Part 3 "Conscious"

2.4K 60 5
                                    

~~>> This Part is dedicated to marlowemendez & Suga93Miguel..(='∀`)

~~~~~
Kinabukasan maagang umalis si Yuri sa bahay. Buti at nakabili na sya ng undergarments ko pero lahat yata ng pinabili nito'y super sexy na bra at panties. Sampung set ang binili nya. Paano nya nalaman na 38 size ang bra ko? Tinitingnan siguro nya ito o tinawagan na naman nya ang bff ko. Speaking of bff, na miss ko na ang bestfriend ko. Makatawag na nga. Hindi sya nakasagot kaagad sa phone.

"Hello Besh! Ba't ang tagal mong sumagot."

"Babe, mamaya na yan malapit na oh!"

Yan nalang ang narinig ko na pamilyar na boses ng lalaki sa telepono bago pa nasagot ni Misaki.

"Syensya na besh, were in the middle of you know na! Tawag ka nalang mamaya ha! Miss you. Bye!"

Yon! Binaba na nya ang telepono. May bagong boyfriend na ba sya! Ang dali yata! At parang kilala ko yata ang boses ng lalaking yon. Minsan hindi sya nagmention na may boyfriend sya. Naglihim na ba sa akin ang bestfriend ko? Patay sa akin yon pagnagkita kami!

Nanood lang ako ng movies hanggang umabot na ng gabi. Busy nga talaga si Yuri kahit nandito na sya sa America at nag focus na sya sa pagkanta ay hectic parin ang schedule nito. Nag quit na sya bilang artista kaya sa pagkanta nalang ang inaatupag nya ngayon.

As usual nakasuot parin ako sa malaking tshirt ni Yuri na hanggang legs ang taas. Naisipan ko na pumunta sa labas ng bahay upang tingnan ang infinity pool. Sa paglabas ko, laking gulat ko na may dalawang guards pala na nakabantay sa harap ng itim na gate. Lumingon lang sila sa akin habang binabantayan ang kilos ko. Naiilang tuloy ako. Na miss ko tuloy ang personal guards nya nuon na sila Ben, Mark, Christian at Paul ang so called A1.

"Titingnan ko lang ang pool.", sabay turo ko nito.

Napakaseryoso nila at tumango lang at humarap na uli sa gate. Hanggang ngayon pinababantayan parin ako ni Yuri kahit dito na kami sa America. Hindi kaya dahil narin kay Kyou!

Lumapit na ako sa infinity pool at hindi ko akalaing napakalawak nito. Yuri is really rich man ngayon ko lang narealize na ang swerte ko nga pala talaga dahil sa raming nagkakandarapang babae ako pa ang maswerting pinili ni Yuri na mayaman, gwapo, mapagmahal, mabait at talented na tao. Nasa kanya ang lahat and then he choose me to be his fiancee.

Nakita ko pala sa TV na kinacamerahan ng taga media noong pasakay nako sa private chopper ni Yuri. Nakafocus sila sa singsing na suot ko na confirmed na I'm engaged with him. Kahit galit ang manager nya sa napapabalita, mas lalong rumami ang offers nya for advertisement, interviews at pagkanta. Excited na nga ako sa upcoming concert nya dito sa California.

Bumalik ako sa sarili kong may narinig akong boses sa labas na parang pinipigilan syang papasokin sa loob ng bahay.

"I just want to speak with her!"

Napahakbang ako palapit sa pool nang bigla nalang akong na out of balance at hindi ko namalayan na pabagsak na katawan ko sa tubig. Sinubukan kong lumangoy pero dahil sa lamig ng pool ay biglang tumigas ang mga paa ko. Sinimulan ko ng sumigaw ng tulong hanggang sa naubusan na ako ng lakas at nawalan na ako ng malay.

Dinilat ko ang aking mata at nakita ko ang maamong mukha na ang mga mata nitoy puno ng pag-alala. Basang-basa ang suit na suot nya at nakita ko rin ang tatlong guards na parang nababahala.

Binuhat nya ako at akmang pinipigilan sya ng mga gwardya. Hindi sya sumunod nito at pumasok sya sa loob ng bahay at inilapag ako sa isang black leather na sofa. Si Kyou ang nagligtas sa akin at hindi ko alam kong matutuwa ba ako nito pero gusto ko na ring magpasalamat sa pagligtas nya sa akin.

Binigay nya ang towel sa akin.

"Can you get up?"

Hinay kong bumangon at umupo sa sofa sabay hawak sa noo.

"Medyo nahihilo parin ako at salamat sa pagligtas sa akin kanina Kyou."

"You have to cover yourself first."

Nakita kong nakawhite polo shirt pala ako kaya kitang kita ang pink na bra at panty ko! Nakakahiya! Madali kong tinakpan ang aking katawan sa towalya.

"Even your unconscious you knew that I am not Yuri. I am really surprised! You really knew my brother so much, don't you? Well, of course your livin in half a year because of that so called reality show before."

Hindi ko alam kong anong reaksyon ang ibibigay ko sa kanya dahil binabalaan na ako ni Yuri na layuan sya.

"I'm going to change, you may now leave."

Tatayo na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang mga balikat ko at pinaupo ako ulit sa sofa! Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko. My gosh! Anong gagawin nya sa akin!

"I'm still talking to you..", habang titig nya sa aking mga mata.

Ano kayang gagawin ni Kyou sa kanya? Comment and vote below!!!

Need 100 reads to update po.. thanks!!!

"Intense Trapped" (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon