Part 13 "Hair"

1.1K 30 3
                                    

~~>>> Dedicated to RachelleMiranda3..😉😉😉

~~~•••~~~

Yuri POV

Napahawak pa ito sa kanyang pisngi na animo'y gulat pa sa nakita habang nakatingin ito sa cellphone ko. Hindi ko nalang pinansin bagkus ay inirapan ko sya at tumingin uli sa aking cellphone. Ang babaeng itoy nananadya talaga at umupo pa sa tabi ko.

"Are you still angry at me?"

Panay tingin ako sa cellphone at kunwari hindi ko narinig ang tanong nya. Dahil tapos na akong makipag-usap kay Misaki, ibinaling ko nalang sa paglalaro ng phone.

"Hey!"

Hindi ko sya nilingon. Alam kong nasa atensyon na namin ang lahat ng mga tao sa sigaw nya ngunit wala akong pakiaalam. Bahala sila kong anong iisipin nila tungkol sa akin.

Tumayo nalang si Kris Lana, buti at hindi na ako muling kinulit pa baka masigaw ko rin ito ng di oras. Nagtitimpi lamang ako at hinabaan ang pasensya baka kung hindi ito tumigil ay sasabog na siguro ako. Hanggang ngayon galit parin ako sa kanya. Sino ba namang hindi magagalit sa kanyang ginawa? Dahil sa kanila ay muling nag-iisa ako sa condo. Dahil rin sa kanya'y hindi ko nakapiling ang taong mahal ko. Kung sampahan ko sila ng kaso sa ginawa nila sa kanya, mas lalo lang masasaktan si Miyu. Ang gusto ni Miyu ay simple at pribado lang ang buhay nya kaya kung gawin ko yon mas lalo lang magkakagulo ang buhay namin.

Natapos narin ang rehearsal kaya lumabas na ako sa studio. Inaabangan ako sa mga reporters sa labas. Naka maroon cap at shade ako. Simpleng white shirt with maroon jacket at blue shorts ang get up ko ngayon. Lumapit na ang mga reporters na hindi ko pinapansin. Lumakad ako hanggang sa nakarating ako sa kotse. Agad rin namang pinaandar ni Kuya Ric at pinatakbo na ito.

"Yuu, wala ka yatang gana ngayon sumagot sa mga tanong nila.", tanong ni Kuya Ric.

"Wala po ako sa mood ngayon.", sagot ko sa kanya.

Dumating ako sa condo. Tinitingnan ko ang paligid sa aking kwarto. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ako ulit ang mag-isa dito. Umupo ako sa sala at binuksan ang cellphone. Tiningnan ko sa screen kung ano na ang mga ginagawa ni Miyu sa bahay. Napansin kong pumasok si Paul sa loob. Napalingon ako sa sinabi nya.

"Minomonitor mo ulit sya. Alam ba ni Miyu yan?"

"I think so, Paul."

Tumahimik sandali. Napabuntong- hininga si Paul at humarap sa akin.

"Gusto ko sana silang ipasyal sa Disneyland rito. Gusto mong sumama?"

"Concert ko na sa sabado so I will just stay here. Kailangan kong magpahinga."

"Okay no problem, aalis na ako."

Nagring uli ang phone ko. Pagtingin ko sa sa screen ay may one text message. Ito ay galing sa sekretarya ng aking ama.

There will be a General Meeting of Okihara Holdings this January 1st. You must attend.

Mabilis akong nagbihis. Buti at naabutan ko pa si Paul na paalis na sana sa pinaandar nyang van. Pumasok ako sa loob at umupo sa front seat.

"I change my mind."

Napangisi si Paul habang nasa byahe ay napag-usapan namin ang bestfriend ni Miyu na syota nyang si Misaki.

"When you two end up together?"

Tumawa pa ito sa akin habang nagmamaneho. Sinulyapan nya pa ako bago sya tumingin uli sa harap.

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon