Chapter 41

273 10 3
                                    

Chapter 41

Light

"K-Keith.." Sabi ko habang mahigpit ang yakap niya saakin.

"Hmm?"

"Di na ako makahinga.. Tama na.." Agad niyang narealize ang nagawa niya at nabitawan ako. Para siyang bata na natataranta at tinitignan kung okay ba ako.

Natawa ako. Nagtaka naman siya. "Why are you laughing?"

From laughing, nag straight face ako. "Overacting ka Keith stop it." Sabi ko sakanya.

"S-Sorry.. I'm just worried." Paghihinging paumanhin niya. "Let's go?"

"Saan na naman?" Tanong ko.

"To eat." Sagot niya. Napabusangot naman ako. "Kakain? Wag na. Gusto ko nang umuwi."

Lumungkot naman mukha ni Keith. "Sige, I'll take you home.." Sukong sagot niya. Pumasok ako ng kotse at hindi pumalag dahil bakas ang tampo sa boses nito.

I can't help it. Sa totoo lang ay nalilito ako sa mga pinapakita ni Keith saakin. Is this a show? May trust issues ako. I don't know if he's sincere right now or part of a dare or something. I want to keep a distant.

Pagkalabas ako, ni walang paalam. Pinaharurot niya ang kotse. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok.

Pagkapasok ko ng pinto, nagulat ako ng nasa harapan ko si kuya at napakasama ng tingin niya saakin.

Hindi ko siya pinansin at lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin at pumiglas ako sakanya.

"Ano ba kuya.." Galit na sambit ako.

"Porke't kasama mo na ang lalaking iyon, tumapang ka na ha?"

Nagsisimula na naman ang inis ko sa mga pinagsasasabi niya. Hindi ko ba alam kung bakit galit na galit siya kay Keith.

"Bakit? Bawal na ba akong sumama sakanya?" Tanong ko pabalik.

Napabuntong hininga ito na parang nagpipigil ng galit. "Habang maaga pa Shane ha.. Lubayan mo na ang lalaking iyan! Binabalaan kita! Pag ako napuno, gagawa ako ng paraan. Wag mong ubusin ang pasensya ko." Ganun-ganun lang ang sinabi niya at umalis na sa harapan ko. Nagtaka ako dahil nagmamadali itong lumabas at sumagot ng tawag. Bigla na lang ito sumakay sa kotse ng walang paalam.

Ibinaba ko ang gamit ko at nilabas ang mga libro ko. Nalaglag ang ballpen ko kaya yumuko ako. Nakita ko ito sa ilalim. Inabot ko ito pero may nakita akong bandana na nakakalat.

"Tsk.Tsk. Kuya talaga! Puro kalat!" Pinulot ko ito at tumayo para ilagay sa labahan pero nanlaki ang mata ko ng makita ko itong puno ng dugo. Naitapon ko ito sa takot dahil takot ako makakita ng dugo.

Kay Kuya itong panyong ito pero bakit may dugo?! Anong meron?! May nangyayari ba kay kuya na hindi ko alam?!

Dinial ko ang number ni Kuya.

"Hello Shane? Napatawag ka?" Nagtataka ako dahil parang hingal na hingal ito at ang ingay ng paligid niya.

"Kuya! Nasaan ka?!"

"Nasa trabaho ko. Bakit? May nangyayari ba?"

Tinitignan ko lang ang panyo na puno ng dugo. Bumuntong hininga ako. "Bakit puno ng dugo ang panyo mo kuya! Anong ibig sabihin nito?!"

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now