Napayuko ako at umiyak na naman ng maalala ko na nakakulong si Kuya lalo na siya'y mag-isa. 


Pinunasan ko ang luha ko at sumeryoso ang mukha ko. Stop crying Shane, magtanong ka na ng mawala na ang mga tanong sa utak mo.


"Plinano mo na ba ito? Na makipagkita ka saakin? Yung galing ka sa United States? Totoo ba yun? or isa yun sa mga kwentong barbero mo?" Inis na tanong ko sakanya. I can't believe na pinaniwalaan ko siya. 


"Everything was true Shane, galing talaga akong United States but I have to go back to the Philippines because of my parents.. That's when I started to join Red Dragon Gang Association." 


"Bakit nadawit ang kuya ko, Cyrus? Paanong... nasama kayo? Hindi naman kayo ganyan? Ang delikado ng grupo nyo. Akala ko it was just my speculation na yung tattoo mo, is from Red Dragon.. but I was right." 


"Matagal na ang kuya mo sa grupong yun, Shane." 


"Kahit na, sino ba ang leader nyo sa gang na yun? Siya ba? o may iba pang mas nakakataas?" Bigla siyang natahimik. Tumaas ang kilay ko. So meron pa silang leader bukod sa kuya ko? 


"Shane, I know this is too much but our leader is..." 


"Nak?! Paalis ka na ba?" Nagkatinginan kami ni Cyrus at dali-dali siyang nagtago sa gilid, bumukas ang pintuan at bumulaga saakin si mama na kakatapos lang maghugas ng pinggan. 


"Anong oras na ah? Anong ginagawa mo dyan at hindi ka pa pumapasok?" Tanong ni mama.


Nagkamot lang ako ng ulo. "Paalis na ako, may inaayos lang ako sa bag ko." 


Tinignan ko si Cyrus at nakatayo lang siya sa gilid habang habol habol ang hininga niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now