Chapter 33

748 21 12
                                    

Nakakalungkot. Walang nagcomment sa last chapter. Ganun na ba katagal yung last update ko? Hehehe. Sorry about that :(

Shane's POV

Nang makaramdam ako ng antok ay dumiretso na ako sa kwarto. Pahiga na sana ako ng kama ng makarinig ako ng tunog ng pinto. Awtomatikong napaupo ako at sa gulat ko. Si Keith ang nakatayo sa harapan ng pintuan ng CR. He's dripping wet, halatang kakagaling lang sa ligo and.. and.. agad akong nag-iwas ng tingin ng marealize ko na nakatitig pala ako sa mukha niya! Hindi sa mukha! Sa abs niya!

Kinapa-kapa ko yung gilid ng labi ko kasi baka may laway at nakakahiya pa. Baka sabihin ni Keith na pinagnanasahan ko siya, masyado pa namang mayabang tong lalakeng to.

First time ko lang makita si Keith na ganun at kahit masakit man aminin, ang hot niya! Muntik na akong maglaway sa nakita ko nun. Sino bang hindi maglalaway dun? Half naked tapos wet look? 6 pack abs? Full package na ata siya.

Napayuko na lang ako ng naglakad siya. Oh my God. Eto na ba yung sinasabi nilang temptation? Pwes, kung ito yun! Layuan nyo ako! Kasi kung hindi.. nakuu.

"Keith, magbihis ka nga!" finally! Nasabi ko rin ang gusto kong sabihin!

Tumigil siya sa paglalakad sabay tingin saakin. Umiwas na naman ako ng tingin kasi nakatuwalya pa rin siya. "Why? Masama bang maghubad? I don't have problem with that though." sagot niya saakin. Oo sayo wala pero saakin meron!

"Hindi naman kaya lang, malamig kasi. Baka mamaya magkasakit ka, mahirap na." Palusot ko sakanya pero sa totoo lang, naiinitan na ako! Kahit may aircon, ang init ng pakiramdam ko. Parang nakulong ako sa isang kwarto na walang bintana.

"Wow are you concern? How sweet." pangisi-ngisi niyang sabi. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Now he's sitting beside me at tanaw na tanaw ko ang magandang tanawin! Stop it Shane! Kung ano-anong naiisip mo eh!

"Concern mo mukha mo! Baka managot ako sa fangirls mo kapag nagkasakit ka, baka bukas wala na ako sa tabi mo at makita mo na lang ako natutulog sa loob ng kabaong!" pagbibiro ko.

"I won't let that happen." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at sinuot yung pantalon na dala-dala niya.Tumalikod ako kasi baka kung anong makita ko. "Why are you turning your back?"

"Tanga ka ba? Malamang nagbibihis ka! Anong gusto mo titigan ko yan?!"

He smiled devilishly. "Yeah. I want that." then he bit his lips na parang nang-aakit siya saakin.

Jusko. Hindi ko alam ang mangyayari kapag kasama ko ang lalakeng ito. Baka kung anong magawa kong kasalanan.

Sa sobrang inis ko ay tinarayan ko na lang siya at humiga ng kama. Pinikit ko yung mata ko dahil inaantok na ako pero biglang lumabas yung mukha ni Keith kaya napadilat ako. Bigla na lang tumalon sa kama si Keith at prenteng nakahiga na akala mo bahay niya to at kwarto nya to.

"H-Hoy! Sinong may sabi sayong dito ka matutulog?" ayan na naman. Nagsisimula na naman kaming dalawa.

"Pag-aawayan pa ba natin to nerd? I told you dito ako matutulog." mariin na sabi niya. "Kung ayaw mo, matulog ka sa sahig. I can't sleep in floors and such. I like being in bed you know."

Bahala na nga si batman. Mukha naman tong harmless kaya papayag na lang ako. "Fine! But maglalagay ako ng dalawang unan sa gitna natin, kapag lumampas ka may penalty." Oo na! Ako na OA! Pero playboy tong si Keith kaya dapat maging maingat rin ako.

"Tss. Penalty my ass. Fine."

"Siguraduhin mo lang ah." paninigurado ko. Hindi na siya nakasagot. Ang bilis naman niyang makatulog? Tss. Di bale.

10 minutes..20..30..40..1 hour.. Napabalikwas ako ng bangon. Di ako makatulog! Kada pumipikit ako, nakikita ko si Keith! Ano bang nagyayari saakin! Lumingon ako sa katabi ko, at tulog na tulog siya.

Bumaba ako at uminom ng gatas. Pagkaakyat ko ay tulog pa rin si Keith. Sana makatulog na ako. Humiga na ako, at nakatulog na rin.

<KINABUKASAN>

Hmmm. Ang sarap naman. Ang laki-laki ng teddy bear tapos ang init init pa. Hmm.

TEDDY BEAR?!! Kelan pa ako nagkateddy bear? Biglang dumilar yung mata ko at bumungad saakin si Keith na nakangisi. "Enjoying much?" Napatingin ako sa kamay ko at holy moly! Nakayakap ako sakanya! Bigla akong umatras at sumigaw ng... "AHHHHHHHHHHHH!!!"

"What the hell?! Why are you shouting?! It's so damn irritating!" tinakpan niya yung tenga nya ng unan.

Niyakap ko ang sarili ko at umatras.... "A-Anong ginawa mo saakin?!!"

"What the?!" Sigaw niya saakin with that irritated expression.

"Wag mo kong ma what the?! Sagutin mo ko! Bakit... Bakit ka nakahubad? Bakit ka nandyan? M-May nangyari b-ba?" tanong ko. Wala na akong maalala kagabi, yan ang hirap saakin eh. Makakalimutin ako sa mga bagay-bagay.

"WTF?! Anong tingin mo saakin rapist?! What the hell Shane, kahit maghubad ka diyan sa harapan ko, wala akong balak. You're not my type also.. And please, stop that expression of yours, as if I did something to you. Nakakababa ng tingin." Bigla na lang siyang tumayo, sinuot niya yung damit niya. "I have to go." Bigla na lang siyang nagwalk-out.

So ako pang lumabas na masama? Wow ha... Thanks for making me guilty Keith Del Valle. Nakakatuwa nga naman.

Bumaba na ako to find Keith but I found him sitting in the sofa, and.. And... "Kuya!" gulat na gulat na sigaw ko. Patay na ako neto. Kilala ko si kuya, alam ko kung anong iniisip niya. "Shane Sarmiento! Bumaba ka dito!" Uh-oh. He called me in my full name. Dahan-dahan akong bumaba. Okay Shane, ihanda mo na yang tenga mo sa sermon ni kuya.

"K-Kuya.." malambing na tawag ko. Kailangan kong pakalmahin si kuya kasi baka tawagan neto si mama, kapag tumawag eto kay mama ay lagot na ako! I'm so doomed big time!

"S-Shane, can you explain this huh?! Bakit may lalake ka dito sa bahay?! Nawala lang ako ng i,ang oras nagdala ka na ng lalake?! Kababae mong tao! Ikaw lang mag-isa dito sa bahay, at may lalake ka pa. Paano na lang kung mabuntis ka?!" nanlaki yung mata ko sa prangkang sermon saakin ni kuya. Namula yung mukha ko at nahihiyang tumingin sakanya. Tignan mo tong lalakeng to! Paano niya nakuhang kumalma after all of this! He looked at me tapos ngumisi. I mouthed. 'Tulungan mo ko dito.' Nagkibit-balikat lang siya.

"K-Kuya naman! It's not what you think! Hindi ko siya boyfriend okay? He's just a friend of mine. Masyado kang OA!"

"Friend? Are you sure? Bakit pagdating ko ay nakahubad siya and his hair looks so messy! How can you explain that?how about you? Tumingin ka nga sa salamin! Gusot gusot yung t'shirt na suot mo at gulo gulo ang buhok mo! You two look like na kakagaling lang sa sex!" Namumula yung mukha ko sa hiya. Tumingin ako sa salamin at tama nga si kuya! Para akong nirape sa itsura ko! But hindi ibig sabihin nun nakipag-sex ako! Grabe naman! Porket messy hair at gusot-gusot ang suot eh nakipag anuhan na! Diba pwedeng kakagising lang?

"Grabe ka Kuya, you jump in conclusions. Walang nangyari!! Masyado kang advance!"naiinis na turan ko. "Tss. Paano na lang kung magbunga yan Shane? Sinong kawawa? Ikaw diba? Paano na lang kung takbuhan ka niyang lalakeng yan?" sabay tingin kay Keith. Hindi ko na kaya! Kailangan ko nang paalisin si Keith! Hinila ko si Keith at sinabing."Keith! Umuwi ka na nga! Babye." Then sinarado ko yung pinto.

"Hindi pa tayo tapos Sarmiento, mag-uusap pa tayo." seryosong utos niya.

"Maka-Sarmiento naman to, parang hindi ka Sarmiento ha?" tumalikod na si kuya at umakyat na. "I'll talk to you later. Pasalamat ka pagod na pagod ako from work and my energy is depleted." Umakyat na siya sa kwarto niya at ako naman eto, hindi ko alam ang gagawin ko para mapaniwala si kuya. Knowing kuya, kapag naset na yung utak niya sa isang bagay, ganun na talaga yun. He's convinced.

*to be continued*

This is only a filler chapter. :) Pambawi ko lang.

Vote.Comment. Be a Fan
-xoxoTSLL:*

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now