Chapter 40

289 7 1
                                    

Halos mabuga ko sa mukha niya yung pagkaing kinakain ko... Ubo ako ng ubo dahil nabilaukan ako.

Agad siyang tumayo at hinagod niya ang likod ko. Inabutan niya ako ng tubig at ininom ko ito. Parang may kuryente sa kamay niya at lumayo ako!

"A-Are you okay?" Tanong niya. My god! I think I'm dreaming!

"Ah..ehh..." Nangangapa kong sagot. Hindi ako makatitig sakanya at nakayuko lang ako. Randam kong namumula ang mga pisngi ko.

"I'm sorry Shane but I won't regret what I said.." Seryosong sagot niya. "Alam kong nabigla ka. I really want to tell everything before pero natotorpe ako. Ngayon lang lumakas ang loob ko sabihin lahat... This is too sudden kaya I won't pressure you."

Nako Shane! What did you do to him! Di ko naman sya ginayuma!

"Nakadrugs ka ba?" Sagot ko sakanya.

"You're ruining the moment." Sabi ni Keith habang nakabusangot saakin.

Napatayo ako. "Keith, alam mo kung nantitrip ka lang. Tama na. Kasi ayoko sa lahat pinaglalaruan ang feelings ko!" Inis na sabi ko sakanya pero siya ay nakatingin lang saakin.

I have trust issues simula nung lokohin ako ng ex ko. Narealize ko rin na panget ako at walang lalaki ang mafafall saakin. Tapos Keith Del Valle pa? Halatang pinagtitripan lang ako!

"Shane. Hindi ako basta-bastang lalake na nagsasabi na gusto kita. Matagal ko itong pinagisipan Shane. Please believe me." Sabi niya ng lapitan ako para hawakan ang kamay ko. Ako naman tong si tanga hinayaan ko lang siya.

Pagkatapos nun ay hinatid na niya ako saamin. Pagdating namin dun ay nakita ko si Kuya na nakabusangot at ang sama ng tingin. Nakita niya kami na papalabas ng kotse. Agaran itong lumapit pero kay Keith at bigla niya itong sinuntok.

"Tarantado ka talaga! Wag mong ipuntirya ang kapatid ko sa mga kalokohan mo!" Napasigaw ako at akmang lalapit ngunit pinigilan ako ni Keith at tumayo ito habang hawak-hawak ang labi nitong pumuputok.

"Kuya! Tama na! Sumama ako sakanya! Pasok na tayo! Keith umuwi ka na!"

Bumalik ang tingin saakin ni Kuya at nanlilisik ito. Ngayon ko lang ito nakita na ganito kagalit na parang may pinaghuhugutan. "Manahimik ka Shane! Napakatigas ng ulo mo! Sinabihan na kita ngunit di ka nakinig!"

"Shane. Just go. I deserve this." Sabi nito habang iniinda ang sakit ng suntok ng kuya ko.

"Ayoko Keith! Umuwi ka na! Kuya ano ba! Ako na lang magpapaliwanag!" Ngunit hindi ito nakinig at akmang sasapakin ulit si Keith ng harangan ko ito at lumapit kay Keith. "Kuya! Pag di ka tumigil sasama ako kay Keith!" Pagbabanta ko at ako pa ang humarang sa gitna.

"Lintik na yan Shane! Lumayas ka diyan!"

"Shane, please. Sumunod ka na sa kuya mo." Bulong nito saakin.

"Tama na kasi Kuya! Tara na pasok na tayo sa loob! Sa tingin mo ba matutuwa si mama sa mga pinaggagagawa mo?" Natahimik ito. Ayaw na ayaw ni mama sa lahat ay ang manghimasok si Kuya sa mga ginagawa ko na alam ko naman na hindi makakasama. "Umuwi ka na bago pa magbago isip ko." Tahimik na umalis si Keith at pinaandar ang kotse niya.

Samantalang si Kuya ay tumalikod na at nilampasan ako. Napabuntong hininga ako at pumasok na rin sa loob.

"Shane, tigilan mo na yang Keith Del Valle na yan. Hindi ko siya gusto para sayo." Sagot nito at nilapag ang isang baso sa lamesa.

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now