Part 14 "Disneyland"

1.1K 26 8
                                    

~~~>>> Dedicated to Chubbylin..😍😍😍

~~~•••~~~

"Yeah she doesn't have a fever right? That's what I heard from you."

"No, what I mean she really don't have a trauma."

"Tama, kita ko nga yon. I think okay naman sya. Nahihiya lang siguro sya sayo dahil sa bago mong ayos ngayon.", dagdag naman ni Paul na may halong pang-aasar.

Binitawan na ako ni Misaki. Nakita kong hinablot ang kamay nya ni Paul at pinalayo sa akin. Kita ko sa kanilang mukha na nag-aargueng dalawa. Meron silang pinag-uusapan. Tumingin silang dalawa sa akin na pilit na ngiti. Ano naman kayang pinag-uusapan nila?

Napaisip ako sa sinabi nya kanina na walang trauma si Miyu. Ibig bang sabihin non hindi sya takot sa akin ngunit pano nya maexplain ang inasta ni Miyu noon?

Dahil napasyal ko na ang Disneyland dito sa California kaya nakaupo lang ako sa isang bench habang hinihintay silang matapos na mamasyal ang mga kaibigan ni Miyu. Kasama ko si Paul na katabi sa pag-upo.

"Bakit di mo samahan ang girlfriend mo?"

"Kita mo namang nagtalo kami kanina diba."

"So, what does she mean?"

Tanong ko na ang pinupunto ko ay ang pinag-uusapan nila kanina. Napalingon ako sa sinabi nya.

"It would be much better if Miyu will tell you herself."

Lumingon ako kong saan sila nag-uusap sa kalayuan. Nanlaki nalang ang aking mga mata ng nakayuko si Miyu na papunta dito sa direksyon namin ni Paul. Parang chinecheer pa sya sa mga kaibigan at pinsan nya sa likuran habang pahakbang sya rito. Kakausapin na ba nya ako? Hindi na ba sya takot sa akin? Parang naging slow motion yata ang paghakbang nya habang nakatingin ako sa kanya na papalapit sa akin.

Ayan na ang lapit na nya. Tinaas na nito ang ulo at tumingin na sya sa aking mga mata habang patuloy parin ang paghakbang nya sa kinauupuan ko.

Dahil sa gulat ko ay hindi ako makatayo sa aking kinauupuan. Ilang hakbang nalang at...

"Hi! We've been watching you from a far. Are you Yuu, right?"

Nalihis ang aking tingin sa dalawang babaeng kaharap namin.

"Your with bodyguard Paul, it means your Yuu."

Hindi pa ako nakasagot sa dalawang babae ay nagulat akong nagsitilian na silang nakatayo sa harapan ko. Pagsulyap ko ulit ay wala na don si Miyu. Kita kong humakbang uli sya papunta sa mga pinsan at kaibigan nya. Tumayo ako upang sundan sana sya ngunit bigla nalang rumami ang mga fans sa harapan ko. Humihingi sila sa akin ng autograph habang palingon ako kay Miyu na nakatalikod na sa akin. Wala akong choice kaya ngumiti ako sa kanila habang nagsign ng autograph.

Nang matapos na ay mabilis akong pumasok sa itim na kotse. Ang rami na kasing tao sa labas. Agad din naman rumisponde ang ibang PSG ko upang hindi na magkagulo pa. Pinaharurot na ni Kuya Ric ang kotse habang napahawak ako sa aking noo.

"Okay ka lang?"

Lumingon ako kay Kuya Ric habang nakatingin sa reflection ng rear mirror.

"Yon na sana eh! Bakit umepal pa!"

"Yuu baka hindi pa tamang panahon na magkausap kayo ngunit may marami pang pagkakataon. Maghintay ka lang."

"For sure, this will be in the headlines again."

As usual sa pag-uwi ko sa condo ay pinagalitan ako sa phone ni Lola. Dapat sana magpahinga ako ngayon ngunit bakit pa daw ako pumunta sa Disneyland na ang raming tao doon. Hindi ko nalang sya pinatulan baka hahaba pa ang alitan naming dalawa. Isa pa't matanda na sya at baka aatakihin pa sa high blood yon.

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon