Chapter 15.1

1.9K 30 2
                                    

**Chapter 15**

Shane's POV

"San mo ba ako dadalhin Qim? Ikaw ha. Nag cutting pa tayo. Lagot tayo nito. Baka ma principal's office tayo." pagbabahala ko. Eh kasi tong si Qim kung saan-saan pa ako dinala-dala.

"Sa Mall lang tayo Shane. OA mo naman. Saglit lang naman." wow ha. parang wala siyang ginawa .

"Eh ano ba kasing gagawin natin?! 1 subject na lang yun oh. Bakit hindi pa natin maghintay na mag-uwian?" 

"Nakakayamot yung subject ni Ms. Peralta eh, excited na ako na ikaw ang maging Queen of the Night."

Kumunot yung noo ko. Sabay turo sa sarili ko."Ako? Queen of the Night? Haha!" 

"Syempre ang ibig sabihin nun, gagawin kitang pinakamaganda sa party na yun. " 

"Ehhh Qim! Ayaw ko! Nakakatamad! Kung anong kaek-ekan ilalagay mo saakin! tas masakit pa!" 

"Sa simula lang yun! Masasanay ka rin! Wag ka ng maarte!" 

"Kahit na!" pagmamatigas ko. patigasan ng ulo yung dito eh -_-

"Sige ka.. Kokontakin ko si papa Keith para buhatin ka.." ilalabas niya yung phone niya ng hawakan ko ito. "Sige na nga!" 

"Ayun naman pala eh, bibigay ka rin." 

"Tse! Pasalamat ka bestfriend kita!" 

"Ang sabihin mo, nahihiya ka lang kay Keith. haha!" tinarayan ko nga.

Unang punta namin ay sa dress shop. "Dress? Seryoso ka Qim? Nakakahiya ayoko nga!" conservative po akong tao. ayaw ko po ng naka dress, pakiramdam ko anlandi-landi kong tignan. 

"Aish! Wag ng choosy sis! Hindi yan. Party lang naman yun. Marami rin magsusuot ng ganyan kaya ok lang." 

"Sige na nga." in the end sumuko na rin ako, tutal marami naman akong kasama na magsusuot ng ganito kaya oks lang.

"Ayan! Maganda ka ng tignan! Tignan mo! Di naman ganoon kaikli! OA ka lang." 

"Oo na." buti na lang hanggang knee yung dress. Pero medyo uncomfortable ako . 

"Sunod naman natin ay yung accesorries shop kaya gora na!" 

Sumunod na lang ako kay Qim, hayss, this going to be a long long shopping . sabagay may kaya naman si Qim. hoho! libre naman. 

"Ito, ito, ito bagay sayo too!" sabay-sabay niyang inabot lahat ng pinili niya para saakin. muntik na akong maimbalance eh. 

"Ok na to Qim. Sobra-sobra na to." sabi ko sakanya. Sayang lang sa pera. mag mumukha naman akong tanga kung maraming borloloy sa katawan diba? 

"Kailangan mong magpaganda. kahit papaano no. at para lalo ng mainlove si papa keith sayo no. ayieee." pakiramdam ko namula yung pisngi ko. .and parang lumulundag yung buong pagkatao ko. what is happening?

"Stop it Qim! Ayokong binabanggit mo ang pangalan niya!" parang ang bitter ko naman ata?

"Bitter lang te?" 

"Whatever you say Qim. Halika na nga at bayaran na ito." sabi ko sakanya. Naiinis na ako, I don't want to mention his name! Ok, hindi ako galit kay Qim. Hindi pa rin maialis yung galit ko sakanya, pagkatapos ng ginawa niya saakin. 

After naming bayaran yung pinamili niya, parang nabadtrip ako. "Oy Shane, Sorry na. Promise hindi ko na ibabanggit yung pangalan niya. Akala ko kasi bati na kayo.." 

I sighed. "Sorry din ok? Ayoko lang talaga sakanya. Nababadtrip lang ako sakanya. Kumain na lang tayo ng ice cream bago pa ako mabadtrip ulit." 

Kumain na lang kami ng ice cream sa ice cream parlor. "Uhmm, Shane. Ok ka na ba?" 

I smiled. "Oo naman. Ano ka ba, It's fine with me. Nothing else. Promise." 

"Yey! Kala ko galit ka talaga saakin bes. Alam mo naman, but still I'm very happy for you! you know what? masaya ako na nasurvive mo yung mga pang bubully sayo nila... Gustong-gusto ko talagang ipagtanggol kita. kaya nga mahal na mahal kita bes eh." ngumiti lang ako.

"Aww. answeet talaga ng bestfriend, kaya nga naging bestfriend kita eh." 

Naghug kami. sabay tawa ng malakas! parang akala mo new bestfriend lang eh??

After nun, umalis na rin kami. "Pupunta pa ako sa bahay mo bes ah, aayusan pa kita." 

Tumango lang ako. "Oo na. Pa Queen of the Night ka pang nalalaman." 

Sumakay na siya ng tricycle habang naglalakad lang ako kahit yamot na yamot akong maglakad, naglakad pa rin xDD

May naramdaman akong humawak sa balikat ko at nagulat ako. Lumakas yung tibok ng puso ko dahil sa takot na inaakala ko na kung sinong masamang tao. "Ikaw lang pala Rain, tinakot mo ako."

"Sorry to tell that, pero can I talk to you in private?" 

Hmm. Ano naman kaya sasabihin neto ni Rain? Tungkol ba kay Keith? Nakoo. Ayoko na.

"It's not about Keith, Shane." ano yun? nababasa niya isipan ko?

"Not exactly. It was written all over your face." 

"Wag mo nga akong inienglish Rain! Nose bleed ako sayo eh!" 

"Ok. Saan ba?"

"Sa kotse lang." tumango na lang ako.

tungkol saan kaya yun? at parang kinakabahan ako?

....to be continued...

will update tomorrow xDD seryoso. 

twinklestarlalove vote comment 

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now