"Pulang Bandila"

395 4 0
                                    


Bandila mo'y malayang kumakaway-kaway
Di alintanang may paparating na kaaway
Tanging pagmamahal lamang ang taglay
Pagkat wala sa iyong mukha ang mamatay.

Sa gabing payapa may dala palang balakid
Nagkalat ang masasamang hayop sa paligid
Katawan mo'y hinuli't ginapos ng lubid
Nagdanak ang dugo sa bawat sulok ng silid.

Malakas na pagsabog ang umaalingaw-ngaw
Amo'y dugo ng tao ang sumisingaw
Maraming buhay na naman ang ninakaw
Kailan pa kaya muli sisikat ang araw?

Kapayapaan ang sigaw ng sambayanan
Hiling nila digmaa'y wakasan
Marami ng magulang ang nawalan
Tulad ng sanggol na sana'y liligtas sa bayan.

H'wag hayaang magtagumpay ang mga sakim
Sila dapat ang magdildil ng asin
Hindi ang bayang matagal ng nagtatago sa dilim
Kaya't lalong patatagin ang mga layunin.

Iwagayway ang pulang bandila
Gawing sandata ang kanyang mga salita
Magkaisa't labanan ang mapagsamantala
Ang katulad nila'y dapat parusahan ng madla.

- March 5, 2018    5:57PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon