Part 24 "Taken"

927 22 5
                                    

~~~>>> Dedicated to Hanhan28 <<<~~~

~~~~~}}}☆☆☆{{{~~~~~

-••MIYU POV••-

"Why not? Baka isa doon ang magustuhan mong wedding gown.", wika nya habang isinuot ang rolex nyang orasan.

Pumayag si Yuri na maging model ako sa wedding gowns para mafeatured sa Forbes Magazine. Ngunit hindi ko pa nasabi sa kanya na hanggang ngayon hindi pa ako niregla. Hindi pa kasi sigurado na buntis ako. Wala naman akong nararamdaman pa sa ngayon. Nang nakatulog na si Yuri kagabi ay nagmadali akong nagsearch sa google kong ano-anu ang mga sintumas kapag mabuntis. Baka late rin syang lalabas kagaya last month na umabot ng isang linggo bago lumabas ang mens ko. Naghanda narin ako sa aking pag-alis dahil pupunta ako sa Davao.

"Make sure you wear it."

Nagtaka ako sa sinabi nya. Ano ibig nyang sabihin bakit ang seryoso nyang makatingin sa akin.

 Ano ibig nyang sabihin bakit ang seryoso nyang makatingin sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yumuko syang nilapit ang mukha nya sa akin. Hinaplos nya ang buhok ko at tinabi sa likod habang tumango-tango. Kahit kunting haplos lang yon ay kinilig ako sa ginawa nya.

"Good.."

"Huh, anong good?"

"Are you sure, you will not attend to my concert?"

Hindi man lang pinansin ang tanong ko kaya tumango na lang ako sa kanya. Gustuhin ko mang pumunta sa concert nya kaso masasaktan lamang ako. Ang dami kasing Yuu-kris Fans sa Pilipinas kaya siguro ubos kaagad ang tickets. Nabalitaan ko nga sa news na ang daming umiyak na fans dahil sold out  kaagad at sa labas nalang ng dome sila mag-aabang kong sakaling may magbenta sa kanila ng tickets.

Binuhat na ni Yuri ang grey luggage ko at unang lumabas na sa hotel. Maya'y lumabas narin ako. Paglabas ko sa lobby ay nandon na ang sasakyan ko. Kumaway na nakangiti si Paul sa akin sa bintana ng kotse habang hawak ang manibela. Pumasok na ako sa passenger seat. Yumuko lang si Yuri para magkapantay kami. He pat my head at saglit na ngumiti sa akin.

"Mag-ingat ka ha. I love you."

Namula nalang ang pisngi ko ng hinalikan nya ako sa noo bago nya sinara ang pinto ng kotse.

"Ayeee..", asar nila sa akin ng pumasok na yong tatlo. Umiinit tuloy ang pisngi ko.

Umupo si Ben sa front seat. Yong dalawa na sina Christian at Mark ay tinabihan ako sa back seat. Sasamahan kasi nila ako sa Davao. Sila talagang apat. Ang bongga talaga ng mga bodyguards ko. Good looking at papable pa. Pinahaharot na ni Paul ang kotse. Lumingon ako sa likuran habang nakatingin lang si Yuri sa akin palayo sa kanya. I will really miss him.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
&quot;Intense Trapped&quot; (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon