Part 4 "Difference"

2K 65 8
                                    

~~>>This part is dedicated to marlowemendez and angelanicoledequina..(`∀')

~~~~

Ngayon ko lang napansin na may maliit na nunal sa kanyang kilay para malaman kong sya ay si Kyou. Nalaman ko na kung anong pagkaka-iba nila sa isat-isa.

"May nunal ka pala sa kilay."

"Your a very unique one. I like you. You can easily distinguish me and Yuri.. haha.", tawang sabi nya sa akin.

Bumitaw na sya sa pagkakahawak sa balikat ko. Tuwid naitinayo ang sarili.

"Hindi lang naman yan eh. Yuri is not always speak english compare to you. I can also determine the way you touch me."

"Ahh, ganon ba?"

Nya! Nambilog ang mga mata ko. Alam nya palang magtagalog! Pero medyo slang nga lang ang pagkakasalita nya kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"Hehe, sorry. Hindi ko sinasadyang tumawa but yong tono lang ng pagkakasalita ng tagalog mo is different than him."

Medyo nagulat pa sya sa naging reaksyon ko bago sya bumalik sa dati nyang maamong mukha. Parang kaharap ko lang ang Yuri na minamahal ko.

"Now I know why Yuri is madly in love with you. You have to change before you catch a cold or shall I help you.", sabi nya na bahagyang ngumiti sa akin.

Mabilis syang nakalapit sa akin at huhubarin na sana ang butones ng polo shirt ko kaya hindi ako nakareak kaagad sa ginawa nya..

"T-tika.."

"Hey! What are you going to do with my girl?"

Nanlaki ang aking mga mata nang narinig ko ang boses ni Yuri. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit habang nakatingin sa amin. Bakit sa ganito pang sitwasyon kami nakita ni Yuri. Akala nya siguro na inaakit ko rin si Kyou o sabihin nalang nating niloloko ko sya.

"I was just tryin to help. She drowned in the pool, I save her and she still dizzy so I will help undress her clothes."

Hindi nakapagpigil si Yuri at sinuntok nya ang kapatid nya. Tumayo ako at agad na pinigilan ko si Yuri. Baka ano na ang magawa nya sa kapatid nya.

"You have to go to the bathroom, Miyu. We will talk later. "

Nakita kong duguan ang labi ni Kyou bago ko tuluyang lumayo sa kanilang dalawa. Gusto kong tulungan si Kyou pero hindi ko magawa dahil narin gusto ni Yuri na iwasan ko sya. Anong gagawin ko, nag-aaway silang magkapatid dahil sa akin.

YURI POV

Hanggang ngayon minomonitor ko parin si Miyu. Hindi nya alam na may camera ang bawat sulok sa loob at labas ng bahay. Nakita ko ang nangyari sa pamamagitan ng pagtingin ko sa cellphone ko nang papauwi ako sa bahay. Nakita ko rin pinipigilan ng gwardya si Kyou. Desperado na naman syang sirain ang aming relasyon ni Miyu. Kumabog ang dibdib ko nang nalunod si Miyu sa pool. Agad kong sinabihan ang driver na pakibilisan ang kotse sa pag-uwi. Nakita kong nakapasok na sya at agad na iligtas ang pinakamamahal ko. Napasuntok ako sa aking inuupuan habang nag CPR sya kay Miyu. Nagseselos ako kahit hindi halik yon dumait parin ang labi nya kay Miyu. Kung maaga lang akong natapos sa trabaho hindi sana mangyayari ito.

Dahil pinagbawalan ko rin na papasukin ang gwardya sa loob ng bahay, hindi na nila napigilan na pumasok ang kapatid ko buhat sya. Nagagalit ako dahil napatawa nya si Miyu, ayokong ipamimigay nya ang ngiti nya sa iba. She knows that I am selfish, gusto ko akin lang sya. Gusto ko na ang lahat ng reaksyon nya dito lang ipapakita sa akin.

Nang dumating na ako sa loob ng bahay, nagulat nalang ako nang hinawakan na nya ang damit ni Miyu. Umitim ang paningin ko at hindi ko napigilan na suntukin sya. Bumagsak ang kanyang katawan sa sahig at napaupo ito.

"Are you tryin to ruin my life again? You want to steal her like what you did to Kris."

Pinisil nya ang labi sa pamamagitan ng kanyang hinlalaki at tiningnan ang dugo bago pa sya nakasagot sa akin.

"I will not pursue her not just because she's the same with other girls. I will steal her from you because she's different."

"You are really an asshole! Get out in my house!"

Pinunasan na nya na sa likod ng kanyang palad.

"I will never hand her to anyone.", wika ko.

Nakangiti lang sya habang bumangon hanggang lumabas na sya sa gate. Ngayon naman gusto nyang kunin si Miyu sa akin dahil iba sya.

"Don't he ever come to my house again or you will all get fired, understood!"

"Yes Sir. We 're very sorry sir."

Dahil sa galit koy napalakas ko ang pagsira ng pinto. Pumasok nako sa loob ng kwarto at nakita kong nandoon pa sya sa loob ng malaking closet ko. Namimili pa sya ng kanyang masusuot. Nang napansin nyang pumasok ako sa loob ay mabilis nya akong niyakap.

"Sorry, alam kong gusto mong iwasan ko sya pero hindi ko nagawa."

I'm sorry din Miyu but hindi ko narin mapigilan ang sarili ko ngayon.

Kindly comment and like below!!! (*^_^*)

Need 100 reads..

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon