Chapter 25

1.9K 32 5
                                    

**Chapter 25**

Shane's POV

So far maayos naman yung gising ko. Pagkatapos kasi nilang umalis, wala nang gumulo saakin.


Pero maraming tanong ang bumagabag sa isip ko eh.


Una, bakit ganun? Bakit ako pinapalayo ni Keith kay Cyrus?


Pangalawa, Bakit nandun si Cyrus? Agad-agad?


Pangatlo, anong misteryoso sa Red Dragon Gang?


Ahhhhh!!! Ayoko na nga!! Masyadong sakit sa ulo!! Nahihilo na ako!!


Makababa nga muna, nagugutom na ako eh >____<


Pagbaba ko ng hagdanan, nakita ko si kuya ay nagbabasa ng newspaper... "Uyy kuya. Wala ka bang pasok ngayon?"


"Princess! Gising ka na! Nagluto ako ng almusal natin." Napakunot ako ng noo. Ibang-iba kuya ko ngayon ah! Ano kayang meron?


Umupo ako sa lamesa at nagsimulang kumain ng hotdog at itlog. Isinantabi ko na lang yung thought na yun at kumain na lang. Mukhang mabait si kuya ngayon ah? Bakit kaya? Itanong ko kaya? Wag na baka masira ang moment tsaka na lang. Weird lang kasi na ganun ka, ang saya saya ng kuya ko e laging seryoso yan at trabaho inatupag. Namiss ko tuloy si mama...


"Ah Kuya! Kamusta na si mama?"


"Mama is fine. Malapit na daw siyang umuwi.." Napangiti ako sa excitement sa sagot ni kuya. Nakakamiss kasi si mama! Matagal tagal na rin kasi kami di nag-usap, di ko naman makontak yun dahil busy ako sa school.

"Wow talaga?! Excited na ako sa pag-uwi ni mama!"

Isang ngiti lang ang binigay ni kuya saakin tas balik sa pagkain.

Umakyat na rin ako sa kwarto ko para maligo at magbihis ng uniform. Thank God it's Friday! Bukas walang pasok! Sobrang saya! Kaya naman ganang-gana ako maligo ngayon..

Chineck ko muna sarili ko sa salamin. Nanlaki yung mata ko ng may makita akong pimples sa pisngi ko... Puputukin ko na sana to kaso naalala ko na bawal pala putukin dahil baka rumami! "Bakit bumalik na naman kayo pimples? T^T" frustated na sabi ko.. ewan ko ba kung bakit naging paranoid na ako sa sarili ko, hindi naman ako ganito..

Paano ko ba tatanggalin ito? Kasi naman eh.. yan ang hirap saakin, walang alam sa mga paganda-paganda chuchuness. Wala naman akong pake kung panget ako sa paningin nila or what. Hinalungkat ko yung mga gamit ko sa tokador, baka sakaling may makita akong pantapal.

Nasaan na ba yung BB CREAM?!

Hoy! Don't get me wrong ha? Binili lang saakin to ni Qim! Hindi naman ako palaayos kaya hinayaan ko na lang at di ko ginamit! First time ko lang to gagamitin promise!

Pahid.. pahid.. Ayan okay na! Hindi na masyadong halata!

Bumaba na ako sa hagdanan, inabutan naman ako ni kuya ng allowance, kiniss ko siya sa cheeks bago ako lumabas..

Paglabas ko ng bahay namin nakita ko si Keith nakasandal sa pader.

"Keith? Ikaw ba yan?" tanong ko. Nakakagulat lang kasi pumunta dito si Keith!

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now