Part 48 "Rampage"

711 24 5
                                    

❤💋Dedicated to firelady143💋❤

~•🔹🎇☀☁❄☁☀🎇🔹•~

*🔶-MIYU POV-🔶*

Baon ko ang ngiti sa labi ng lumabas ako sa aking kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Baon ko ang ngiti sa labi ng lumabas ako sa aking kwarto. Di ko mailarawan ang sarili kong gaano ako kasaya ngayon. Ayaw ko munang suotin ang singsing dahil baka malaman ulit ng taga media ang aming relasyon at magkagulo uli ang mga fans ni Yuri na sobrang ayaw sa akin.

Pinasok ko ang kahon sa sling bag at lumapit na sa front desk upang mag-check out. Nagulat nalang akong nagdagsaan ang mga babae palapit sa akin at mabilis na hinila ang buhok ko.

 Nagulat nalang akong nagdagsaan ang mga babae palapit sa akin at mabilis na hinila ang buhok ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ssan!!!" Cheap!

"balamdung-i" Malandi!!!

"geumgwang-gul" Gold digger!!!

Di ko naintindihan ang mga sinasabi nila sa akin dahil korean ang salitang ginagamit nila ngunit alam kong pinipintasan nila ako. Sa paghablot pa lang ng buhok nila sa akin ay alam kong dahil na naman ito sa balita na magkasama kami ni Yuri sa flight nong isang araw. For sure mga anti-Miyu na naman sila.

"A-aray!", sigaw ko.

"Let go of me!"

Ulit kong sabi ngunit patuloy parin nila akong kinaladkad at napaluhod na ako sa sahig. Pinaghahampas na nila ako at ang iba'y tinataponan ako ng kong ano-ano.

Nagsigawan narin ang mga front desk ng security kaya mabilis na rumisponde ang mga guards sa hotel at agad nilang inawat ang mga babae. Ang isang babae ay ayaw parin bitawan ang buhok ko at namimilipit na ako sa sakit. Napansin kong  mabilis na lumapit si Aime at kinuha ang isang kamay ng babae. She twisted her hand to hurt her.

"If you dont want me to cut your arm, let her go!!"

Bumitiw narin sya at nasidatingan narin ang mga PSG ko. Kinuha ng isang PSG ang maleta ko habang ang iba ay tinakpan ako. May kong anong tinatapon sila sa akin at si Aime naman ay tinatakpan din ako upang di ako masaktan. Inakay nya ako hanggang sa paglabas ko ng hotel at pumasok na kami sa van. Pinatakbo kaagad ng driver ang kotse namin.

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon