Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo

2.8K 59 29
                                    

Ӝ Kabanata LXXV Ӝ
Ang Kasiyahan sa
Lireo

Ӝ


          
             Mabilis na nagtatakbo palabas ng silid na laan sa kanya sa Lireo si Caspian papunta sa silid ng kanyang Ina. Nangangamba suyang isang panaginip lamang ang lahat ng nangyari kagabi.

        "Ina!" Sambit niya
        "Caspian anak...." Nakangiting bungad nito sa kanya kasama nito sa loob ang kanyang edea Lira. Agad siyang tumakbo at yumakap sa kanyang Ina.
        "Tila yata naalimpungatan ang iyong apwe Lira" natatawang sabi ni Amihan saka niya hinalikan sa noo.

        "Kahit naman ako Inay.... Ikaw ang una kong hinanap nangamba din ako na baka isang magandang panaginip lang ang lahat." Nakangiting yumakap din si Lira sa kanya Ina.
       "Hindi ba at sinabi ko na sa inyo na  di na ako mawawalay pa sa inyong piling?" Nakangiting sabi ni Amihan saka niya niyakap ng sabay ang dalawang anak.

       "Mukang naunahan na ako ng mga anak natin na batiin ka ngayong umaga." Nakangiting sabi ni Ybrahim pagpasok sa kanyang silid.
       "Ybrahim ikaw pala... Magandang umaga." Nakangiting sabi niya
       "Magandang umaga mahal ko." Nakangiting pagbati din sa kanya ni Ybrahim napangiti naman dahil dito di lang si Amihan pati ang kanilang mga anak.

         "Ano ba yan kinikilig naman ako!" Sambit ni Lira na ngiting-ngiti sa mga magulang, samantalang nakangiti din si Caspian na naintindihan ang sinabi ni Lira, napailing na lang sila Amihan at Ybrahim dahil sa mga anak.

         "Rama Ybrahim nandito ka pala....napaka-aga mo naman." Nakangiting sabi ni Hara Danaya na pumasok din sa silid ng dating reyna.
        "Si Ashti-Hara nagtataka pa syempre kasi nandito ang kanyang 'sweetheart'." Nakangiting sabi ni Lira. Napakunot naman ang noo ni Danaya, maging sila Amihan at Ybrahim sa tinuran ni Lira.

        "'sweetheart'?" Nagtatakang tanong ni Danaya.
        "'sweetheart'.... Di niyo pa ba alam eh ganyan nga kayo ni Aquil di ba." Nakangiting tukso ni Lira kay Danaya na lalong ikinakunot ng noo ng Hara.
         "Ang ibig sabihin ni edea Lira ay... Iniirog......'sweetheart'...... Minamahal." Nakangiting pagpapaliwanag ni Caspian.

        Bigla naman napaiba ng tingin si Danaya sa tinuran ng mga hadia.
       "Ikaw talaga Lira kung ano-ano ang tinuturo mo sa iyong apwe.....Danaya bakit ka nga pala naparito sa aking silid?" Natatawang tanong ni Amihan.
        "Ah.. Oo.. Kaya ako naparito para sabihin na magkakaroon ng piging para sa iyong pagbabalik Amihan." Nakangiting sabi ni Danaya.

        "Di naman na kailangan iyon Danaya." Nakangiting pagtanggi niya.
        "Amihan... Mahalaga ang pagbabalik mo at karapat-dapat ipagdiwang." Nakangiting sabi ni Danaya.
       "Sige na Inay pumayag na kayo minsan lang magkaroon ng party dito eh." Nakangiting sabi ni Lira. Napangiti na lang tuloy si Amihan.

         "Kung iyan ang iyong nais anak... Sige Danaya... Pumapayag na ako sa piging na iyong nais idaos." Nakangiting sabi niya sa bunsong apwe.
         "Avisala eshma... Maiwan ko na kayo at magpapahanda na ako." Nakangiting sabi ni Danaya saka ito lumabas ng kanyang silid.

         Nakangiting nakatingin naman si Ybrahim kay Amihan at sa kanilang mga anak.... Di na siya makapaghintay na maisayaw ang kanyang pinakamamahal na Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Napalingon si Cassiopei-a ng bumaba ang isang argona sakay ang Ina ni Selea na si Aella.
        "Selea anak!" Pagtawag nito sa paslit na agad namang nagtatakbo palapit sa Ina.
        "Ayos ka lang ba anak? Di ka ba nasaktan?" Tanong agad nito. Umiling naman ang bata. Marahil ay nabalitaan na sa Eceros ang nangyaring paglusob sa Academya na kanyang ipinagtataka sapagkat sa kanyang nakita ay mga kawal etherian ang mga ito..... Na napaka-imposibleng mangyari sapagkat matagal na silang naglaho.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon