Chapter 37

468 21 7
                                    

Chapter 37
On the lips


Naging busy ako the next few days. I barely eat that much kasi malapit na ang pasahan ng research namin at nandito ako sa harapan ng desk ko mag-isa. Halos mabaliw na ako dahil ang mga kagrupo ko ay walang kwenta! Tinatawagan ko sila pero walang sumasagot.

Halos maiyak na ako dito sa library dahil walang tumutulong saakin. Kung tutulong man sila, ay sa room lang pag kaharap ang teacher namin pero pagdating sa labas ay saakin nila inaasa ang lahat!

Ilang araw na since huli kong nakita si Cyrus at pagkatapos nun ay di ko na sya nakikita at pati na rin si kuya na hindi na rin umuuwi ng ilang araw. San kaya nagpunta yun?

"Shane.." Halos malaglag ako sa upuan ng marinig ko ang boses ni Keith! Nanlalaki ang mata ko ng kumuha sya ng upuan at pumwesto sa harapan ko.

"W-What are you doing here?" Tanong ko. Inayos ko ang salamin ko dahil nacoconscious ako sa pagtitig niya saakin. "I'm here. Sitting in front of you."

"Wag kang pilosopo. Kung wala kang sasabihin, umalis ka na sa harapan ko at may ginagawa pa ako." Sabi ko. Bago pa man ako makapagsulat ay madali niyang hinablot to. The fck?! Ano bang problema nya?

"Ano ba Keith! The due is the next three days and wala pa to sa kalahati! Now if you're going to disturb me umalis ka na sa harapan ko! I'm focusing myself in here!" Inis na inis na sabi ko at tsaka ko lang nalaman na may tumutulo ng luha sa mata ko.

Maagap syang tumayo at akmang lalapitan na ako kaso pinigilan ko sya at pinunasan ko ang sarili kong luha. "I'm s-sorry.." Mahinang sabi niya. Tumayo ako at inayos lahat ng gamit ko. Patuloy pa rin ang luha ko sa mata.

Tae. I hate myself for crying like this. Sa pagod lang siguro to at sa feeling na hindi ka tinutulungan ng mga kagrupo mo. I feel so unfair pero I have no choice since kailangan kong makapasa.

Bago pa man ako makalabas ng library ay hinarangan ako ni Keith. Sinamaan ko sya ng tingin. Di talaga makuha sa tingin ang lalaking to eh!

"Give me the list." Hindi yun favor kundi utos yun. Tumaas ang isang kilay ko, "list of ano?"

"The list of the members." Sabi niya at inilahad niya ang kanyang kamay. Kumunot noo ko. Trip na naman neto at gusto niyang ibigay saakin ang listahan ng mga members ko sa group?

"Para saan?" Nagtatakang tanong ko. Sumama ang tingin nya saakin. "Just give me the goddamn list!" Sigaw niya. Nagulat ako at dali-dali itong ibigay sakanya.

Hindi na nya ako pinatapos at agad siya tumakbo papalabas ng library. Nagsign out na ako sa library at takang-taka sa mga ikinikilos niya.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Rain na nakaheadphones at mukhang may inaantay. Nilapitan ko sya at tinawag ko atensyon niya. Pinatigil niya yung tugtog at kinausap ako. "Shane, may kailangan ka?"

Umiling lang ako. "Wala naman. Eh ngayon lang kasi kita nakita eh."

Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi. "I'm sorry. Medyo busy kasi eh."

"Bakit naman busy ka?" Tanong ko. Parang hindi niya ako nakarinig at biglang tumunog ang cellphone niya. Mukhang may tumatawag kaya lumayo muna sya.

"Ok.. Ok.. I'm gonna go there! Just wait! I'm on my way!" Nagpaalam siya saakin at humahangos na tumakbo papalabas ng gate.

Nagkibit-balikat lang ako at nilagay ang gamit ko sa locker. Iba talaga kapag nasa isang gang. Ang daming responsibilidad na kailangan gawin. Minsan malalagay pa sa alanganin ang buhay mo. Hay buhay.

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now