Part 9 "Ideal Woman"

1.2K 36 2
                                    

~~~>>Dedicated to JennyGayta6..😉😉😉

•••••••••

Dinilat ko ang aking mga mata. Medyo madilim ang paligid at ang isang lampshade lang ang nakailaw sa tabi ko. Tinaas ko ang ulo upang tingnan ang nasa kisame. Ganito ba kataas ang kisame sa kwarto namin ni Yuri? Naalimpungatan pa siguro ako? Dinilat ko ulit ang aking mga mata. Naalala kong nawalan pala ako ng malay sa restroom ng coffee shop. May lalaking bumuhat sa akin. Di kaya'y dinala na ako ni Paul sa bago naming condo ni Yuri? Baka ito na yon. Bahagya akong ngumiti.

Nagulat nalang ako sa paglingon ko sa gilid. Hindi ko maiintindihan ang nararamdam ko. Bigla akong nanigas na parang nakakita ako ng multo. Ang bilis ng takbo ng puso ko habang nanginginig ang buong katawan ko.

Tumulo nalang ang aking mga luha nang nakita kong katabi sa kama ang lalaking may tattoo sa leeg. Napansin kong wala akong saplot sa katawan at kumot lang ang nakatakip nito. Bumangon naman tong demonyo sa aking harapan na nakahubot-hubad.

"Oh, youre awake already."

"Please kong panaginip lang to. Gusto ko ng gumising."

Kahit medyo madilim ang paligid ay naaninag ko sa kanyang mukha ang ngiting demonyo sa aking harapan.

"This aint a dream. We did it earlier, you don't remember?"

Anong gagawin ko? Bakit nandito ako sa tabi nya? Saan ba ito? Bumangon ako at sinandal ang sarili sa headboard ng kama habang pinupulot ang kumot sa aking hubad na katawan. Nilingon ko ang nasa paligid namin. Hinanap ko sa aking paningin ang mga damit na nakalapag sa sahig na nasa paanan ng kama. Kailangan kong makaalis kaagad rito.

"Ow, we are in the hotel, baby.", with his sulky expression.

Kahit kamukha sya ni Yuri ibang iba talaga ang katangian nilang dalawa. Ang asta nya'y parang hambog na ang sarap sakalin hanggang mawalan sya ng hininga. Gusto ko syang patayin sa ginawa nya sa akin ngunit ang katawan ko ay hindi sumasabay sa isipan ko. Nanginginig parin ako at nanghihina dahil sa mga nangyari ngayon.

"Why the hell are you doing this?"

Lumapit sya sa akin kaya napaatras ako. Hihimasin nya sana ang buhok ko ngunit natampal ko kaagad ang kamay nya. Nakangiting demonyo ang ipinakita nya muli sa akin.

"Because I like you. I finally found my ideal woman."

"You evil! Ang sama sama mo!"

Nanlilisik ang mga mata ko sa galit. Bakit ba nagawa nya ito sa akin? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Bakit ba nya ginaganito si Yuri?

"Oh, before I forgot. I guess I did not use a condom."

Nambilog ang mga mata ko sa sinabi nya. May balak ba syang buntisin ako? Gagawin nya talaga ang lahat para magkahiwalay kami ni Yuri. Napakatanga ko. Hindi ako masyadong nag-ingat.

"If you will bear a child. Don't hesitate to contact me okay.", wika nya habang nakangisi parin sa akin.

Napansin kong hawak na pala nya ang phone ko at tuwa pa syang nilagay ang number nya doon. Hinarap nya ito sa akin at nakalagay sa phone contact ay "My Babe Kyou." Mas lalong lumapad ang ngiti nya ng may nagring sa cellphone ko.

"Lucky! You got a call from my brother."
Gulat kong narinig yon. May nangyari na sa amin ni Kyou. Paano kong mabuntis nga ako at sya ang ama? Ano na ang mukhang ihaharap ko kay Yuri? Kinakabahan ako at ayaw ko muna syang harapin ngayon. Tumutulo parin ang aking mga luha dahil sa pangyayari. Hinigit ko nalang ang kumot sa aking dalawang kamay.

Sinagot nya kaagad ang phone habang nakatingin sa akin. Hindi ko man lang nakita sa kanyang mga mata ang pagkaawa. Demonyo talaga sya!

"Room 308", at binaba na nya ito.

Anong balak nya? Gusto nyang magkita sila ng kapatid nya? Gusto nyang ipamukha at ipagyabang na nakuha na nya ang pagkababae ko?

Napansin kong nagsuot na sya ng damit habang nagsasalita. Tinakpan ko nalang ang mukha ko at ibinuhos ang pag-iyak. Ayoko ko munang makita si Yuri ngayon. Ayoko kong makita nya akong ganito.

"Don't worry he will fetch you within a few minutes so you better get dress."

Kahit nanginginig ako ay pinilit ko ang sarili kong tumayo. Kinuha ko agad ang damit ko sa sahig. I started wearing my underwear nang may biglang bumukas ng pinto.

"Wow, he's fast!"

Nakita nya akong nakaluhod sa sahig habang hawak ko ang damit ko. Kahit medyo madilim ang paligid, alam kong si Yuri ang dumating. Yumuko ako dahil nahihiya akong harapin sya. Mabilis ang kanyang paghakbang at rinig ko ang pagsuntok nya kay Kyou. Rinig ko ang mga pagtadyak nya. Kahit nakatalikod ako at hindi nakikita ang pangyayari ay ramdam ko ang tensyon ng dalawa. Sinulyapan ko ng tingin at nakita kong nakahandusay na sa sahig si Kyou na puno ng pasa sa katawan.

Maya'y may isang dumating na lalaki na pumasok sa loob. Naaninag ko ang awa ng tingin nya sa akin. Si Paul nama'y gulat sa nakita ng bumagsak na ang katawan ni Kyou sa sahig.

Kinuha ni Yuri ang braso ko para tumayo.

"No!", sigaw ko sa kanya habang patuloy parin ang pagtulo sa aking mga luha.

Tinakpan ko muli ang aking mukha dahil nahihiya ako sa kanya. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.

"Sorry Yuri. Sorry..."

Kinuha nya ulit ang braso ko pero tinapik ko ulit ito. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang manatili dito. I feel like his angry at me. I feel that I betrayed him. I feel that I am no longer worthy to be his fiancee.

"I'm no worth anymore. Just leave me.", humagulgol na ako sa pag-iyak.

Lumuhod na sya sa harapan ko. Kinuha nya ang dalawang kamay na nakatakip sa aking mukha.

"No please. Nahihiya akong harapin ka."

"Hey, look at me Miyu."

Umiiwas parin ako ng tingin sa kanya hanggang sa hinawakan na nya ang dalawang pisngi ko. Napahikbi na ako sa sobrang iyak. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala.

"Hey, it's not your fault and you did not betray me. Its gonna be okay."

Tumango ako sa sinabi nya. It was brief words but he make me even-minded. Sya na mismo ang nagsuot ng damit sa akin. Pagkatapos nyang kinuha ang bag ko inakay nya akong tumayo. Kinuha ni Paul ang kamay ko upang akayin ako palabas ng kwarto. Naglakad na kami sa hallway at napansin kong hindi parin lumabas si Yuri sa kwarto.

"I'm sorry, Miyu. Sana sinamahan nalang kita sa loob ng coffee shop para hindi na mangyari sa iyo ito.", dahilan ni Paul.

Wala parin akong imik na naglalakad kami sa hallway ng hotel. Pumasok na kami sa loob ng elevator at pinindut nya ang basement.

"I saw Kris Lana went out of the cafe. Kaya hindi ako nag-atubiling pumasok sa loob. Pagtingin ko, wala kana doon pati sa Restroom wala ka rin doon. Paglabas ko'y nakita kong tangay kana ni Kyou. Nalaman kong doon sya sa likod ng cafe nakapark. Hinabol ko sya at nalaman kong pinasok ka nya sa loob ng hotel. The front desk wont tell me kong anong room number nyo dahil yon ang bilin nya. He even used Yuri's name--"

"Paul. Tama na.", pagputol ko.

Parang ang paa koy hindi na gustong lumakad. Nawalan na naman ako ng balanse nang dumating na kami sa basement. Mabilis naman akong binuhat ni Paul hanggang nakarating kami sa loob ng kotse. Umupo ako sa backseat pati narin si Paul. Maya'y dumating narin si Yuri at umupo sa front seat. Hindi man lang nya ako nilingon. Baka nawalan na sya ng gana sa akin. Baka sinabi lang nya yon kanina para kumalma ako ngunit hindi pala nya ako mapatawad.

~~~~

Please let me hear your thoughts and comment down below! If you want to be dedicated feel free to message me! Gracias!!!

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon