"Alena anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Pirena na nilapitan ng apwe.
       "Pagkatapos mamatay ni Kahlil....kahit matagal na iyon nararamdaman ko pa din na di pa ako handa na magkaroon ng panibagong anak....di pa naghihilom ang sugat sa puso ko." Sambit ni Alena sa kanila. Napatango naman sila nauunawaan nila ang sitwasyon ng kapatid nila.

        "Kung ganoon isa kina Lira at Mira na lamang ang pagpipilian natin kung sino ang magiging tigapagmana ni Alena..." Sambit ni Danaya. Ngumiti naman sila Pirena at Amihan sa mga anak nila.
        "Patawad Ina...ngunit matagal ko nang isinuko ang karapatan ko sa trono ng Lireo....mas nanaisin kong maging tigapagmana ng aking ina sa Hathoria." Nakangiting sabi ni Mira napatango naman si Pirena saka siya lumapit sa anak.
        "Avisala eshma anak." Nakangiting pasasalamat nito kay Mira.

       "Kung ganoon ay ikaw anak....Lira...nais mo bang magpatuloy bilang tigapagmana ng iyong Ashti Alena?" Tanong ni Ybrahim sa anak tumingin naman sa kanila si Lira saka ito tumingin sa ina.
       "Nais ko maj ngunit iba ang itinitibok ng aking puso Inay' Itay...." Sambit ni Lira.
      "Ano ba ang nais ng iyong puso?" Tanong ni Amihan sa anak.

        "Inay...nais kong makasama si Malik...mahal ko sya at mahal niya ako.....at sa sandali na mag-isang dibdib kami kung papayag kayo....nais nya na ninanais ko din ay sa Avila na kami maninirahan." Paglalahad ni Lira ng plano nila ni Malik. Napahinga naman ng malalim si Amihan saka napatingin kay Ybrahim.

      "Kung iyan ang iyong nais Lira....pumapayag kami ng iyong ama." Nakangiting sabi niya agad naman na yumakap sa kaniyang magulang si Lira.
         "Salamat Inay' Itay" nakangiting sabi ni Lira sa mga magulang.
      "Kung ganoon ay sino na ang magiging tigapagmana ng korona ng Lireo?" Tanong ni Danaya kina Imaw at Cassiopei-a.
     
         Magsasalita sana si Amihan ng mapansin ni Ybrahim ang kanyang palad.
       "Amihan...ang iyong palad" sambit ni Ybrahim saka hinawakan ang kamay ng kabiyak at inilahad ito. Isang simbulo ang lumabas....ang simbulo ng pagdadalang-diwata.

       "Sa tingin ko nasagot na ang katanungan natin....may tigapagmana na ang korona ng Lireo." Nakangiting sabi ni Cassiopei-a sa kanila.
           "Muli ay isang sanggol na nagmula sa lahi nila Raquim at Mine-a ang magiging tigapagmana ng Lireo." Tuwang sabi ni Imaw sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

         Isang siglo ng kasaganaan at kapayapaan ang nakamtan at nararanasan ng lahat ng encantado na naninirahan sa Encantadia sa ilalim ng pamumuno nila Hara Alena ng Lireo....Hara Pirena at ang kabiyak nitong si Rama Azulan ng Hathoria....Rama Ybrahim at Hara Amihan ng Sapiro at sa tulong na din ng Sang'gre Danaya at dating mashna na si Aquil.

      Naging maganda ang takbo ng pamumuhay ng mga sang'gre mula ng bumalik sila mula sa nakaraan ay di nagtagal non' natanggap na din ni Mira si Azulan para maging pangalawang ama at kabiyak ng Inang si Pirena. Di din nagtagal ay isang sanggol na lalaki ang isinilang ni Hara Pirena na pinangalanan nilang Ceros. At si Mira masayang masaya siya sa piling ni Anthony na tuluyan ng nanirahan sa Encantadia.

       Samantalang di din nagtagal mula ng bumaba sa trono ng Lireo ay nag-isang dibdib na din sila Danaya at Aquil na di naglaon ay biniyayaan ni Emre ng isang anak na babae...si Ariella....na katulad ni Danaya ay lagi ding tumatakas sa mga pagsasanay na binibigay ng amang si Aquil.

        Naging mahusay naman na hari at reyna sila Ybrahim at Amihan ng Sapiro bukod doon ay naging mapagkalingang magulang din sila sa mga anak na sila Caspian at Lirios na ngayon ay nasa hustong gulang na. Nagsasanay na din ang mga ito para sa nalalapit na pagsusulit na magtatalaga kung sino sa mga ito ang susunod na Rama ng Sapiro. Samantalang ang anak nilang si Lira ay matagal ng naninirahan sa Avila kasama ang kabiyak nitong si Malik madalas dumalaw ito sa Sapiro para ipakita sa kanila ang apong si Cassandra....at tunay nga ang sabi ni Lira noon napakaganda ni Cassandra at sa tuwing lumilipad ito sa mundo ng mga tao gamit ang mga pakpak na namana nito sa ama ay nagmimistulang anghel ito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें