Part 8 "Plan"

1.4K 32 2
                                    

~~>>Dedicated to TheresaLucnagan..😉😉😉

~~~~~

Umalis si Yuri sa bahay ng alas 9 kasi may recording daw sya ngayon as usual hindi nya ako isinama. Mabobored lang daw ako don kaya heto ako nagbusybusyhan. Nagpapractice lang ako ng web designing dahil bibigyan ako ng project ng former classmates ko. May raket sya na nagcocontact ng clients sa US para magdesign sa kanilang website at sino pa ba ang taong yon kundi si Chai Elca ko.

Gusto kasi ni Yuri na nandito lang ako sa bahay. Marami naman akong mapaglilibangan dito hindi lang sa pagcomputer. May entertainment room sya kong saan nandito na lahat. May billiaran, may nintendo wii, may playstation, dance revo, may karaoke kapag gusto kong kumanta. Kapag mahilig naman sa gambling may baraha, may karerahan kumbaga mini casino. Mini golf at mini bowling pang kasama. I never thought that I would be loved by super rich and famous handsome guy.

Kayod kalabaw at halos dumudugo na ako ng pawis para lang maitaguyod ko ang sarili ko upang makapagtapos ako ng pag-aaral. Hindi ko inakalang makatagpo ako at mabuyayaan ng isang lalaki na magbibigay ginhawa sa aking buhay at buhay ng Tita ko. It's been 2 weeks na pala na hindi ko sila nakita mula nagcheck-out sila sa resort ng Maldives. For some reason, namiss ko sila. Ang hirap talagang mag-isa sa bahay.

"Anak ng tipaklong!"

Nagulat ako sa ring ng cellphone ko. Tiningnan ko kong sino ang tumawag at hindi nakaregister ang phone number. Baka si Yuri to or si Paul coz usually paglowbat sila ay tatawag sila ng ibang number.

"Hello."

"Hi, it's been a while."

"Yes, sino to?",napakunot noo ako kasi hindi ko alam kong sino sya pero medyo pamilyar ang boses nya sa akin.

"I'm quite don't understand you however this is Kris Lana."

"Yes?"

Oo nga naman hindi ito nakaintindi ng tagalog. She's a pure foreign. Medyo kumirot ng konti ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan nya. Bakit may number sya sa akin at ano na naman kayang plano ng bruha na ito.

"I'm sorry I was very rude last time. I want to personally apologize to you."

Personally apologize ka jan! Pwe! Pinahiya mo kaya ako sa harapan ng maraming tao at binuhusan mo pa ako ng wine. Hindi ko matatanggap ang sorry mo. Sa isipan ko lang yon dahil hindi naman talaga ako palaaway na babae.

"Where did you get my number?"

"From Yuri's manager. I want to tell you something important. I'm also nearby, I'm also in California right now."

Bakit nya alam na nasa California kami? Stalker ba sya at alam nyang nandito kami ni Yuri? At talagang sinundan pa nya kami rito ha. Ang kapal talaga ng mukha nya!

"Something important?", ano naman kaya yon?

Tumahimik sya sandali bago sya nagsalita ulit. Umigting ang tenga ko sa sinabi nya.

"Yes.. it's about Kyou."

~~~

Hindi ako nag-atubiling puntahan sya sa malapit na cafe. Gusto ko kasing malaman ang tungkol kay Kyou. Curious ako kung bakit sya nagkaganon. Bakit hate nya lahat ng mga babae? Buti nalang at sa paglabas koy dumating na rin si Paul at hinatid ako papunta doon. Ang paalam ko sa kanya ay bibili lang ako ng cake at frosted vanilla shake sa cafe. Alam ko kasing hindi nya ako papayagan kapag nakipagkita ako kay Kris Lana.

Nagpark lang si Paul sa side lane ng coffee shop. Puntong alas dos na ng hapon. Nakita ko sya kaagad dahil ilan lang ang customers na nandon. Nang napansin na nya ako ay agad naman akong umupo sa kabila. Magkaharap kaming dalawa. Nakalapag na ang dalawang cape sa mesa ko.

"I don't know what you like so I just ordered a cup of coffee for both of us."

I sip a little bit bilang respeto ko sa pagbili nya ng coffee para sa akin.

"Thank you for coming and I'm sorry for what I did before.", sinserong sabi nya.

Hindi ko alam kong umaarte lang sya o totoo ba talaga ang sinasabi nya. The way she look at me kasi is parang nagsisisi sya sa mga ginawa nya noon sa akin.

"No need to apologize. I came here because I want to hear about Kyou."

Napabuntong hininga pa sya. Ininom din nya ang kape na nakalapag sa mesa. Tumingin sya sa aking mga mata habang binabahagi nya ang nakaraan nila kay Kyou at ang x nyang si Yuri.

"Yeah, I think you already know why Yuu and me broke up. It is because of him. Thanks to Yuu that he never told anyone else even with his closest friends about this. They just knew this recently. I want to warn you about him. Stay away from him as much as possible because he will find a way to break you two apart. I dont know how many times he did that to Yuu."

"That's never gonna happen and no need to alarm me because I'm already aware of it. I just want to know why he is like that to Yuu."

She shake her head and make a big sigh again. Wala din pala syang alam kong bakit nagkaganon ang kapatid ni Yuri.

"If that's the only thing that you want to say. I guess I have to go."

Tatayo na sana ako pero napaupo ako ulit dahil may sasabihin pa sya.

"Actually, I have another thing to say."

Ano na naman kayang kadramahan ang sasabihin nya ngayon? Nakatitig sya sa aking mga mata bago sya nagsalita.

"..I will also find a way to break you two apart."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. After many times she dumped by Yuri until now she won't give up? Is she crazy? Baliw na nga yata sya dahil kahit engaged na kami ni Yuri. Hahanap parin sya ng paraan para magkahiwalay kami.

"..I have a better plan so you can let go of him easily because you really don't have a special bond with each other."

"Stop this nonsense Kris.", tinaasan ko sya ng kilay.

"I just want to inform you that I'm his special guest for the upcoming world tour concert. We will have our most precious time together. I will use that as an advantage."

"He will still dump you over and over again.", agad kong sumbat sa kanya.

"Well see. I guess I have to go because we still have a rehearsal together."

Napakuyom ko nalang ang aking kamay habang naglakad na sya paalis sa shop. Tumayo ako para pumunta sa rest room para ibuntong ang galit ko pero nakaramdam ako ng pagkahilo habang papasok ako doon. Hindi ko alam kong bakit nahilo ako bigla. Kukunin ko na sana ang cellphone sa bag ngunit mas lalong nagdilim ang paningin ko. Nahulog ang cellphone ko sa sahig. Lalabas na sana ako upang tawagan si Paul sa labas para akayin ako. Nawalan na ako ng balanse at babagsak na ang aking katawan sa sahig nang may sumalo sa akin na napakalaking braso.

Sino kaya sya? Baka si Paul lang ito. Lumalabo na ang mga mata ko at hindi ko naaninag ang kanyang mukha.

~~~~

Feel free to message me if gusto nyo pong magpadedicate..😍😍😍

Kindly give me inspiration by FOLLOW me on wattpad and VOMMENT below!!! Arigatou! Gracias! Gomabseubnida!!

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon