Chapter 34

799 18 0
                                    

@smileygirl15265

Shane's POV


"Shane, itext mo ako kapag uwian niyo na. Kapag may kailangan ka itext mo ako." Sabi saakin ni Kuya. Umirap na lang ako atsaka tumingin sa labas.


"Shane, nakikinig ka ba?" Naiinis na tanong ni Kuya.


"Pwede ba Kuya? Hindi naman ako bata para ihatid niyo ako eh. Malaki na ako. I can manage myself atsaka may trabaho ka, baka malate ka pa pag hinatid mo ako." Iritadong sumbat ko sakanya. E kasi naman simula nung nakita niya kami ni Keith sa bahay ay bantay-sarado na ako sakanya na akala mo ay nakatanggap ako ng death threat. Sino bang hindi maiirita dun?


"Pero Shane, paano na lang kung may mabuo diyan? Sinong kawawa?" Sabay nguso niya sa tyan ko. Minsan talaga makulit tong kuya ko eh. Ayaw maniwala.


"Kuya naman! Hindi nga kasi totoo yun! Responsable akong teenager kuya! Ano ka ba naman! Hindi ko boyfriend si Keith okay? Ilang beses ko bang sinabi yun sayo?!"


Humalukipkip lang yung kuya ko at nagpatuloy sa pagdrive. Ngumuso ako sa inis. Hindi na naman siya nakinig saakin.


"Shane, you must understand that I'm doing this for your own safety." Huminga siya ng malalim. "Mas maganda na ganito na lang, wala akong pake kung malate ako sa trabaho."


Kung sa ibang tao ay matutuwa sila at matotouch pero ako? Mas lalo lang ako naiinis. Kung bakit pa naman kasi napakaoverprotective neto saakin! Simula kasi nung magbreak sila nung girlfriend nila, naging snobbish na siya!


"Tss." Yun na lang ang isinagot ko at tumahimik na kami.


Pagpasok ko sa San Victoria University ay dumiretso ako sa likod ng school at doon na lang dumaan. Mukha na nga akong engot dahil ginagawa ko ang lahat para hindi makasalubong, maiwasan o madaanan si Keith.


Sinisita na nga ako ng guard minsan dahil daw bakit ako doon dumadaan e may main entrance naman daw.


Lahat talaga ay iniiwasan ko! Kapag nakakakita ako ng mga crowded places, panigurado ay nandun ang Black Scorpions kaya tumataliwas ako sa kabilang daan.


"AHHHHH!!!" Napatigil ako nung may sumigaw at nanlaki yung mata ko nung papunta yung mga Black Scorpions sa harapan ko! Agad akong tumakbo sa gilid, at bago man nila ako makita! Pumasok ako sa cubicle.


"AH!" Napasigaw ako nung may humila ng kamay ko. Lumingon ako at nakita ko si Qim na takang-taka sa reaksyon ko. Kumunot noo niya at tinapik ang braso ko. "Hoy! Ang OA naman neto! Anyare sayo? Bakit ganyan ka? May sakit ka ba?" Tapos kinapa niya yung noo ko. "Wala naman ah."


"Wala. Ikaw naman kasi! Para kang kabuti diyan na pasulpot-sulpot!"


"Really? Eh bakit parang may iniiwasan ka? Umayos ka nga Shane! Ilang araw ka ng ganyan! May hindi ba ako alam ha?" Biglang naging matampuhin ang boses ni Qim. Sorry bes, pero ayoko talaga sabihin. Maybe next time but right now? Wag muna. Too awkward para ishare.

My Gangster Prince [KathNiel]Where stories live. Discover now