Chapter 9

2.5K 37 3
                                    

** 

Chapter 9

Naglalakad lang ako mag-isa papuntang school. Maya-maya naramdaman kong may kumakalabit saakin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad, dahil baka myembro ito ng isang gang. maraming modus kasi ngayon. patuloy pa rin ako sa paglalakad. bakit ba kasi naglakad ako? sana nag-taxi na lang ako. konti pa lang kasi yung tao dito.

"Hoy!" kalabit pa rin siya ng kalabit. ay bahala na! lumingon ako at may nakita akong isang katangkaran na lalaki, maputi siya tas gwapo. "Nahulog mo yung notebook mo. Kanina pa ako kalabit ng kalabit sayo, manhid ka ba para hindi maramdaman?" hala! nagalit ata si kuya. hmm. kung titignan mo, mukha siyang mayaman, sa panunuot niya pa lang pero kahit na baka ukay-ukay lang yung damit niya! tinignan ko siya. teka?! parang familiar sya saakin..

Tinignan ko kung anong hawak niya at hawak-hawak nya yung physics notebook ko. Agad ko itong hinablot at yumuko. "Sorry. Maraming salamat pala. Mauna na ako ingat." agad akong tumalikod at nagmamadaling lumakad.

Pero hinablot niya yung braso ko. "Sa tingin mo ganun-ganun na lang yun at papaalisin kita?" ito na nga ba sinasabi ko eh, holdaper to eh! 

"Kung pera kailangan mo, pwes, wala kang maagaw saakin kahit isa. wala akong pera. kung gadgets naman, wala ako nun. mahirap lang ako. kaya maghanap ka agad ng iba, nagkamali ka ng ninakawan." tinanggal ko yung pagkakahawak niya yung braso ko. 

"SHANE!" napatigil ako sa paglalakad ko at nanlaki yung mata ko. paano niya nalaman yung pangalan ko? sino ba siya?

"SHANE! SHANE!" ulit niya pa. kunwari wala akong narinig at nagpatuloy sa paglalakad.

"HOY SHANE NA NAKAGREEN NA PALDA! LUMINGON KA DITO!" dinescribe pa ako.lahat tuloy ng tao dito nakatingin. kakahiya!

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakangisi. Lumapit siya agad saakin. "Shane, mukhang hindi mo ata ako nakikilala?" tanong niya agad. Kumunot yung noo ko. Hindi ko naman talaga siya kilala. sino ba sya?

"Hindi naman talaga kilala, sino ka ba? Atsaka paano mo nalaman pangalan ko? Stalker kita no?" 

"Tss. Hindi mo talaga ako naalala, sabagay. matagal-tagal na rin yun." sabi niya. "Teka, sino ka ba?! sabihin mo na kasi. malay mo maalala kita." 

"Sige na nga. Ako to si Cyrus. Cyrus Lee." cyrus lee? sino naman yun?

Napakamot ako ng ulo. "Cyrus Lee? Wala akong kilalang ganun ang pangalan. Baka nagkamali ka lang ng babaeng natawag mo. Una na ako bye." hinablot niya ulit yung kamay ko.

"Sandali lang.. alam kong ikaw yun kasi ito oh.." may pinakita siyang picture ko.  prof pic ko yan sa fb ah?! stalker ko ba talaga to?! Tumingala siya sa itaas na panguwari'y nag-iisip. "Ah oo nga pala, ako to si pokemon. naalala mo? si pokemon?! childhood friend mo, ako to!" pokemon?! wahh! nasa harapan ko na pa si pokemon?!

"Pokemon?! Wahh! Ikaw yan!! Grabe namiss kita!" agad ko siyang niyakap. "Naalala ko kasi na hindi ko pala sinabi yung pangalan ko sayo. haha!"

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now