Chapter 43

166 3 0
                                    

I decided na hanggang Chapter 60 itong story na ito or less. I hope matapos ko siya this 2017. Wala na rin itong sequel after this. :)

--------

Chapter 43


"Ang panget mo naman Shane! Lumayas ka nga dito!" Bakit ba ganun? Bakit ayaw nila saakin? Panget ba talaga ako? Bakit sabi saakin ni mama maganda ako? Ano yun? Sinungaling si mama?


"Pero, gusto ko lang naman makipaglaro sainyo, bawal ba yun?"


"Oo dahil una ang laki ng salamin at pangalawa panget ka! Di ka bagay dito!" Sigaw ni Tracy.


Lumapit ako sakanila. Masama lahat ng tingin nila saakin dahil naudlot ko ang paglalaro nila na bahay-bahayan.


"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sainyo eh.." Sabi ko.


"Sabi ng ayaw namin eh!" Bigla akong tinulak ni Tracy at napasubsob ako sa sahig. Narinig ko ang tawanan nila at napaiyak na lang ako habang nakita akong sinipa nila ang salamin ko.


"Bakit nyo na naman inaaway kapatid ko?!"


"Kuya Seb.." Ang salitang unang lumabas sa bibig ko pagkakita ko sa kuya ko habang inaaway niya ang mga taong nang-away saakin.


Lagi na lang talaga ako nagpapaaalamat na nandyan si Kuya Seb saakin at lagi akong pinagtatanggol sa mga taong nang-aapi saakin. Para saakin, si Kuya Seb ang hero ko.


Naramdaman ko na lang na dumilat ang mata ko. Malabo ngunit napansin kong kulay puti ang paligid ko.


Panaginip pala yun..


"Gising na siya! Call the doctors!"


Iginala ko ang mga mata ko. Nasaan ba ako?


Standing in front of me. Nakita ko si Keith. He was holding my hand. "Shane! Gising ka na!"


"A-Anong nangyari?" Tanong ko dahil may mga nakakabit na kung ano saakin at lahat ng myembro ng Black Scorpions nandito pati si Qim na umiiyak papunta saakin.


"Shane! Oh my god.." Umiiyak na sabi nito habang niyayakap ako.


"Ma?!" Namamalik mata ba ako? Bakit nandito si mama?


"Anak. I'm sorry.. Sorry ngayon lang ako bumalik, nak. Hindi ko kayo nagabayan ng tama. Hindi ko aakalain na darating sa ganitong sitwasyon." Gumilid silang lahat at lumipat ang mama ko saakin hindi ko aakalain na nandito si mama sa harapan ko.


"Ma.. ano bang nangyari?" Tanong ko.


The last time I remember, I was chasing BS car papunta sa isang warehouse.


Warehouse...

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now