Part 23 "Vitamin D"

1K 28 6
                                    

~•> Dedicated to zylarinschar <•~

Thank you for your floods of votes..😘😘😘

~~~~~}}}❤❤❤{{{~~~~~

-••MIYU POV••-

Nakayuko akong lumakad sa lobby ng hotel. Nakangiti pa ang mga front desk clerks sa akin na halatang kinikilig pa. Nakita siguro nila ang paghalik ni Yuri sa akin kanina. Lumitaw tuloy ang namumula kong pisngi. Si Yuri talaga, hinalikan lang ako bigla. Nakunan pa kami ng mga reporters sa labas na naghalikang dalawa, nakakahiya talaga. Napahawak ako sa king dalawang pisngi habang naglalakad papunta sa elevetor.

"Ugghh!"

Itinaas ko ang aking noo ng may nakabangga akong isang napakagwapong lalaki. Iba narin ang kulay ng kanyang buhok. Napahawak ako sa aking bibig sa nakita. Oh my gosh!

"Ryo! Kumusta ka na!?"

Nagulat din si Ryo na nakita ako. Ngumiti kaagad sya sa akin at tinanggal ang headseat sa taenga nya.

Nagpaalam mo na ako kina Paul na mag-uusap kami sa restaurant ng hotel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpaalam mo na ako kina Paul na mag-uusap kami sa restaurant ng hotel. Nakita kong nakatayo lang silang apat, di kalayuan sa kinauupuan namin. Nilapag na sa akin ang order kong juice.

"Wow, F and B Manager kana pala ngayon ah!"

"Oo, hindi ko nga akalain na maging manager ako sa hindi ko field.", sabay ngiti sa akin.

"Okay lang no, atleast may paperworks naman diba? So magagamit mo parin pagka I.T graduate mo."

Yumuko sya at humarap uli sa akin na seryoso na ang mukha. Tiningnan nya muna sina Paul, Ben, Christian at Mark bago tumingin uli sa akin.

"As expected of Yuu, palagi ka nyang pinababantayan ng mga kaibigan nya."

Napakamot ako sa ulo at nakangisi sa kanya. Kung alam lang nya kong anong nangyari sa akin noon. Malamang susugurin nya si Yuri kong bakit hindi nya ako naprotektahan kay Kyou.

"Alam mo kapag nakipagrelasyon ng celebrity kailangan ka rin ng bodyguards para maprotektahan ka sa mga Anti- Yumi Fans."

Ganon na nga kung may Anti Yuu-Kris, mayroon ding Anti Yumi. Ang hirap talaga makipagrelasyon ng sikat na tao ngunit masaya din ako dahil mahal ako ng taong mahal ko.

Bahagya syang ngumiti sa akin.

"Kumusta na pala kayo?"

Pinakita ko sa kanya ang singsing na suot ko habang nakangiti sa kanya.

"We're engage, promise na dadalo ka sa wedding ko ha?"

"Syempre naman, kaibigan kita eh. Kaya pala mas lalo kang bomoblooming ngayon ha."

&quot;Intense Trapped&quot; (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon