Chapter 36

374 17 1
                                    

Sorry if it's not that long. Sorry rin if ngayon lang ako nag update. Na writer's block kasi ako and I'm trying my best na mag update. Thank you!

Chapter 36
Who are you?

Hindi ako nagkakamali, tattoo ng Red Dragon yun!

"Why? Is there anything wrong Shane?" Hindi ko napansin na nakatitig na saakin si Cyrus. Slowmo akomg tumingin sakanya.

"Uhmm. Hindi mo pala sinabi saakin na may tattoo ka." Nangangapa kong sagot.

Napatingin sya sa kanyang tattoo. "Why? You hate tattoos?"

Umiling ako. "Hindi. Ang ganda nga eh. San ka nagpa tattoo?" Usisa kong tanong.

Buti na lang hindi nya nahahalata na naaalibadbaran ako sa tattoo niya. Para akong detective dito sa kakatanong.

Tumawa siya. "In the States. Blame my cousin! Ang angas kasi kaya nagpatattoo na rin ako."

"Cyrus, can I ask something?" Kinakabahan kong tanong. Tumango lang siya.

"Diba if may tattoo ka, it represent something? Like if nagpatattoo ka it's dedicated to someone like that? Gusto ko lang tanungin if--"

"If what's the meaning behind this?" Tumango ako.

Nilapag nya ang mga pagkain sa table at nagsalita. "It represents bravery Shane. I don't know, nung namimili ako ng designs, eto ang nagustuhan ko."

Tama Shane, wala lang yan. Coincidence lang talaga yan. Hindi ganun si Cyrus pero hindi eh, sobrang tagal ko na sya hindi nakakasama. Maraming nagbago. People change ika nga.

"Really? Not like organizations and groups?" Minsan ang sarap tuktukan ng sarili ko! Napakadaldal ko eh. Napakunot ang noo ni Cyrus na parang naguluhan sa tanong ko.

"Wala.. I don't have groups or organizations. Bakit mo naman natanong Shane?" Sabi niya sabay subo ng pagkain, mabuti naman at nag t'shirt na sya.

Nangangapa ako ng salita, eh sa biglang lumabas lang sa bibig ko yun eh!

"Ah eh, nacurious lang naman Cy! Ano ka ba! Namiss rin kita no! Tagal tagal na rin natin hindi nakasama, tas bihira ka lang magpakita saakin." Sumimangot ako at iniba ko ang usapan. I don't want him to be suspicious.

"Ganun ba? Sorry ha. I have many things to do." Sagot ni Cy.

"Many things to do?" Tanong ko.

"Y-Yes.. My mom is going here in the Philippines kasi may business sya dito. Alam mo naman ako, good boy." Tas nagwink sya saakin at tumawa ng maloko. Napapailing lang ako sa mga pinagsasabi niya at tinuloy ang pagkain.

Tawa kami ng tawa ni Cy habang tinititigan namin yung mga pictures namin before, like I told you kababata ko si Cy at matagal din ang aming pinagsamahan. Nagmigrate lang talaga ang family niya sa US kaya iniwan niya ako.

Natutuwa ako na hindi kami nagkailangan ni Cy, di katulad ng iba.

"Naalala mo yung hinabol tayo ng aso dati? Grabe! I almost died at that!" Sabi niya ng tawa ng tawa. "Oo nga. Matatakutin ka nga sa aso right? Daig mo pa ako!"

Habang patagal ng patagal ang oras. Naisip ko na I'm too crazy to think na ganung klaseng tao si Cy. He's too far para maging isang member ng gang. Hindi rin naman rare yung ganung klaseng tattoo. Maraming tao ang may dragon tattoo. Tsk tsk.

I feel so bad tuloy, parang ayokong harapin si Cy sa mga naiisip ko sakanya.

Sabihin ko kaya? Ay wag na lang. Baka lumayo eh.

"Cy. Uwi na ako. Baka magalit si kuya." Paalala ko sakanya. He jumped out of the bed at kinuha ang kanyang jacket. "Sige. i'll come with you."

"Ha? Wag na! Kaya ko na sarili ko." Pamimilit ko pero sadyang mapilit si Cy at wala akong nagawa. Kinuha nya ang car keys niya at hinatid niya ako pauwi.

Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa baba siguro inaantok na ako at gustong gusto ko na matulog. "If you're sleepy. Just sleep. Gigisingin na lang kita."

Tumango lang ako at tumingin ulit sa baba. May humihila saakin na tumingin sa baba. Parang may napansin akong kakaiba. May kumikinang eh. Ano yun? Tinignan ko si Cyrus pero diretso ang tingin niya sa daan. Sinilip ko ulit yun at inusog para makita ko ng malapitan.

At halos manlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang baril! Buti na lang at napigilan ko ang aking sarili at hindi napansin ni Cy yun. Sinilip ko pa at may nakita akong kutsilyo.

Hindi ko alam ang iisipin ko ngayon pa lang.

Naguguluhan ako lalo.

Cyrus? Sino ka ba talaga?

--------------

Vote. Comment.
Sana may magbasa pa.
-xoxo, TSLL

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now