Chapter 32

736 24 5
                                    

Shane's POV

"Sorry ha? Ito lang kasi yung kwarto na available. Yung kwarto kasi ni kuya, nakalock. Wala pa naman akong spare keys nun." Bat ba kasi nilolock ni kuya yung kwarto niya?! Yan tuloy! Wala na akong pwedeng kwartong ipahiram kay Keith. Paano to?

Hinihintay ko yung sagot niya, pero nagulat ako nung pumasok siya sa kwarto at biglang tumalon sa kama. "H-Hoy! S-Sinong may sabi sayong dyan ka hihiga?!" namumula na yung mukha ko di ko alam kung bakit.

"Akala ko ba ito lang ang kwartong available dito? So I guess dito ako matutulog?" mayabang na sagot niya. Napabuga na lang ako ng hinga. Gosh! I can't stand him! Tsk! Akala mo siya yung may-ari ng bahay na ito kung makaasta!

"Oo nga diyan ka but sa sahig ka! Ako sa kama! Kwarto ko to okay?! Kwarto ko! So ako ang magdedesisyon kung saan ka matutulog! Okay?!"

"It's not okay with me." diretsong sagot niya. Ano daw?! It's not okay with him?! Eh saan ako matutulog?! "Saan ako matutulog?!"

"Dito." tinap-tap niya yung tabi niya.

"A-Ayoko nga! Ano ka hilo?! Ayoko! Umalis ka diyan! Kama ko yan! Dito ka sa sahig!" pinaglalaban ko talaga na ako ang hihiga sa kama. E kasi naman, hindi ako natutulog na may katabing lalake and worst, kaibigan ko lang!

"Tss. Wag kang feeler. Wala akong gagawin sayo. Tsk. Wala ngang laman yung sayo. Maswerte ka nga, nakatabi mo pa ako, yung ibang babae nga, nagkakandarapa para lang makasama ako eh. Mag-iinarte ka pa?" Mayabang na sabi niya. Napamura na lang ako sa inis!

"PWES IBAHIN MO KO SAKANILA!" galit na sabi ko.

He's really getting on my nerves! Aba't! Kahit gwapo siya at hot, e hindi ako papayag na magtatabi kami! Conservative akong tao kaya ayoko. Atsaka ano daw?! Walang laman?! How dare he!

Ngumisi siya. "So what are you waiting for? Mag-iinarte ka pa? Tabi ka na lang kasi. Don't worry I won't bite." humalakhak siya ng mahina. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Kinuha ko yung unan sa gilid at hinampas ko sa mukha niya. Hindi man lang siya natinag. Kaya nilakasan ko yung hampas ko. Hinawakan niya yung right hand ko. "Stop it!"

"No! Ayoko nga! Hangga't hindi ka aalis diyan!" pagmamatigas ko sakanya kaya pinagpatuloy ko yung paghampas sakanya. "Ayaw mo ah." Wrong move! Bigla niyang hinila yung kamay ko at...

O____O

Mahabang katahimikan. Natulala ako dahil sino bang hindi magugulat?!

Ikaw ba naman hilain and worst, I'm on his top!

Napalunok ako dahil onting onti na lang ay maglalapat na yung mga labi namin. Pati rin siya ay natahimik, ngayon ko lang siya natitigan ng ganito katagal at napansin kong nakatingin siya sa lips ko pati na rin ako! Ay shet ka! Bat tumitingin ka sa lips niya?! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nung marealize ko kung gaano kaawkward yung position namin ay agad akong tumayo.

Nag-ehem siya at umayos ng upo. Ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya. "B-Bababa lang a-ako." tumalikod na ako at nagmamadaling bumaba.

Tumambay ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pawis na pawis ako at uhaw na uhaw.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakainom ako ng tubig, nagulat ako nung pagsara ko ng ref ay nakasandal si Keith sa dingding. Napaatras ako sa gulat. Umiwas ako ng tingin nung naalala ko yung nangyari kanina.

"B-Bakit gising ka pa? A-Akala ko ba matutulog ka na?" Pagpuputol ko ng katahimikan.

"I can't sleep." sagot niya. "That's why I followed you here. Ano bang pwedeng gawin dito para maantok ako?"

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now