Chapter 1

12.7K 189 3
                                    


"Mom, i don't want to study in province. I don't like there! Gusto ko dito kasama ka, kasama ang daddy. Please let me stay. I promise magtitino na ako at di na muna ako magboboyfriend hanggang di niyo pa ako pinapayagan" pagsusumamo ni Brian sa kanyang mommy na nakaupo ngayon sa kanilang garden habang nagbabasa ng newspaper.

"Brian anak, intindihin mo nalang ang daddy mo. Tutal para rin sayo yan. At yang kaligtasan mo rin naman ang inaalala namin" sagot ni Susan sa kanyang anak habang nakatuon parin sa newspaper na kanyang hawak.

"Why? bat niyo ako pinapaalis ni daddy. Sabi ko naman sayo mom. Kaya ko sarili ko. At tsaka si Liam mabait yun i swear! at nakipagbreak narin ako sakanya! Hindi porket nag bar ako at nag iinom ako at nagboyfriend ako mapapahamak na--"

"Mag ccollege ka sa probinsya and that's final!!" nagulat pa ang mag ina ng biglang dumating ang kanilang padre de pamilya. Si Brian naman ay hindi na nakapagsalita pa at tumakbo nalang papasok sa kanilang bahay at malamang magkukulong nanaman ito sa kwarto katulad noong malaman niya na naayos na lahat ng kaniyang mga kakailanganin sa pagtatransfer niya ng school. Sa Storm University siya nag aral noong prep palang siya hanggang mag highschool at dito rin niya balak mag college ngunit dahil sa nalaman ng kaniyang mga magulang na nag iinom siya, nagccutting classes at may boyfriend pa sa edad na 15 nagdesisyon sila na palipatin si Brian ng paaralan sa probinsya na pagmamay ari rin nila. Sa Villa University.

"Arman tama ba na palipatin natin si Brian ng school? Hindi kaya mas makasama pa ang desisyon natin sa ating anak?" Sabi ni Susan sa asawa niya na umupo sa kanyang tabi.

"Alam mo Hon, hindi maitatama ugali ng anak mo kung lagi mo nalang siyang iintindihin. Minsan ng sumuway satin ang anak natin. Minsan kailangan mo rin siyang pagalitan, suwayin at itama sa mga pagkakamaling nagawa niya"
sagot ni Arman at saka inakbayan ang asawa. "And don't worry, may mga kasambahay tayo sa Bicol. Kilala natin ang lahat ng nagttrabaho sa Villa Univesity. Andun din ang kapatid mo na si Letty para bantayan si Brian. Wala kang dapat na ipag alala pa. Tama ba? As long as nandun si Letty at handang bantayan si Brian wala kang dapat ipag alala. And pwede mo naman siyang dalawin doon paminsan minsan" mahabang paliwanag ni Arman sa kanyang asawa.

---------

*Her mysterious neighbor (Completed)

*Ugly to beauty
*Waitress
☝ mga sulat ko rin po, hindi pa tapos pero baka gusto niyong basahin 😹 thank youuuu 😘

Love,love, love!
Gil mendoza ♥

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Where stories live. Discover now