Chapter 21

1.7K 31 8
                                    


Shane's POV

"Shane ano ba! Wag mo nang habulin si Keith dahil kaya na nya yun!" Hinawakan ako ni Rain sa braso para pigilan ako sa paghabol kay Keith. Hinampas ko sa ere yung kamay ko para mabitawan nya. "Wala kang pakielam!"


Sa mukha pa lang ni Rain, alam kong naiinis na sya saakin. "Baka mapahamak pa lalo si Keith sa ginagawa mo alam mo ba yun?!"


"Nag-aalala lang ako! Baka patayin ako ng konsensya ko kapag may nangyaring masama kay Keith!" Sa sobrang inis ko nakagawa ako ng bagay na pinagsisihan ko agad.


Control your mouth Shane! "W-What?! Don't tell me may gusto ka na kay Keith?!" Di makapaniwalang tanong nya.


"W-Wala ah! Tss! Bitawan mo nga ako!"


"Shane! I'm telling you, mas lalong mapapahamak si Keith at baka pati ikaw masali ka."

Parang kinabahan naman ako sa sinabi nya. Ano bang meron?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Tagatak yung pawis ko pagdating ko sa gym. Halos ubusan na ako ng hininga sa kakahabol ng hininga ko. Libutin ba naman yung buong school para lang hanapin si Keith Del Valle? Sino bang hindi mapapagod dun?


"Wahhh! Ang galing ni Keith!"
"He's so wafuuu! *O*"
"Hanlaa! Ang galingg!"

Hindi ko pinansin ang mga naglalandiang babaeng nagtititili para sa practice game nila.. Ang alam ko, target nila si Keith after ng practice niya ay nasa gate na sya.


Paano ko ba sasabihin to?


"Hep! What are you doing here bitch?!" Pigil saakin ni Graciella, habang nakacrossed arms.


"Pwede ba Graciella? Wala akong oras na makipag-away sayo! Kaya kung pwede ay umalis ka na sa harapan ko!"


"At may gana ka pang sumagot saakin ha! Eto sayo!" Napahawak ako sa mukha ko nung buhusan niya ako ng juice. Lahat ng tao ay napunta ang atensyon saamin, natigil din yung game.


"Inaano ba kita Graciella?! Bakit ka ba ganyan ha?!"


Tumawa sya ng malakas. Yung tawang pang-asar. "Tss. Don't act as if you did nothing. You shameless flirt! Pati ba naman si Keith aagawin mo saakin?! How could you!!"


"Sabi sainyo malandi yan eh!"
"Yeah right! Akala mo tahimik pero nasa loob naman pala ang kulo!"
"Gusto niya ata akitin lahat ng Black Scorpion!"
"Kaya nga!"


Hindi ako makapaniwala na ganun lang nila kadali na husgahan ako. Gusto kong umiyak dahil hindi naman totoo yung mga sinasabi nila. Hindi ako nang aakit, hindi rin ako flirt at mas lalong hindi ako bitch.


"Ciella! What is this scene?!" Lumingon ako kay Keith at ganun na lang ang pagkagulat niya nung makita ako.


"T-that b-bitch!" Tinuro nya ako. "S-she s-she is hurting me!" Para syang batang nagsusumbong sa tatay.

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now