Part 27 "Reveal"

766 19 5
                                    

~~••Dedicated to CireneCasas••~~

∆∆∆~•~❤❤❤~•~∆∆∆

Di ko masyadong naaninag ang hitsura ng lalaki sa paglinga nya sa akin dahil medyo madilim ang nasa loob ng kwarto. Tumayo sya at humakbang papalapit sa akin. Nanlaki nalang ang aking mga mata ng naaninaw ko na ang mukha nya. Napaawang ang aking bibig at tumulo agad ang aking mga luha.

 Napaawang ang aking bibig at tumulo agad ang aking mga luha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Papa..?? Ikaw ba talaga yan??"

"Diba namatay ka sa plane crash papuntang Japan? Bakit buhay ka?"

"Let me explain everything anak."

"Miyu anong ginawa mo!?"

Napalingon ako kay Ashlyn sa di kalayuan. Lumapit sya sa akin na puno ng takot na binuksan ko ang itim na pintuan. Sinulyapan nya ng tingin kung sino ang kausap ko. Nagulat nalang sya sa nakita.

"Hiro..??"

"Kilala mo ang papa ko??"

Humakdaw sya para lumabas at sinara ang pinto. Niyakap ako ni papa. Di ko akalain na magkikita kami dito. Di parin ako makapaniwalang buhay sya. Ang sabi ni Tita ay kasama daw si mama at papa sa plane crash noong patungo sila sa Japan. Ibig bang sabihin non na di totoo ang sinabi ni Tita May sa akin.

Binitawan na nya ako at lumingon kay Ashlyn.

"Mag-usap muna kami ng anak ko."

Tumango lang si Ashlyn at lumakad na palayo sa amin. Pumasok kami sa isang malaking silid aklatan at pinaupo ako sa magarang upuan. Magkaharap kami sa isat-isa.

"Si mama buhay din ba sya?"

"Im sorry anak pero di sya nakasurvive ng plane crash. Akala ko nga ay di nako mabubuhay pa. Ngunit tinulungan ako ni Dylan."

Tinulungan pala sya ni Dylan. Dahil nawala na sa kanya ang lahat, at dahil narin sa kahihiyan na naging pulubi kami ulit ay di nya mapapatawad ang sarili nya. Nahihiya syang makipagkita sa akin. Nahihirapan syang makita akong naghihirap kaya di nya ako magawang balikan hanggang sa tinuring na syang ama ni Dylan at nangako na rin sya sa kanya na maninilbihan sya habang buhay kapalit ng pagprotekta ng mga tauhan ni Dylan sa akin.

Ibig sabihin ay pitong taon na akong minamanmanan at pinoprotektahan sa mga tauhan ni Dylan? Kaya pala may napansin ako noon na may sumusunod sa akin. Noong ding may mga sumusunod sa aking mga adik na lalaki habang pauwi ako sa skwelahan nong highschool pa ako ay sila ang mga nagligtas sa akin. Sila ang gumugulpi kapag may mga lalaking sumusunod sa akin.

All this time, my father always look after me. Umiiyak sya habang pinaliwanag nya sa akin ang lahat-lahat. Ang akala koy masama si Dylan ngunit mayroon din pala syang kabutihang ginawa sa kabila ng pagkidnap nya sa akin. Pinaliwanag din ni papa sa akin kung bakit ito nagawa ni Dylan dahil ay alam nyang di papayag si Yuri na sasama ako sa kanya.

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon